EDLI'S POV
Pupunta nga pala sila kila Elaine, hay! Naku. Absent sya. Yung tampuhan namin? Hindi naman grabe yun, willing naman akong makipagbati eh. Tsaka malapit na yung birthday ko, ayaw ko nga ng may kaaway! Tapos bestfriend ko pa. Tss, I think wala namang magaganap na party kasi yung parents ko busy sa work tapos wala pa yung mga kuya ko dito. Loner forever!
"Uy, sure ka ba ba na di ka sasama?" Bulong ni Ranz
"Hindi nga! Alam mo naman siguro yung situation namin ni Elaine?"
"Okay fine. Easy lang." Ranz
"Tss. Palibhasa, wala kang bestfriend na babae."
"Anong wala? Meron kaya." Ranz
"Wee? Kung meron nga, sino oh?"
"Anong tawag mo sayo?" Ranz
"Bestfriend mo ba ko?!"
"Oo, okay nga yun eh. Bestfriend na nga kita, girlfriend pa kita." Ranz
"ASA KA!!"
"Ms. Delos Santos? Any problem?" Ser Madla
"Nothing Ser."
"Hahaha. Buti nga!" Ranz, sabay tawa ng mahina
"Ikaw may kasalanan eh."
"Ba't naman ako?" Ranz
"Kinausap mo pa kasi ko!"
"Pwede ba? Tumahimik nalng kayo??" Owy
"K."
Tapos tumahimik na nga kami ni Ranz, nabigla nga ako eh. Si Owy naman kasi, parang wala lagi sa mood. Natapos na yung last 2 subjects ng wla akong naintindihan, pano ba naman kasi iniisip ko kung pano kami magkakabati ni Elaine? Tawagan ko kaya? Oo tama. Tapos lalabas na sana ko ng room ng biglang may tumawag sakin.
"Edliiiiiiiiiiiiii....."
Tapos lumingon ako, si Ranz lang pala.
"Oh?"
"San ka pupunta? Sama nalang ako." Ranz, sabay lapit sakin
"Magc-CR lang. Dun kna pupunta pa kayo kila Elaine."
"Sumama kna kasi." Ranz
"Hindi nga pwede. Balitaan mo nalang ako."
"Sige, ingat ka." Ranz, sabay sad face
"Eww. Di bagay!"
"Tss. Babye, I love you." Ranz
"I hate you too."
Tapos pumunta ko sa CR. Di naman talaga ko magc-CR eh, tatawagan ko lang si Elaine. Gusto ko na kasing magkabati kami.
(Hello.)
"Uhmm.. E-elaine?"
(Oh?)
"Kamusta ka?"
(Okay lang, ikaw?)
"Ganun din."
(Mabuti yan, bakit ka tumawag?)
"Sorry ha? Sorry kung nagalit ako sayo, nadala lang ako ng nagalit. Wala naman akong karapatan para malaman pa kung sino yung mga nanliligaw sayo eh. Sorry talaga!"
(Ano kba? Ako nga dapat tong nagso-sorry eh. Kasi ako naman talaga yung may kasalanan, may karapatan kang malaman yun kasi isa ka sa mga bestfriend ko.)
"Bati na tayo?"
(Oo naman. Mami-miss ko kayo, ikaw. Yung barkada.)
"Huh?! Ba't naman?"
(Wala, wala.)
"Ay, oo nga pala. Pupunta dyan yung barkada. Tatanungin daw nila kung ba't ka absent, di ako makakasama kasi may gagawin pa ko eh."
(Ganun? Sige, bye!)
**CALL ENDED**
Pagkatapos nung phone call na yun, parang gumaan yung pakiramdam ko. Nagkabati na kami ng bestfriend ko, sobrang saya ko. Uuwi na sana ko nang makita ko si Ser June, Ay! Oo nga pala si Ser June yung gwapong teacher dito. I think mga 27 or 28 lang to? Hahaha, bago lang to dito. Sobrang gwapo nga tapos ang tangkad pa. Sayang hindi kami ganong close, hindi naman kasi namin teacher to eh. Pero nakausap ko na sya, hindi lang basta usap as in parang mamatay na ko sa kilig.*Flashback*
Pumunta kami ni Bess Hannah sa liblary kasi hihingi kami ng test paper dun sa teacher ng filipino sa Gr. 8, then bigla akong tinawag ni Ser June syempre lumapit ako nakakahiya naman kung hindi no? Siguro nung mga time na yun sobrang pula ko or ewan? Basta kinikilig ako nung mga time na yun.
"Anong section ka? Tingin nga ng I.D nyo" Ser June, sabay tingin sa I.D ko
"3-A po Ser."
"Sino Adviser nyo?" Ser, nakahawak at tingin pa din sa ID
"Si Ma'am Marquez po."
"Ahh. Ikaw ba to?" Ser
"Hahaha. Opo!"
Tapos biglang dumating si Bess Hannah, napatingin naman ako
"Sige po Ser, mauuna na po kami."
Nagnod nalang sya. Tapos umulis na kami ni Hannah, grabe nakakakilig talaga yun
"Waaaaah! Grabe."
"Woo. Landee, nakausap nya si Ser June." Hannah
"Syempre!"
*Flashback Over*
Tuwing naalala ko yung moment na yun kinikilig ako. Pano ba naman kasi tinitigan pa nyang mabuti yung ID ko, siguro kahit sino yung nasa posisyon ko kikiligin din.
BINABASA MO ANG
BOYS Over GIRLS ♥ (Chicser Story)
FanficCHICSER STORY >> what if maging barkada niyong Mag-G-GirlBestfriends ang Isang Sikat na Boy Group sa Generation niyo na ka-schoolmate niyo pa . Hanggang pagbabangayan na nga lang ba dahil sa pagkain si Owy at Elaine ?? <<