*Chapter 25*

275 9 2
                                    

Ito na talaga :)

_______

“Music in the soul can be heard by the universe.”

- Lao Tzu

Sophia’s POV

Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya dinaan ko sa music ang nararamdaman ko. I have to do it. I know I have to. Kahit dito lang.

After naming magpractice, sinundo na ako ni Dylan. I don’t care kung makita niya kaming ganun ni Niko. Wala naman kaming ginagawang masama eh. Anyway, sabi niya nagyaya daw kumaen sa labas si Maestro kaya niyaya ko na siyang mauna.

Nagmeeting pa kasi kami after magdinner kaya medyo natagalan tas nagstay pa kami ng ilang oras sa seaside at sa pagsstay namin, napansin kong magkasama si Dylan at Niko. Hindi sila kagaya nung una akong pinakilala ni Dylan kay Niko bilang asawa niya. I know there’s something wrong between them.

After nilang mag-usap, niyaya na ako ni Dylan na umalis.

Pagdating naman sa bahay, tahimik lang siya. Hindi niya ako pinapansin at halatang iwas siya saken. Matutulog na sana ako pero wala pa din si Dylan kaya hinanap ko muna siya. Nakita ko siya sa terrace.

“Dylan. Aren’t you going to sleep?” tanong ko tas nilapitan ko siya.

“Mauna ka na, hindi pa ako inaantok.” Sagot niya.

“Ganun ba?” tanong ko ulit tas nag nod siya. “May problema ba?” habol ko tas tumingin siya saken.

“Wala. Natatakot lang ako na mawala ka saken.” Sabi niya. Huh? Bakit naman ako mawawala?

“Ano ba yang sinasabi mo? Bakit naman ako mawawala sayo?”

“Wala lang.” sagot niya tas niyakap niya ako… ng mahigpit. “Promise me… you’re not going to leave me.” Dagdag niya.

“I promise. Dylan, please don’t stress yourself.”

“I just love you so much.” Sabi pa niya “Kahit hindi ako ang mahal mo… pangako mong hindi mo ako iiwan para sa kanya.”

“Dy, kahit naman minsan inis ako sayo… never kong inisip na iwan ka para sa iba. Ikaw nga yung asawa ko di ba? Ano ka ba naman?” sabi ko tas lalo pa niya akong niyakap ng mahigpit.

“Salamat. Mahal na mahal kita Sophia. Hindi ko kakayanin pag nawala ka.”

“Jusko Dylan! Itulog na natin to pwede? Pagod ka lang eh.” Sabi ko tas umalis na siya sa pagkakayakap saken at inakbayan nalang ako.

Pumasok na kami sa loob at natulog na.

Kinabukasan, hinatid niya ko sa theater para sa practice. Medyo tutok samen si Maestro ngayon kaya kailangang ayusin ang pagtugtog. Ilang araw din kaming ganito at napapansin kong… pati si Niko, medyo iwas sa akin.

Dito na nga lang kami nagkakasama tas umiiwas pa siya.

At dumating na ang concert niya. Nauna akong tumugtog as his guest tas puro siya na yung sumunod.

Bago kami tumugtog sa final act, kinausap ko muna siya.

“Niko…” tawag ko tas lumingon siya.

“Yes?” sagot niya. Teka? Ano bang sasabihin ko? Ah!

“Congrats.” Sabi ko. Yun ang unang lumabas sa bibig ko. Ano ba yun hehe.

A Beautiful LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon