ARA'S PART
Masubukan nga magjogging baka sakaling marelax ako at makahanap ako ng solusyon sa problema ko. Hindi ko rin naman masasanla ang bahay namen kung may nahanap ako nun pambayad sa mga utang namen, marami kasi pinasok na business nun si Daddy, kaso lahat yun nalugi, kaya nung namatay sila sa car accident, naiwan saken lahat.
Hay, ganito pala feeling ng nagjojogging para kang tumatakbo lang sa lugar na hindi mo alam kung san ka pupunta. Habang nagjojogging ako, ang dami ko nakikita na mga couples sa park, "anu to te? Aga aga sweet moments agad?? Yan talaga breakfast niyo??" Bitter kong bulong sa sarili ko.
Anu bang feeling ng nakikipagdate? Anu bang feeling ng may boyfriend? At anu ba ang feeling ng inlove??? Ang weird ko. Never pa kasi akong nakipagdate, at nainlove. Ewan ko ba baket ganun, siguro hindi talaga ako pinanganak para mainlove? O wala lang ako interest sa mga ganyan dahil lalo lang pasasakitin nito ulo ko? Hay anu ba yan. Tumigil ako saglit sa pagjojogging ko at umupo saglit sa may bench.
JUSTIN'S PART
"Justin, andito na tayo sa Baguio." gising saken ni Jepoy. Ang sarap ng tulog ko, pakiramdam ko 2 araw ako natulog, naging payapa ang isip ko kahit papanu. Luminga-linga muna ko, binuksan ko ang bintana.. hay, ang sarap ng simoy ng hangin, fresh na fresh. At brrrrrrrrrr.. ang lamig!!! Sakto ang jacket na suot ko na bigay ni...... hay! Naisip ko na naman siya, ok Justin siya na naman.
"Tara baba muna tayo dito, gusto ko muna maglakad lakad.. haba ng byahe naten e." Yaya ko kay Jepoy. Gusto ko muna maglakad lakad dahil para atang sumakit ang pwet ko sa tagal ng pagkakaupo ko, ganda pala dito sa Baguio nakakelax. Ang sarap maglakad lakad dito, pakiramdam ko nasa ibang lugar ako. Meron kaya nakakakilala sken dito? Sana hindi nila ako mamukaan para makapagbaksyon ako ng maayos, dahil pag may nakaalam na andito ako, baka sundan ako ng mga reporter at mainterview pa ko tungkol sa break up namen ni Cassie.
"Hoy Justin!!!! Anu walang kasama???" Sigaw saken ni Jepoy, naiwanan ko na pala siya. Masyado kasi ako naexcite e.
"Ay sorry, ang bagal mo kasi maglakad e. Kanina pa kita niyaya e. Bilisan mo nga!"
"Para kang bata nakawala a." pangaasar niya saken.
Ang bagal talaga nito maglakad. Papogi pa, tumitingin pa sa nasa paligid niya, kala mo naman makakahanap siya ng girlfriend dito.
"Uy Jepoy, wag mo nga masyado ipagsigawan ang pangalan ko dito. Baka may makakilala saken, masira pa ang bakasyon ko." saway ko sa kaniya.
Napatahimik naman siya agad, at nagsimula na kame naglakad at inenjoy na lang namen ang view.
ARA'S PART
Simulan ko na nga ulit magjogging para makauwi na ko sa bahay at abutin pa ko ng taas ng araw dito. Habang tumatakbo ako sa park, napapansin ko parang padami ng padami ang mga couples dito, anu bang meron??? Valentines day ba at naglipana silang lahat? Nakakaloka sila a..
Maya-maya pa'y biglang.......
BAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGG!!!!!
"Awww!" narinig ko lang na salita ng isang lalaki, shocks! Nabunggo ko ata siya, pero baket ganun hindi ko man lang siya napansin.
"What the f...! Aray a!" Nakaupo siya sa semento, muka ngang nabunggo ko siya.
"Ay sorry kuya, sorry a. Hindi kita napansin."
"Ang sabihin mo, hindi mo talaga tinitignan ang dinadaanan mo! Are you blind???!!!" Tumayo siya habang pinapagpag niya ang pantalon niya.
"Sorry talaga, sorry hindi ko talaga napansin na andyan ka."
