S.P.N Scene 1

12 0 0
                                    

SAM POV

"Urgh..."

Panay gasgas at galos ako sa braso at mukha ko. Ganun din si Renee at Carl.

"Okay lang kayo?"  Tanong ko sa kanila, tumango lang sila.

Tumayo agad si Carl.

"Tara na.. baka abutan tayo ng grupo nila Negan. Delikado tayo pag nangyari yun."

'Negan?' Nasa isip ko. Kamukha sya ni dad. Parang sya na nga ata talaga si dad, pero kung sya man yun, bakit nya naman kami babarilin in the first place? Tanong na tumatakbo sa utak ko habang patayo ako.

--------

CARL POV

Si Negan, katulad din sya nung ibang mga grupo na na-encounter namen nila dad. Kaylangan nang mag-ingat, mahirap na.

Tumayo si Renee pero bigla sya ulit napaupo.

"Ouch." Sigaw nya.

Napa-alalay kaming dalawa ni Sam sa kanya.

"Okay ka lang?"  Tanong ko.

"Mukhang nabalian sya nang buto sa kaliwang paa nya."

Sabi ni Sam habang ini-examine nya yung namamagang paa ni Renee.

"Di tayo pwedeng magtagal dito, kaylangan na natin umalis. Kaya mo pa ba maglakad?"

Tanong ko.

"Teka lang, may mali dito."

Biglang sabi ni Sam habang tumitingin sya sa paligid na mapuno, para  kaming nasa kakahuyan.

"Kanina maliwanag pa di ba? Pero bakit parang gabi na ulit?" Pagtataka nya.

Oo nga, tama sya dun.

"Mukhang kaylangan na nga talaga nating makaalis dito agad bago pa dumilim masyado. Carl, pwede mo ba syang alalayan sa paglalakad?"

Tanong ni Sam habang tinutulungan nyang tumayo si Renee.

"Oo, sige." At inalalayan ko sya.

"Renee, konting tiis lang ah. Makakalabas din tayo agad dito sa kakahuyan na to."

Ngumiti lang si Renee sa kanya at sumang ayon.

Naglakad na kami, mukhang sanay sa lugar na ganito si Sam. Sya yung nag le-lead samin kung san dadaan.

Di nagtagal,narating na din namin yung gilid ng roadway.

Napatawa ng mahina si Sam.

"Anong problema Sam?"  Tanong ni Renee.

Tumingin si Sam samin na may bakas ng relief sa mukha nya.

"Mukhang alam ko na kung asan tayo.  Nebraska Medford, Wisconsin."

----------

SAM POV

Nang makalabas kami sa kakahuyan, natawa ko sa nakita ko. Nasa gilid kami ng roadway, at nasa tapat namin ang isang cheap motel na pamilyar sakin.

"Tara." Pagyaya ko sa kanila habang humahakbang sa bakal na railing ng kalsada.

"Saan Sam?"

Pagtatanong ng naguguluhang sina Carl.

"Sa kwarto kung saan kami naka check-in ng kuya ko. Wag kayong mag alala, ligtas tayo dun."

Pagyaya ko ulit at inalalayan ko sa paghakbang si Renee. Sumunod naman si Carl. Nang nasa harap na kami ng pintuan ng kwarto.

Cross OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon