ELAINE'S POV
Yeay! Bati na kami ni Bess Edli. Hoho. Buti nalang. Pashunga shunga kasi ako eh. Papunta na akong mall ngayon kasi bibilhan ko na sila ng advance gifts.
FLASHBACK.. Kanina lang..
"Maam, yung Requirements po?"
Oo nga pala, ako na kasi dito sa pila eh.
"Ayy, eto po. How many days po ba before ko makuha yung VISA? Kaya po ba in 4-5days. Sobrang rush na kasi we."
"Ganun po ba Maam? Sige po. We'll try po and papadala nalang po namin sa address niyo."
"Ah sige po. Okay na po ba?"
"Yes Maam. Pakihintay nalang po. Papadala nalang po namin."
"Thanks po."
Ayun, natapos din ako. Tanghali na ako pumunta kaya antagal ko nakapila. Malay ko bang maraming nag-aapply ngayon.
END OF FLASHBACK
Nabilhan ko na sila. Mga Bess ko lang no. Si Hannah, binilhan ko ng Key Chain na Guitar Design tapos may kasamang black na rectangle, pinalagay ko na lang yung name niya.
Si Khamiya, binilhan ko ng Case ng phone. Minions pa eto, magandang klase pa pinili ko para di agad masira. Si Ria naman, binilhan ko ng Copy ng Album ni Taylor Swift na Red. Gusto niya to kaso wala daw siya mahanap, pero eto na.
Kay Edli? Hmm.. Binilhan ko ng Baller. Alam kong mahilig sa Mustache yun eh, kaya yun na binili ko.
Nung napadaan ko Watch Store. May napansin akong Relos na, ang ganda. Biglang pumasok sa isip ko si Owy, si Boy relo nga pala yun. Di nun nakakalimutan magsuot ng relo bago umalis ng bahay. Bilhin ko na nga, bibigay ko sa kanya to.
* bzzt bzzt *
Text message from Binyel
"Elaine, papunta kami sa inyo. See you!"
Ay, oo nga pala! Pupunta sila sa bahay. Daan muna ko ng Pizza hut para bumili ng pizza malamang. Ano gusto niyo? Ensaymada? Haay. 3boxes na binili ko para sure.
Pumunta na din ako sa Driver namin. Grabe ang tagal nito naghintay sakin.
"Kuya, pasensya po ngayon lang ako ha. May mga pinamili ako eh. Don't worry po, diretso na po sa bahay."
"Sige. Tara na." Driver
Pinaandar na niya yung kotse and then yun. Eto na ko sa harap ng bahay, papasok na ko.
"Ma, I'm home!" sigaw ko
Patakbo na ko sa taas namin nung biglang..
"HI BESS!!"
"Aay Potek!! A-andito na pala kayo!"
"Ay hindi.. Wala pa.." Khamiya
"Oy, Elaine. Para samin ba yan?" CAV habang nakaturo sa dala kong pizza sa left hand ko
"CAV! Kapal talaga ng mukha nito.." Kuya Biboy
"Oo nga! Pero para samin nga ba yan?" Kuya Ully
*TOINKS* "Aaray naman! Bakit mo ko binatukan?" Kuya Ully, binatukan kasi ni Ranz
"Mahiya naman tayo.. Kahit konti lang." Ranz tapos ginaya yung Konti lang nung sa Comercial ng Mcdo
"Naku, tumigil na nga kayo. Oo, para to sa inyo!"
"Haha. Sa atin naman pala eh!" Jude
"HAHA. Amina Elaine." Ceejay
"Nakakainis to. Di muna ko tinatawag na Bear. Wala na tayo Cs?"
"Yaay. Sorry Bear." Ceejay
"Eto na oh. Lagay mo dyan sa Center Table. Tirhan niyo ko ha. Magsashower lang ako, sandaling sandali lang ha!" Papanik na ko nung
"ELAINE!!" Ranz
"Ano?"
"Tara na dito. Sabi mo sandaling sandali lang!" Ranz
"Ikaw talaga Binyel! Baliw to."
"Haha. Joke lang. Take your time!" Ranz
Syempre, umakyat na ko. Buti na hindi nila napansin yung pinamiling dala ko. Tinago na muna dun sa drawer ko tapos dumiretso na ko sa C.R.
After kong maligo, nagbihis na ko. Nagdress nalang ako na pambahay.
"Hey Guys! Yaay. Wala ng pizza?"
"Wala na." Hannah
"Bakit di niyo ko tinirhan?"
"Kase eto para sayo.." Kuya Oliver sabay labas nung Caramel Flavor na cake
"Yaay. Akin to?"
"Hindi Bess. Akin yan kaya di ko kinain." Khamiya
"Batukan kita dyan eh!"
"Kainin mo nalang. Ba't ka pala absent kanina?" Ria
"Eh kasi ano.. Uhm, dumalaw ako sa pinsan ko. Kelangan eh. Tara, kainin na natin to." Tapos nagslice nung isang part ng Cake
"Ganun ba?" Ria
"Nood tayo ng Movie." Ranz
"Pili kayo diyan." Grabe, wala pala si Owy dito? Grr. Akala ko tahimik lang.
"Yaay. Teka.. Eto kaya? Wag to.." Ranz habang pumipili ng DVD
"Kuya Oliver, si Owy?" Katabi ko lang kasi siya
"Eh ayaw eh. May gagawin daw siya. Ewan ko ba dun. Wag mo nalang intindihin. Di pa din ba kayo okay ni Edli?" Kuya Oliver
"Okay na. Tumawag siya sakin kanina. Sinabi nga niya na pupunta kayo eh, kaya before ako mauwi bumili pa akong Pasalubong."
"Buti naman at okay na kayo. Ano? Masarap ba?" Kuya Oliver
"Ah Oo naman. Galing sa inyo eh saka paborito ko tong Caramel Flavor."
"Mabuti naman. Pano? Pag may problema ha, andito si Kuya Oliver at your service." Kuya Oliver
"Yaay. Oo naman. Salamat ha!"
"No worries!" Kuya Oliver
"ETO NALANG PALA! Salang mo nga." Ranz
"Grabe Ranz ha. Nakakahiya!" Khamiya
"Ako na nga!" Ranz
After namin manuod, nagkwentuhan sandali tapos nagpaalam na uuwi na sila.
Grabe, eto yun eh. Isa sa mga pumipigil sa pag-alis ko. Ang sweet nila sakin, ang babait. Kaya mahal na mahal ko eh. Sobrang Loving and Caring pa.
BINABASA MO ANG
BOYS Over GIRLS ♥ (Chicser Story)
FanficCHICSER STORY >> what if maging barkada niyong Mag-G-GirlBestfriends ang Isang Sikat na Boy Group sa Generation niyo na ka-schoolmate niyo pa . Hanggang pagbabangayan na nga lang ba dahil sa pagkain si Owy at Elaine ?? <<