"Talagang hindi mo ko mapapansin dahil mukang malayo ang iniisip mo, at sa tingin ko tatanga-tanga ka para hindi mo ko makita!" Sa pagkakasabi niyang un, ay biglang umakyat ata ang lahat ng dugo ko sa ulo.
"Aba! Hoy lalake, ako na nga tong nagsosorry sayo kaso ikaw pa tong mayabang na kung anu anu pa sinasabi mo! Akala mo kung sino ka a, baket nabili mo na ba tong daan na to a!!!" sa galit ko nasigawan ko siya, kapal ng muka niya para sabihan ako ng tanga. Baket sino ba siya a???!!! Muka ngang ngayon ko lang nakita muka niya e.
"Hindi mo ba ko nakikilala a???!!!! Atska nagsisintas ako ng sapatos dito, hindi ko alam kung baket nagawa mo pa kong banggain!" Sagot ng mayabang na nilalang na to.
"Ahhh, eh ikaw pala ung tanga! Magsisintas ka lang sa gitna pa ng daan. Kaloka ka kuya! Sinisira mo araw ko!"
"Anu sabi mo?????? Wow!!!! Wow!!!!" Biglang may lumapit samen isa pang lalaki mukang kasama niya pa ata to.
"Justin, anu nangyari?" Sabi nung lalaking dumating, at Justin pala name niya. Sorry hindi kagandahan.
"This stupid creature hit me! Ang laki laki ng daan, pero nadali pa niya ko. Stupid di ba?!!!"
Stu..stu...stupid creature????!!!! Ay teka!!!!
"Hoy Dustin!!!" Kumukulo talaga ulo ko sa lalaking to! How dare him to call me stupid creature???!!!
"It's Justin! Not Dustin!!!! Tanga ka nga, simpleng pronunciation lang ng name, hindi mo pa mabigkas." Wow!!! Talino niya noh!
"Sinadya kita tawaging Dustin, dahil amoy alikabok ka at muka kang alikabok!!! Akala mo kung sino ka, subukan mo pa ko sabihang tanga, naku!!! Hindi kita matatantya!"
Umawat na yung lalaki kasama niya dahil alam niya at kita niya siguro na konting-konti na lang at magugulpi ko na ung kasama niya.
"Ahhh.. miss sorry, pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko, may pinagdadaanan lang to kaya medyo masungit. Mabait naman to, hehe.. pasensya na a." Sabay hila na sa lalaking impakto. Nagbubulungan pa sila habang naglalakad, bwiset talaga tong lalaking to sinira niya araw ko! F na F ko pa naman ngayon ung ambiance tapos bigla siyang.... naku po!!! Sana hindi ko na siya makita pa kahit kelan!!!
JUSTIN'S PART
Siya na nakasakit, siya pa ang may ganang manigaw. Kapal din ng muka ng babaeng yun.
"Justin, anu ka ba a. Baket mo pa pinatulan ung babaeng yun? Buti hindi ka niya nakilala kundi naku tabloid ka na naman nito." panenermon saken ni Jepoy. Aba! Nagsintas lang ako ng sapatos ko tapos bigla ko na lang makikita sarili ko na nakaupo sa sahig dahil sa tatanga-tangang babaeng un. Sino ba naman hindi maiinis di ba?
"Alam mo, kung hindi lang yun babae siguro nasapak ko na yun!"
"Hoy Justin, baka nakakalimutan mo kakatapos mo lang sa gulpi nung isang araw.. tska babae yun Jepoy, ok ka lang?"
"Kaya nga sabi ko kung hindi babae di ba??? Pasalamat siya nagtimpi pa ko. Lika na nga bumalik na tayo sa kotse, nasira na niya araw ko. Hanap na tayo ng hotel na pagstayan dito." Naglakad na kame pabalik sa kotse para makahanap na kame ng masstayan na hotel, at sana hindi ko na makita at makasalubong pa ang babaeng yun!

BINABASA MO ANG
My Actor And I
RomanceSi Justin Mendoza, popular na hearthrob ngayon sa bansa pero ngayon nagbabakasyon siya sa Baguio para makapgisip-isip at makalimot sa nangyaring break up nila ni Cassandra Santos na kalove team din niya. Si Ara Fernandez, isang ordinaryong babae fro...