CHAPTER 41 : The Plan

335 5 0
                                    

OWY'S POV

One month passed. October na. Malapit na ang pasko. :) Di ko na nakikita si Hannah G. Di ko naman hinahanap eh. Siguro tanggap ko na, na wala na kaming pag-asa.

Sa bawat araw na nagdadaan, unti-unti kong narerealize na yung taong mahal ko pala eh sobrang lapit lang pala sakin. Hindi ko muna sasabihin para suspense.

"Huy Parey, bakit wala dito isip mo." bulong ni Elaine

Nasa A.P. Class nga pala kami. Naiinip kasi ako kaya ang layo ng tingin ko.

"Ah eh kasi.. Di ko maintindihan si Maam."

"Makinig ka po kaya! May quiz tayo bukas no." Elaine

"Haha. Oo na."

ELAINE'S POV

Parang baliw tong si Owy. Napakalayo ng tingin. Pero alam niyo kahit ganon siya, until now, Mahal ko pa din siya. Mahal na mahal na mahal pa nga eh. Siguro tanggap ko na, na hanggang bestfriends lang kami. Haay. Makikinig na muna ko. May quiz nga kami bukas hindi ba?

*FF

Eto kami ngayon ng barkada sa Cafeteria. Kumakaen at nagkukwentuhan.

"Yieee.. Alam mo kasi Bro.. Umamin ka na! Gusto mo si Ria no!" Biboy

"Hoy eto? Di no! Gusto ko yung.. Yun.. Basta yun na yun! Si ano.. Si Elaine gusto ko!" Kuya Oliver

"Oy anong ako? Baliw ka talaga Kuya Oliver! Si Ria nalang!" Ako

"Hoy, ang Epal mo Berlans! Di rin naman kita gusto no!" Ria

"Mga Denial pa kayo no!" Edli

"Basta.. Oy Elaine! Tara!" Hinila ako ni Kuya Oliver

"Oy Kuya, saan mo dadalhin Parey ko?" Owy

"Basta.. Tara na Elaine!" Kuya Ver

Ayun, hinila niya ako palabas ng Cafeteria.

"Oy Kuya, saan tayo pupunta?"

"Dito lang sa park. May sasabihin kasi ako. Saka Favor nadin." Kuya Ver

"Eh ano ba yun? Oo nga pala, alam kong loko lang na sinabi mong ako gusto mo, saka alam kong si Ria yun no. Denial ka pa nga naman kasi eh."

"Tss. Kaya nga kita hinila dito eh. I need your help." Kuya Ver

"Anong tulong?"

"May surprise Confess ako for Ria. Pinsan ka niya diba kaya alam ko, na alam mo ang mga favorites niya." Kuya Ver

"AYUN! Sabi na eh. Oo, tutulungan kita. Pero kung gusto mong surprise talaga, di natin kaya ng tayo lang."

"Ganito, violet favorite niya diba?" Kuya Ver

"Oo."

"Pwede mo ba silang itext mamaya tapos wag nila sabihin kay Ria?" Kuya Ver

"Oo naman!"

"Okay Ganito. Friday bukas diba? So may flag retreat tayo before umuwi. Sasabihin ko sa kanya bukas. Pwede ka bang bumili ng 4 chocolate cupcakes na may nakalagay na spelling ng LOVE sa bawat cupcake? Don't worry, bibigay ko pambili." Kuya Ver

"Yun lang ba? Di naman ako kuripot, ako na bahala. Tulong ko na."

"Sabi mo eh! Pasabi kay Hannah at Khamiya na libangin nila si Ria habang inaayos natin sa may backstage. Pagawa nadin ng Lettering ng 'Ria De Guzman' pasabi kay Edli. Tapos kakausapin ko boys mamaya." Kuya Oliver

"SureBall! Kami na bahala."

"Salamat Elaine! Naku, tara na. Baka hanapin tayo ng mga yun." Kuya Ver

"Tara."

Papasok na sana kami ng Cafeteria kaso nakasalubong na namin sila. Sila Kuya Oliver dumiretso na sa may Room nila. Tapos kami pumunta na ng room.

*FF

Natapos ko na homework ko. Matext na nga sila Bess.

To: Bess Edli; Bess Hannah; Bess Khamiya

"Hey mga Bess! May favor si Kuya Oliver. Aamin na siya bukas kay Ria. Kilig diba? Eto gagawin nyo.

Edli- gawa ka daw ng Lettering na may 'Ria De Guzman'

Hannah&Khamiya- kaylangan nyong libangin si Ria sa time na inaayos namin yung surprise.

Bukas na to Guys! Be happy for Ria tayo ha!"

Replies:

"Bess Edli: Sige Bess. Excited much!"

"Bess Hannah: SURE. Kilig naman =">"

"Bess Khamiya: Woohoo! Sure. Saya neto!"

Okay na. Si Kuya Oliver na bahala sa iba. Bukas dadaan ako sa may Bakeshop. Maaga ako dapat. Maaga naman nagbubukas yun eh. IpapaRef ko nalang. Haha

Kuya Oliver Calling..

"Hello?"

[Okay na ba?]

"Ah Oo. Natext ko na sila and Sure daw ang help nila."

[Salamat Guys ha! Lalo sayo. Thank you. Sana tanggapin niya.]

"Tatanggapin yan! Natext mo na ba ang Chicser?"

[Hindi pa eh. Tetext ko after ng pag-uusap natin. Sinabi ko na din kay Owy eh.]

"Haha. Sige. Text mo na sila Dali!"

[Sige. Thank you ulit ha. Bye!]

ENDED.

Haay. Sure na Masaya with matching Kilig Vibes. Kase diba may Crush naman si Ria kay Kuya Oliver, sure na walang problema. Grabe. Excited much!

BOYS Over GIRLS ♥ (Chicser Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon