CHAPTER 39

317 6 0
                                    

ELAINE'S POV

"Tama si Ranz at Edli. Sasabihin ko din sa inyo. Pero this is not the right time. Tsaka ano ba kayo? BAKA lang naman diba? Not a big deal." Ako

Kelangan maging matatag ako at hindi ipahalatang may Problema ako sa Love. Ang Corny kayang tignan.

"BIG DEAL PO KAYA!" Silang lahat except me, ranz&edli

"Kelangan.. Lahat kayo? Nevermind nalang Guys!" Ako

"WAIT..." Ranz

"Bakit?" Jude

"Gutom na ako eh. Kain nalang tayo." Ranz

"Pabitin naman to. Game." Cav

"Ya, pakuha nga nung food dyan. Padala po dito." Jude

Ayun, dinala lang yung food dito tapos kumain nalang kami. Thanks kay Ranz at Edli na wala pa din sila sinasabi about my problems.

"Wait, punta lang akong kitchen, pwede ba Jude?"Ako

"Oo naman." Jude

"Tara, samahan kita Elaine, maghuhugas lang ako." Oliver

"Tara Kuya!" Ako

Tapos pumunta kami ng kitchen, habang naghuhuklat ako ng maiinom ko dun sa Ref nila Jude eh si Kuya Oliver naman nagwawash ng hands. Wafu, parang bahay namin eh no!

"Bakit ba may possibility na lumipat ka ng school Elaine?" Kuya Ver

"Kasi Personal reasons lang. Ayoko sana pero i think that was the right thing to do."

"Tss. Why? Right ba yung pag-alis mo sa barkada?" Kuya Ver

"Ano ka ba Kuya! Syempre di ako aalis no! Lilipat lng ako..ng SCHOOL hindi BAHAY! This Year lang naman siguro, tapos babalik ako next school year."

"Baliw ka talaga! Tara na nga!" Kuya Ver tapos ginulo buhok ko, basa pa yung kamay

"Ang epal mo!" Tapos tumakbo siya sa Sala malamang hinabol ko

"Hoy! Ano ba yan! Madapa pa kayo." Edli

"Teka, h-hinihingal na ko." Ako

"Bakit mo naman kasi hinabol?!" Ria

"Selos ka Bess?" Khamiya

"BALIW!" Ria

"Si Kuya Olibangbang kasi, Ginulo pa yung buhok ko basa po kaya yung kamay." Ako

"Eto na suklay Bess! Magsuklay ka nalang. Barilin ka pa ni OliBangBang! Haha." Edli

"OLIBANGBANG pala ha!" Kuya Ver

"HAHAHA!" Kaming lahat kasama si Kuya Oliver, syempre Biruan lang namin yun.

Nanood lang kami ng Movie. May Comedy, may Horror, Humor and Kuno Ek-ek na Movie. Haha. Ang saya po. Di ko namalayan yung Oras. 5pm na pala.

"Guyth, I need to go home na. Lagot ako neto, nagpasundo pa ko sa driver namin sa School eh, andito pa ko." Ako

"HAHA. Lagot ka nga!" Khamiya

"Sabay na ko Bess, Kayo ba Bess?" Edli

"Tara na!" Hannah

"Hatid na namin kayo, pagabi na din Oh!" Kuya Oliver

Sumilip muna ko sa labas sabay sabing "Baet talaga ni Kuya Olibangbang oh, tara hatid niyo kami. Haha!"

"Namuri tapos nang-asar. Tara na dali." Kuya Oliver

"Salamat Sinahon!" Ako

"Thanks! BYE!" kaming lahat

Nagwave muna kami ng kamay bago umalis.

After 987654321 years.. Chos, 20minutes lang, eto na ko sa bahay. Naku, wala dito yung Car namin Lagot!

Pagpasok ko ng Bahay, dahan dahan pa akong naglakad papunta sana ng kwarto pero biglang may nagsalita.

"Elaine! Saan ka galing?" Si Mama pala

"Ah Hi Mama! P-pumunta po kami sa kila Jude, kumain lang po." Ako

"Papalagpasin ko to ha. Mag-ayos ka. Aalis tayo. 7:00pm dapat ready ka na." Mama

"Saan naman tayo pupunta?"

"May dinner kasi kami ng Kumare ko. Eh gusto sa Resto pa. Kasama daw niya anak niya, gusto kang makilala." Mama

"Sino gustong makakila sakin? Kumare mo o yung anak niya?"

"Kumare ko. Long time friend ko yun kaya di mo pa din kilala. Formal anak ha. Magdress ka." Mama

"Okay po."

Tapos pumanik na ko sa taas. 5:30 palang naman eh. Papahinga muna nga ako. After 15 minutes, diretso sa Shower Room. Maliligo na ko. 20 minutes siguro ako naligo. Di ko muna sinuot yung dress, nagbathrobe muna ko kasi papatuyuin ko pa buhok ko.

Oops. 6:20 na. Magbibihis na ako. Formal nga, pero hindi super. Light Blue lang siya, above knee sya pero hindi fitted, i hate that kind of dress.

Yung Sandals ko, may 3 inches na heels. Light brown lang haha. Baduy ba? Well, ganyan talaga ko. Nagclip lang ako kaya walang arte sa buhok kahit sa mukha, just a simple Look.

"Anak, tara na. Alis na tayo." Mama

"Ayan na po."

"Sunod ka nalang sa kotse ha." Mama

"Opo."

Kinuha ko lang yung maliit kong bag may manipis na Strap lang siya, syempre Light Blue din. Haha. Nakalagay lang naman dun yung Phone ko at yung Pera ko. Haha. Di ako nagmemake up no.

Bumaba na ko then yun sumakay na ko tapos ayun punta na kaming Resto. Haha.

BOYS Over GIRLS ♥ (Chicser Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon