CARL POV
Bumalik kami nila Sam sa pinuwestuhan namin kanina. Kasama namin yung babae na takot na takot. Muntik na syang patayin ni Sam kanina, mabuti nalang napigilan ko pa sya.
Habang nakaupo kami, tinanong ko yung babae.
"Ahm, ano nga pala name mo?"
"Renesmee." Maikli nyang sagot habang nakatingin sakin yung maamo nyang mga mata.
"Paano ka napunta dito?" Tanong ni Sam sa kanya.
"Hindi ko din alam. Nagising nalang ako na ganito na yung paligid. Wala ng buhay na tao."
Mangiyak ngiyak nyang sagot. "Bukod sa inyong dalawa." Dugtong nya habang nakatingin samin ni Sam.
"Ako nga pala si Carl, sya naman si Sam. Kakakilala lang din namin ng isa't isa kanina."
Pakilala ko.
"Ah, pasensya na pala kanina. Naunahan lang ako ng instincts ko. Di ko sinasadya na matakot ka lalo dahil sa kinilos ko kanina."
Paghingi ng paumanhin ni Sam kay Renee.
"Wala yun. Nagulat lang talaga ko nung tinutukan mo ko ng baril. Akala ko talagang papatayin mo na ako."
Sagot ni Renee.
Nagkakwentuhan kami ng ilang mga bagay. Hanggang sa lumipas yung gabi. Nakabantay ako habang natutulog naman si Renee sa tabi ko. Si Sam, nasa isang sulok at hawak yung cellphone nya.
-------
SAM POV
Kanina ko pa sinusubukang makontak si Dean, sigurado ako alalang alala na yun sakin. Pero sa di ko alam na kadahilanan nalipat ako sa ibang dimensyon. Hindi ako sigurado kung nasa isang spell ba ko o pinaglalaruan ako ng isang creature na hina-hunt ng pamilya namin.
Wala pa ding signal, tumingin ako sa paligid madilim tanging ilaw lang ng mga flashlight namin ang liwanag. Wala akong kasiguraduhan kung gaano ako makakatagal dito sa dimensyon na to.
Nabaling yung tingin ko sa half-vampire at half-human na si Renesmee. Hindi maniniwala si Dean, at sigurado ako na pagtatawanan talaga ko nun. Hindi ako fan nung palabas na yun, sa totoo lang. Pero di ko inexpect na ganun kaganda yung anak nung mga bida at tulog kasama namin ni Carl.
Sanay ako na magstay ng gising magdamag. Sinanay kami ni dad para magsalitan sa pagbabantay tuwing may hunt. Pero mas kaylangan ko yung lakas ko bukas, dahil di namin alam ang mga pwedeng mangyari. Nakita ko na nakatulog na din si Carl. Chineck ko yung cabinet na nakaharang sa may pinto ng kwarto kung nasan kami, mukhang wala namang zombie ang makakatulak nun sa tingin ko.Kaya unti unti kong pinikit ang mga mata ko.
-------
CARL POV
Kinaumagahan, nagising ako bigla sa kaluskos na narinig ko. Nakita ko si Sam na sumilip sa bintana. Napakuskos ako ng mata ko.
"Nakatulog ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, kahit papano." Sagot nya sakin.
Nagising na din si Renee.
"Uhm, morning." Nakangiti nyang bati samin ni Sam.
Nakakamangha kasi napaka-sweet pa din ng ngiti nya kahit nasa gitna kami ng isang zombie apocalypse.
Kumuha ko ng ilang biscuit sa bag na dala ko at ibinigay ko yun kay Renee. Inabot nya yun at tinignan.
BINABASA MO ANG
Cross Over
FanfictionCross over of three main characters sa tatlong sikat na movie at american series. It's just, they're charming and adorable at the same time, so why not give their character a chance para magkita kita at magtagpo sa short fanfic story na to? XD