Twilight Zone I

8 0 0
                                    

RENESMEE POV

Bigla nalang kami ulit hinigop nung misteryosong liwanag habang tumatakbo kaming dalawa ni Carl palayo sa kuya ni Sam.

Nagising ako ng nasa gitna kami ng forest na familiar sakin. Tumayo ako at naglakad.

------

CARL POV

Hindi pa naman siguro kami patay, ang pagkaka alala ko hindi naman kami naabutan ni Dean.

Nagising ako ng nakahiga sa damuhan na puno ng mga mababangong bulaklak. Bumangon ako paupo. Nasa gitna nanaman kami ng forest, pero this time parang mala-fantasy yung ambience dito.

Nakita ko sa di kalayuan si Sam na walang malay. Tumayo ako, kinuha yung sumbrero at saka lumapit kay Sam.

"Hey!"

Napabaligwas sa pagkakahiga nya si Sam.

"Easy lang. Walang mananakit sayo." Pagpapakalma ko sa kanya.

"Si Dean? Nasan na si Dean? Inabutan nya ba kayo?"

Sunod-sunod nyang pagtatanong sakin habang nirerecognize nya yung lugar kung nasan kami.

"Mukhang nalipat nanaman tayo ng mundo."

Yun nalang ang nasabi ko habang nagmamasid din sa paligid.

"Si Renesmee? Nasan si Renee?"

Pag aalalang paghahanap nya kay Renee. Oo nga no, biglang may kung anong takot na gumuhit sa katawan ko. Nasan si Renee? Di ko na sya nakita pagkagising ko, si Sam lang ang nakita kong nakahiga dito na walang malay.

Tumayo sya agad at hinila ng may pwersa yung neckline ng damit ko.

"Carl, tinatanong kita. Sabi ko nasan si Renee?! Di ba sabi ko ingatan mo sya? Nasan sya?!"

Kitang kita ko yung galit at pag aalala ni Sam sa mga mata nya.

"Hindi ko-" isasagot ko na sana ng may tumawag samin.

"Carl, Sam!"

Paglingon namin kung san nanggaling yung boses, nakita namin si Renesmee na nakatayo at nakangiti sa may di kalayuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglingon namin kung san nanggaling yung boses, nakita namin si Renesmee na nakatayo at nakangiti sa may di kalayuan. Nasisinagan sya ng sun rays na tumagos sa makakapal na ulap.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Cross OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon