*Chapter 19*

260 5 1
                                    

Read before you like :D baka hindi magustuhan eh mahirap na ;)

__________

“Change the changeable, accept the unchangeable, and remove yourself from the unacceptable.”

- Denis Waitley

*Sophia’s POV*

I hated him.

I do.

And I also hated myself for loving him.

Ang duga!

Daig ko pa yung sumali sa Hunger Games dahil sa pag-ibig ko kay Niko.

Hindi naman kami naglalaro para magkaron ng dugaan, di ba?

Nakakainis.

HINDI DAW NIYA AKO KILALA?

Teka? Baka naman sa pagkaopera niya… nagka-amnesia siya?

Pwede. Posible pero wala akong panahong makipag-usap sa kanya ngayon. Naiinis ako sa kanya!

Saka kung nakalimutan na niya ako… siguro hindi ko na din siya kailangang guluhin pa. Kailangan ko nalang tanggapin ang katotohanan.

Sigh.

Bumalik ako sa NIKKO hotel.

“My gad Sophia! Where the hell did you go?” salubong saken ni Theresse.

“Dora stuff, you know?” sagot ko tas umupo ako sa sofa.

“Sabi ko sayo eh. Parang hindi mo naman kilala si Sophia, Theresse.” Singit ni Kristine.

“Kahit na!” sigaw ni Theresse tas umupo siya sa tabi ko.

“Whatever, TRS. Anyway, sis did you meet Bright ba? Nagpunta siya dito eh. Kakarating niya lang kanina. Ang sabi niya kasi, hahanapin ka daw niya.” Dagdag ni Kristine.

“Nagkita kami kanina kaso bigla akong umalis.”

“Bakit? / May nangyari ba?” sabay na tanong ni Theresse at Kristine.

Sasabihin ko ba?

“Uhm… sumakit kasi yung tyan ko. Naghanap ako ng banyo tas paglabas ko, wala na siya. Hindi na kasi ako nakapagpaalam. Akala siguro niya, umuwi na ako.” Dahilan ko.

“Ah? Eh bakit wala pa siya? Kung nagbanyo ka at inakala niyang umuwi ka na… dapat nandito na siya ngayon. Dapat nga nauna pa siya sayo eh.” intriga ni Kristine at ng deductive reasoning niya.

“Baka may dinaanan?” dahilan ko ulit.

“Baka nga.” Sabi naman ni Theresse. “Let’s eat na. I’m so hungry na eh tas sulitin na natin ang araw na to kasi last day na natin dito di ba?” dagdag niya tas tumayo na siya.

“Ay nako! Yan ang pinakamagandang naisip mo, Theresse! Sawang sawa na ko kakadaldal mo kanina.” Sabat ni Kristine tas naglink arms silang dalawa at naunang lumabas.

Sumunod nalang ako sa kanila.

Naglunch muna kami sa hotel then lumabas kami para mag-ikot sa Japan. Mamayang madaling araw kasi ang flight naming pa-Manila.

Parang loka loka tong mga to. Kung saan saang boutique pumasok ta sang daming bibilhin. Lalo na si Theresse! Akala mo mauubusan ng tinda sa bawat boutique na papasukan namin.

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon