AUTHOR's NOTE:
LAST FIVE CHAPTERS TO GO! :)
I promise that this will be more exciting and I assure you that this Beautiful Lie will achieve a Beautiful Ending :)
Nakasulat ako ng update habang nanunuod ng Jason X ahaha :D pero walang patayang magaganap dito ah ahaha nashare ko lang ;p
READ muna before LIKE :)
So there... ENJOY!
______________
“When truth is replaced by silence, the silence is a lie.”
― Yevgeny Yevtushenko
Sophia’s POV
After ng “date” namin ni Niko, bumalik na ako sa New York. Masaya akong malaman na hindi talaga niya ako nakalimutan at mahal pa din niya ako…
…pero…
…gaya din ng sinabi ko, hindi lang siguro talaga kami ang para sa isa’t isa.
Maraming nangyari sa loob ng isang taon ko sa New York.
Bukod sa pagiging opisyal na tagapagmana ng The Pavilion Hotels, marami din akong nakilalang tao na siyang magpapabago sa tadhana naming lahat.
Isa na dun si Dylan.
Anak siya ng isang business partner ni Mama at nakatakda kaming ikasal sa isa’t isa. I was arranged in marriage with him even before my real parents found me. Ayaw ni Mama Rosa na gawin ang nasabing kasunduan dahil alam naman niya kung sino ang mahal ko pero para sa kumpanya at para hind imaging kahiya hiya ang pamilya namin… kailangan kong gawin to.
Mabait naman si Dylan pero hindi ko sinasabing mahal ko na siya o gusto ko na siya dahil may mga bagay din akong kinaaayawan sa kanya. It’s just he feels other way around. He wants to be more than friends but I can’t give him that. We can’t even be good friends nga eh. Wala lang. Hindi ko kasi siya feel.
Gaya din ng sinabi ko kay Niko, kailangan kong bumalik agad sa New York dahil may event akong aasikasuhin. That event was actually our wedding.
Ayokong sabihin kay Niko at mukhang wala na ding ibang dahilan para sabihin pa ito kasi sabi niya ikakasal na din siya. Hindi ako sure kung sino yun pero ayoko na ding malaman.
Ito na din siguro ang tadhana namin…
BINABASA MO ANG
A Beautiful Lie
FanfictionA love story that begins with a lie and later on turns out into something real. A lie that separates two people, Is the same lie that will bind them together. Experience the love behind a beautiful lie. Characters Sophia Santos / Tricia Crisologo (S...