SAM POV
Dahan-dahang umupo sa pagitan naming dalawa si Renee. Inabutan ko sya ng baso na may wine.
Sam: "Tingin ko, alam ko na yung isang bagay na nagkakapareho kapag nalilipat tayo ng ibang mundo."
Nakikinig sila sakin.
"Hindi nyo ba napansin na bigla nalang tayong nalilipat ng mundo tuwing nalalagay tayo sa isang extreme situation katulad ng nanganganib yung buhay natin? Una, sa mundo nyo Carl, nalipat tayo sa mundo namin nung hinabol tayo nung grupo nila Negan, di ba? Tapos sa mundo naman namin nalipat tayo dito nung nalagay sa panganib yung buhay ni Renee."
Carl: "Oo nga no."
Pagsang-ayon nya sakin.
Renee: "So ibig mong sabihin, kaylangan manganib muna yung buhay nyong dalawa ni Carl para makabalik na kayo sa sari-sarili nyong mundo?"
Carl: "Ganun na nga siguro yun."
Natahimik kaming tatlo ng sandali. Naglalaro sa isipan namin yung mga posibleng panganib na pwedeng mangyari sa amin bago kami makauwi sa sariling naming mga mundo.
Carl: "Uhm, kung yun man yung tanging paraan, sasamantalahin ko na tong pagkakataon na to na kasama ko kayong dalawa para magpasalamat. Salamat sayo Sam, sa pagtuturo mo sakin nung mga bagay na pwede kong mapakinabangan pag nakabalik na ko sa mundo ko. Thank you din Renee, dahil pinaramdam mo sakin dito sa mundo mo yung simple at tahimik na pamumuhay na hindi ko na ata mararanasan sa mundo namin. Salamat sa company at pagkakaibigan na pinagsamahan natin kahit sa maikling panahon lang."
Pagtatapos nya sabay inom ulit sa baso nya.
Si Renee, nakatingin lang sa hawak nyang baso. Maya-maya nagsalita nadin sya. Tumingin sya kay Carl.
Renee: "Hindi man kita lubusan pang kilala Carl,alam ko mabuti kang tao, anak at kapatid. Maswerte sila dahil isa ka sa pamilya nila. Salamat din sa pagtatanggol sakin simula pa nung una tayong nagkita, salamat sa pakikinig palagi sa mga kwento ko, salamat- sa lahat. Mag-ingat ka sana palagi pag nakabalik kana sa mundo nyo."
Ngiti nya kay Carl. Sinuklian naman yun ni Carl ng ngiti din at pinatong sa ulo ni Renee yung sumbrero nya.
Napalingon sya sakin, nagtagpo yung mga mata namin pero agad nya ding iniwas yung tingin nya sakin.
Sam: "Carl, alam ko yung sitwasyon mo sa mundo nyo. Alam ko na may potential ka kaya tinuro ko sayo yung mga nalalaman ko sa pakikipaglaban. Mag-ingat ka palagi dun."
Nagfist bump kaming dalawa. Nagumpisang magkwento si Carl ng masasaya nilang moment ng mga kasama nya sa mundo nila, hanggang sa nasundan na ng nasundan pa ng mga kwento ni Renee tungkol sa buhay nya dito. Lumipas yung oras ng di namin namamalayan. Naubos din pala namin yung isang bote ng wine. Si Carl na kanina lang tawa ng tawa ngayon tulog nang nakasandal sa may kahoy na pader ng maliit na kubo kung asan kami.
Si Renee, namumula yung mga pisngi at labi na hindi yata namalayan na napasandal na sya sa balikat ko, halatang hindi pa umiinom tong mga to ng kahit anong alcoholic beverage. Medyo inaantok na din ako, pinipigilan ko lang tuluyang pumikit yung mga mata ko na tinititigan pa din yung maamong mukha ni Renee, yung mabango nyang buhok nakakapagpakalma yung amoy, parang bulaklak sa garden nila, ayoko lumipas tong oras na to ng ganun nalang. Baka paggising ko kinabukasan di ko na sila makita pa, baka bukas pag gising ko nasa kama na ako ng kwarto namin ni Dean. Nakapagbitaw ako ng isang malalim na buntong hininga. Napasandal yung ulo ko sa pader, at unti-unti napapikit nalang din ako ng di ko namamalayan.
--------
RENESMEE POV
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko, nagising ako sa sinag ng araw sa mukha ko. Nakahiga ako sa may isang coat na pamilyar sakin. Kay Sam to. Hinanap ko sya, pero si Carl lang yung nakita ko na tulog pa din. Tumayo ako, dinala yung coat ni Sam at pumasok sa loob ng bahay namin. Nagbakasakali na andun sya, pero nalibot ko na yung buong bahay pero wala sya.
BINABASA MO ANG
Cross Over
FanfictionCross over of three main characters sa tatlong sikat na movie at american series. It's just, they're charming and adorable at the same time, so why not give their character a chance para magkita kita at magtagpo sa short fanfic story na to? XD