Twilight Zone II

10 0 0
                                    

SAM POV

Dun ko nalaman na may gusto si Carl kay Renee. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, napakaganda nya kaya at syempre kahit sino gusto syang protektahan sa kung sinoman at anuman na gusto syang saktan.

Lumabas ako ng bahay.

Sam: "Morning, nakatulog ka ba ng maayos?"

Carl: "Oo, mas maayos kung ikukumpara sa ibang mga gabi sa buhay ko."

Alam ko kung anong ibig sabihin ni Carl. Sa mundo namin bihirang makatulog ng payapa at mahimbing dahil sa mga circumstances.

Sam: "Napansin ko nung nasa mundo mo kami, hindi lang pala mga zombie ang nakakaharap nyo."

Carl: "Tama ka dun, sa mundo namin, mas nakakatakot makaharap ng katulad mong tao, kasi hindi ka sigurado kung pwede mo ba silang mapagkatiwalaan o hindi."

Sam: " Gusto mong turuan kita ng physical combat? Magagamit mo yun."

Napatingin sya sakin.

Carl: "Seryoso ka?"

Sam: "Oo naman, nakita ko na mahusay kana humawak ng baril kaya sa ganung bagay naman kita tuturuan."

-------

Dumaan kami kung saan nandun si Renee at nagpaalam sa kanya.

Sam: "Good morning Renee. May gagawin lang kami sandali ni Carl, di kami masyadong lalayo."

Paalam ko habang patuloy na naglakad.

Carl: "Babalik din kami agad."

Ngiti ni Carl sa kanya.

Renee: "Hey, san kayo pupunta?"

Hindi na namin sya sinagot at patuloy na naglakad.

--------

CARL POV

Sa di kalayuan sa bahay nila Renee kami nagstart mag-training. Tinuruan ako ni Sam ng physical combat at self-defense pag nalagay ako sa alanganing sitwasyon. Hindi ko akalain na mahusay sa pakikipaglaban si Sam, may hawak mang weapon o wala.

Nung una, talagang hindi ako makasabay sa bilis ng reflexes nya, natamaan nya pa nga ako sa mukha, sigurado na seryoso sya dahil malakas yung suntok nya sa mukha ko.

Pero hindi nagtagal, medyo natutunan ko na din yung mga galaw nya at naiiwasan ko na din yung ilang mga atake nya sakin.

Hindi kami inabot ng tanghalian sa pagte-training.

Kinuha ni Sam yung mga wala ng laman na lata sa bag ko at iniayos yun sa may malaking bato ilang metro din yung layo samin, at inilabas nya yung baril nya.

Sam: "Mabilis kang matuto, tara, practice shooting naman."

Pagyaya nya sakin ng nakangiti. Hinawakan ko yung baril ko at pinakitaan ko sya ng natutunan ko sa dad ko.

 Hinawakan ko yung baril ko at pinakitaan ko sya ng natutunan ko sa dad ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Cross OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon