CHAPTER 47 : Part 2

316 6 1
                                    

ELAINE'S POV

4Days na nakalipas and eto na yung VISA ko. Kakapadala lang. 5days nalang, Birthday na ni Edli. Hayys. Hanggang ngayon hindi pa din kami okay ni Owy and I think hindi na ko mapipigil sa pag-alis ko.

Anyways, kakagaling ko lang ng School. Wala paring nakakaalam sa pag-alis ko.

"Anak, ano bang araw ka aaalis?" Mama

"Sa Tuesday po."

"Hindi ba, birthday ni Edli nun?" Mama

"Opo. Eh yamuna po. Magpapadala nalang ako ng greetings at gift."

"Alam ba nila to?" Mama

"Ang totoo Ma, hindi pa eh. Pero sasabihin ko na din."

"Nako ha. Magagalit yung mga yun kung aalis ka ng walang paalam.." Mama

"Kaya ko nga po sasabihin eh."

"Hay, kumain ka na ba? Tara na para makakain." Mama

"Ah opo. Pumunta po kami kanina kila Ria. Pinakain kami dun ni Tita."

"Okay." Lumabas na si Mama and eto ako ngayon nag-efb lang.

* bzzt bzzt bzzt bzzt bzzt *

Bess Edli Calling...

[Oy Bess!]

"Oh napatawag ka?"

[Friday na bukas. Gala tayo.]

"Saan naman tayo pupunta?"

[Di pa tayo napupunta kila CAV diba? Dun.]

"Sige. Bess, sa Saturday, gala din tayong 5. As in tayo lang hindi kasama yung Boys. Girl Bonding. Then sa Sunday, gala naman tayo buong barkada."

[Grabe. Sunud-sunod lang?]

"Sige na Bess. May ibibigay at sasabihin ako sa inyo."

[Oo na Sige. Goodnight na Bess. Iloveyou!]

"Yaay. Iloveyou too Bess."

* END

FAST FORWARD

"Sweetheart, punta tayo kila CAV." Edli

"Hmm. Tara. Oy Owy, Elaine. Tara puntahan natin sila." Ranz

Sumunod nalang kami ni Owy. Pagkasundo namin sa kanila. Pumayag naman si CAV. Kaya Papunta na kami.

"Hanep Cav. Kay ganda pala ng Pugad mo!" Edli

"MakaPugad? Mukha ba kong Ibon?" Cav

"Haha. Joke lang. Potek, Hannah. You're too Lucky to have this Cavillafuerte." Edli

"Baliw. Pumasok nalang tayo." Hannah, sabay diretso kasabay si Cav

"Wow Bess! Feel at home tayo wa!" Khamiya

"Wag kang Epal." Hannah

"Tumahimik na nga lang kayo!" Sabi ko

"Easy ka lang. Easy!" Ranz

"Wait lang Guys ha. Pansin lang namin. Owy, parati kang tahimik, ilang araw ka ng ganyan? Ano ba nangyayari sayo?" Cav

"Wala." Owy

"Kung wala? Anong nangyayari sa inyo ni Elaine?" Kuya Ully

_SILENCE

"Sabi ko na eh. Guys, may di kayo sinasabi sa amin. Ano yun?" Ria

"Wala namang problema yang dalawang yan eh. Diba?" Kuya Oliver

"Kaya nga, tignan mo magtatabi pa yan!" Ranz tapos bigla ba naman akong tinulak sa tabi ni Owy

"Ah oo. W-wala kaming problema. Diba... O-owy?" tapos tumingin ako sa kanya

Nagulat ako nung bigla niya kong inakbayan. Payakap na nga eh. Ang higpit.

"Dati meron. Ngayon wala na." Habang nakatingin sa kin

Tinignan ko din siya na parang sinasabi kong 'okay na ba talaga?'

"Oo na. Miss na nga kita we." Owy

"Owy..." bigla nalang tumulo luha ko

"Parey, wag ka na umiyak. Eto powerhug oh." Tapos niyakap na niya ko

Nahuhulog nanaman ako. Aalis pa ba ko? Kelangan eh.

"Ayun naman pala.. Okay na sila.. Aye!" Kuya Oliver

"Eh love di naman namin alam kung bakit sila nag away." Ria

"Love, nagkatampuhan lang yan. Easy ka lang Love." Kuya Oliver

"Yon naman ang Sweet. Kain na nga tayo!" Kuya Biboy

"Ay Guys, Sunday pala. Labas tayo. Pwede kayo?"

"Eh Day namin ni Sunshine ko yun." Kuya Biboy

"Adi sama mo na. Di pa namin nakikita at nakikilala yung si Ate Khea ba yun?" Edli

"Oo nga Bro. Pakilala mo sila, magkakasundo sundo yang mga yan" Ranz

"Ok sige. Tara Kain na!" Kuya Biboy

Pumunta na silang kitchen nila Cav. Pero kami ni Owy naiwan.

"Owy..."

"Oh?" Owy

"Hindi ka na talaga galit sakin?"

"Hindi. Gusto mo bang magalit ako sayo?" Owy

"Ayoko!"

"Eh wag kang aalis sa tabi ko.. Ang gusto ko sakin ka lang." Owy

"Sayo lang ako?"

OWY'S POV

"Sayo lang ako?" Elaine

Naku, nadulas pa.

"I mean, yung ikaw lang bestfriend ko." Natorpe nanaman ako -__-

"Ah ganun ba? Tara kain na tayo dun." Elaine

"Tara."

Hindi ko kayang mawala si Elaine sakin kasi.. Mahal ko siya.. Di bilang bestfriend kundi kung sino siya. Ayoko ng nagkakalayo kami. Pero di ko na alam kung paano ko sasabihin.

Sabihin na nating hindi siya Ideal Girl ko. Pero siya ang Mahal ko and no one can stop me. Pero paano? Paano ko sasabihin sa kanya to? Tatanungin ko nalang si Kuya. Sure ako may alam yun sa mga ganto.

BOYS Over GIRLS ♥ (Chicser Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon