Cross over of three main characters sa tatlong sikat na movie at american series. It's just, they're charming and adorable at the same time, so why not give their character a chance para magkita kita at magtagpo sa short fanfic story na to? XD
Nilabas ko yung phone ko tnry ko tawagan yung kapatid kong si Dean, pero di ko sya makontak. Walang signal. Mukhang wala ko ibang choice kundi kumuha ng mga supplies ko sa isang bakanteng convenient store na nadaanan ko sa di kalayuan.
Dahan-dahan akong pumasok, hawak ko padin yung baril ko para in case may makasalubong o manggulat nanaman saking zombie. Buti naman wala, mukhang wala pang nakakalusot na zombie dito.
Kumuha ko ng bag sa isang rack sa grocery at pinuno yun ng mga pagkaen, salt, at kung anu pa na nakita ko dun sa tingin ko kakaylanganin ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pangunguha ng mga gamit ng maramdaman ko na may pumasok sa loob ng store, naging alerto ako. Tinignan ko yung salamin na bilog na nakasabit sa bawat corner ng store.
May pumasok na nakasumbrero, di ko makita yung mukha nya pero tingin ko pumunta din sya dito para kumuha ng mga gamit. Palapit na sya sakin isang rack nalang ang pagitan, hinawakan ko mabuti yung baril ko at dali daling kumilos, tumayo at itinutok yun sa ulo nya.
Nakatutok din sa ulo ko yung baril nya, di ko napansin na may hawak syang baril pagpasok nya kanina. Yung sumbrero nya, parang sumbrero ng isang sheriff.
"Ibaba mo yung baril mo kung ayaw mong kumalat yung utak mo dito." Sabi nya sakin.
Nangiti naman ako.
"Bakit ko naman gagawin yun?" Tanong ko.
Di pa din natitinag yung mga baril na nakatutok sa mga ulo namin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo.
"May iba ka pa bang kasama?" Tanong nya.
"Wala na, ako lang." Sagot ko.
Ibinaba nya yung baril nya at sinimulan nang kumuha ng gamit at isinilid yun sa bag na dala nya. Itinago ko na din yung baril ko sa jacket.
"Ako nga pala si Sam." Pakilala ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Huminto sya sa paglalagay ng gamit at lumingon sakin.
"Carl." At ipinagpatuloy nya ulit yung ginagawa nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.