CARL POV
Naupo kami ni Renee sa upuan ng isang bakanteng table sa diner na sinasabi ni Sam.
Bakas sa mukha ni Renee ang pag-aalala at panay tingin sa pintuan. Mukhang hinihintay nyang pumasok dun si Sam ng maayos.
"Okay lang kaya si Sam?" Pag-aalala nya.
"Oo, sigurado ko na okay lang sya. Wag kang mag-alala, kapatid nya yung kasama nya dun. Sigurado ako na hindi sya nun sasaktan."
Paninigurado ko sa kanya.
"Pano mo naman nasabi yan Carl?"
Humarap sya sakin. Nilipat ko yung tingin ko sa mga kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"Kasi, may younger sister din ako. At hinding hindi ko sya hahayaang masaktan.Judith ,yun yung pangalan nya. Miss na miss ko na nga sya eh."
(Flashback ni Carl sa isip nya)
Hinawakan nya yung kamay ko at nagsalita.
"Wag ka ng malungkot Carl, makakasama mo na din yung kapatid mo. Alam mo ba na maswerte sya dahil ikaw yung kuya nya? Kasi isa kang mabuting tao."
Pagkasabi nya nun, may biglang kung anong pangyayari yung nag flashback sa utak ko.
---------
SAM POVPinuntahan ko sa malapit na diner sina Renee at Carl. Nakita ko sila sa may di kalayuang table. Nilapitan ko sila.
"Uh- may namiss ba akong pangyayari?"
Tanong ko nung nakita ko na nakahawak sa kamay ni Carl si Renee.
"Sam!" Relieve na sabi ni Renee, bakas sa mukha nya yung saya na makita nya ko ulit at inalis na ang pagkakahawak sa kamay ni Carl.
Umupo ako sa tabi ni Renee.
"Pasensya na kayo sa pinakita ng kuya ko. Katulad ko naunahan lang din sya ng instinct nya. Teka, alam ko gutom na kayo. Miss!"
Pagtawag ko sa waitress. Lumapit ito samin at binigyan kami ng menu.
"Order lang kayo. Wag kayong mahiya. Treat ko. Pambawi man lang sa nangyari kanina."
Alok ko sa kanila habang nakangiti.
-------
Habang kumakain kami, na-open up ko sa kanila yung nangyayari.
"Di ba kayo nagtataka kung bakit palipat lipat tayo ng mga mundo?"
Tanong ko.
"Naguguluhan nga din ako, wala akong kahit isang clue kung bakit nangyayari to.E ikaw Renee? May alam ka ba?" Si Carl.
"Wala. Sa pagkakaalala ko nung huling nasa mundo ko ako, nakikipaghabulan ako kay Jake."
Sagot nya.
"Hmm, pakiramdam ko may kung ano at kung sino ang may kinalaman dito."
"Carl, may gusto sana kong hingin na favor sayo."
Seryoso kong nakatingin kay Carl.
"Ano yun?" Tanong nya.
"Pwede mo bang ilayo na muna dito sa lugar na to si Renee?"
Napatingin silang dalawa sakin.
Renesmee: "Sinasabi mo ba na, gusto mo na kaming humiwalay sayo dito sa mundo mo Sam?"
Sam: "Hindi naman sa ganon. Pasensya na-"
Carl: "Naiintindihan ka namin, Renee hindi ka din pwede na makita pa ulit ng kuya ni Sam. Pagkatapos nating kumaen, babalikan ko lang sa kwarto nyo yung bag ko tapos lalayo na kami."
Hindi na naka-kontra si Renee dahil naintindihan nya yung point nung sinabi ni Carl. Tahimik nalang syang bumalik sa pagkain nya.
--------
Iniwan ni Carl si Renee sa labas ng motel habang kinukuha nya yung bag nya sa kwarto namin ni Dean, nilapitan ko naman sya.
Sam: "Okay ka lang?"
Tumango lang sya ng Oo.
Sam: "Pasensya ka na talaga Renee. Hindi ko din naman gusto na bigla nalang kayo paalisin ni Carl."
Renee:" Sino kaba talaga Sam? Sino kayo ng kuya mo at bakit gusto nya kong patayin?"
Namumuo yung luha nya sa gilid ng mata nya.
Sam: " Hunters kami Renee, nasa pamilya namin yun. Nagha-hunt kami ng iba't ibang creatures-"
Renee: " Katulad ko? Papatayin mo ba ako, Sam?"
Tumulo na yung luha nya pababa sa mapupula nyang mga pisngi
Sasagutin ko na sana yun nang dumating na hingal na hingal si Carl.
Carl: "Tara na Renee. Dumating na si Dean, nakatakas lang ako pero sigurado ko na nakasunod na sya sakin."
Pinunasan ni Renee yung luha nya tinignan nya ko, na parang yun na yung pamamaalam nya sakin.
Dean: "Sam!! Wag mo silang patatakasin!"
Habang tumatakbo papalapit samin.
Sam: "Sige na, umalis na kayo dali. Carl, ingatan mo si Renee. Ako na bahala kay Dean. Sige na, takbo na!"
Tumakbo na sila ng mabilis, sinalubong ko naman si Dean pero tinulak nya lang ako at patuloy sa paghabol sa kanila. Tumayo ako agad at tumakbo din para pigilan si Dean.
Sam: " Dean! Tama na, hayaan mo na sila!"
Sigaw ko habang hinahabol si Dean, nang may kung anong liwanag ang sumalubong samin.
BINABASA MO ANG
Cross Over
FanfictionCross over of three main characters sa tatlong sikat na movie at american series. It's just, they're charming and adorable at the same time, so why not give their character a chance para magkita kita at magtagpo sa short fanfic story na to? XD