Chapter 7

88 15 12
                                    

Pearl's POV

Kinabukasan ay maaga pa akong gumising, pero ng maalala ko ang nangyari kahapon ay ganon na lang din ang pagkawala ng sigla ko. Bumangon ako at saglit na umupo sa kama ko, iniisip ang bawat detalye ng pangyayaring iyon, at parang ibig kong maluha. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganon ang ipinakitang kabutihan ni Shun sa akin, gayung alam namin ng lahat kung anong klaseng tao meron siya. Pilit kong pinigilan ang aking damdamin, at kakit wala akong ganang pumasok ay hindi rin naman pwede sapagkat ayoko ko ring biguin ang aking mga magulang. Kung sana may kapatid lang ako, ay hindi ako nahihirapan ng ganito. Kung pwede lang sana na hindi ako ang magmana ng companya namin, ay wala rin naman akong magagawa.




Habang naghahanap ako ng maisusuot ko, ay nagulat ako ng may kumatok sa pinto ko.




"Yes?.." I ask.




Pumasok naman si manang Luz sa loob. "May naghahanap po sa inyo sa baba.." Nakangiting sabi nito.




Hindi ko alam, kung sino ang tinutukoy niya, at bakit kasi ganito kaaga pa siya bumisita. Mapakla akong ngumiti rito bago nagsalita. "Susunod na po ako manang."




"Ma'am, ok lang po kayo? Yung mata niyo po kasi mukhang kagagaling lang sa iyak." Tila malungkot niyang sabi sa akin.




"Oo naman po, wag niyo po akong intindihin. Sige po, pakisabi magbibihis lang ako." Sabi ko, at agad namang lumabas ng kwarto ko si Manang Luz.




Tinungo ko ang banyo, at ng tuluyan na akong nakapasok ay dahan-dahan kong inalis ang suot kong pantulog. Bago paman ako makarating sa shower area ay natanaw ko ang aking mukha sa salamin na nasa bandang itaas ng lababo. Ginagap ko ito hanggang sa dumako ang kamay ko sa aking mata. Ganon ba ka labis ang iyak ko at mukhang namaga pa talaga. Minabilis ko agad ang aking kilos ng mapagtanto kong may naghihintay pa pala sa akin. Tsk!




Hindi na ako naglagay ang mga koloreti sa mukha, at baka matagalan pa ako. Nagsuklay na lang ako ng buhok ko at naglagay ng light na lipstick. Okey! I'm ready to go! Bumaba ako ng hagdan, at natanaw ko agad kung sino ang naghihintay sa akin. Halos gusto kong lumubog sa ikailaliman na parte ng lupa, dahil sa nakita ko. Ni hindi ko maitago ang hiyang mayroon ako ngayon. Pero mas nakakahiya kung hindi ko naman siya haharapin. At doon ko na sinambit ang pangalan niya, na nakaagaw rin ng atensyon niya.




"Y-yori..?"

---




Dinala ako ni Yori sa isang park, sa park kung saan ay palagi naming pinupuntahan kung nalulungkot kami. Kahit kailan talaga alam ni Yori ang mga bagay na kailan ko kahit na hindi ko pa sinasabi sa kanya.




"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya na nakapagpahinto ng paglalakad ko.




"Y-yori?" Sambit ko ng pangalan niya, at pinipigilan ko ang mga mata na mukhang bibigay na ata anumang oras.




Nilingon niya ako, at lumapit sa akin. Nauna kasi siyang maglakad sa akin. Ang haba kasi ng biyas ng taong ito ah. At ng makalapit na siya sa akin ay isang simpleng ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.




"Y-yori.." Agad akong napayakap sa kanya. Nung una ay nadismaya ako ng hindi ko naramdaman ang yakap niya. Pero ng ilang sandali ay dahan-dahan niyang iniyakap ang mga kamay niya sa akin kaya labis akong natuwa at mas lalo kong hinigpitan amg yakap ko rito. Kasabay ng yakap na iyon ay hindi ko namalayan ang agos ng luha ko sa balikat ni Yori.




"Sshhh, why are you crying?" He ask, napansin sigurong basa na ang kanyang damit. Aish!




Kumawala ako sa yakap at mabilis kong pinunasan ang aking mukha.




Sealed To The Badboy's KingWhere stories live. Discover now