SAM POV
Nagising nalang ako na nakahiga sa isang sementadong lugar, mejo masakit pa yung ulo ko at umiikot ikot pa yung paningin ko. Hinawakan ko yung ulo ko.
"Argh. Ang sakit."
Pumikit ako ng mga ilang segundo at dumilat muli. Kinilala ko yung lugar kung nasan ako, isang bahay na di pamilyar sakin, at sa tingin ko matagal ng inabandona ang lugar na to.
Dahan-dahan akong tumayo at siniyasat ang buong bahay, walang tao. Nang may kumaluskos sa may basement. Binuksan ko unti-unti ang pintuan papuntang basement ng may biglang sumunggab sakin.
Isang naaagnas na bangkay na buhay. Oo zombie nga, at pinipilit nito na kagatin ako pero buti naiharang ko yung kaliwang braso ko sa leeg nya, kinapa ng kanang kamay ko yung jacket ko kung meron ba kong weapon na dala.
Nakapa ko yung baril sa jacket ko, binunot ko yun agad at binaril sa ulo yung zombie na gustong gusto na kong kainin.
"Sheesh.. zombie. Kung andito lang si Dean sigurado ko pagtatawanan ako nun."
Napangiti ako at tumayo na ulit. Sumilip ako sa bintana. Walang katao-tao.
"Nasan ba ko? Bakit walang katao-tao sa labas?"
Nang sa di kalayuan, napansin ko na may paparating 3 hanggang 5 tao. Pero nagtaka ako kasi bakit ganun sila maglakad. Hanggang sa mejo lumapit na sila sa bintana, hindi kayo maniniwala. Pero mukhang, nasa zombie apocalypse na ko.
BINABASA MO ANG
Cross Over
FanfictionCross over of three main characters sa tatlong sikat na movie at american series. It's just, they're charming and adorable at the same time, so why not give their character a chance para magkita kita at magtagpo sa short fanfic story na to? XD