CHAPTER 42 : Part 2

305 7 1
                                    

ELAINE'S POV

Ang hirap ng quiz kanina sa A.P. Dumugo utak ko >.< Haha. Si Khamiya nga naHistory pa. Isigaw daw ba yung sagot. Timang kasi. Anyways, kanina pa pala ko dito sa bahay. 6:30 na kami nakauwi. Bonding-bonding kasi kami kanina sa kila Ria. Imagine that yung crush ko dati ay Boyfriend na ng Pinsan ko na Bess ko! Tadhana talaga oh!

Si Owy kaya? Kelan darating? Este yung prince charming ko pala. Haha. Ang assuming ko kasi. Contented na siguro ako kung anong meron kami ngayon kaso kulang pa din talaga kahit anong gawin ko eh. Siya at siya pa din ang tinitibok ni Mr. Heart ko. Si Owy, ang Mr. Heart ko. Speaking of Mr. Heart. My phone is ringing at si Owy pala.

[Oy Parey!]

"Oh? Napatawag ka?"

[Haha. Namiss lang kita!]

"Nagjojoke ka ba? Tatawa na ba ako? Haha!"

[Huhu. Namimiss naman talaga kita we. :((]

"We. Wag ka na malungkot. Namimiss na din kita!"

[Ayun! Kumain ka na ba? Ako kasi Hindi pa.]

"OO. Hindi ko naman tinatanong eh."

[...] Hala. Hindi sumagot.

"Uy Parey.. Joke lang. Kumaen ka na. Wag ka magpalipas ano ka ba? Anyway, sorry ha. Goodnight!"

[Ok lang. Sige. Goodnight din.]

CALL ENDED

*FF

Papunta na akong room ngayon. Ako lang mag-isa papunta dun.

"Ouch!!"

"Ay, sorry! Sorry! Okay ka lang Elaine?" Nagkabunggo kasi kami eh natumba ako

"Uh okay lang ako. Pahelp nalang pulutin books ko."

"Oh eto!" Renz

"Salamat. Sabay na tayo tara."

Si Renz pala. Classmate namin to eh. Gwapo to kaya lang hindi pansinin kasi Gwapo daw sila Ranz at Owy. Nangingibabaw daw. Well? Sikat naman kasi sila eh. Pero i admit na gwapo talaga sila. Mabait si Renz eh. Matalino din. Classmate ko to since First Year pa.

"Elaine, pwede ka ba mamaya?" Renz

"Oo naman. Kelan ba?"

"Breaktime. Kung okay lang sa barkada mo hiramin lang kita saglit." Renz

"Ah. Okay lang naman. Tawagin mo nalang ako."

"Sige. Salamat ha!" Renz

"No Prob!"

Pagpasok naming room, wala pang teacher. Diretso agad ako sa seat ko. Syempre andun sa tabi ko si Parey.

"Uy Parey! Bakit kasama mo si Renz?" Owy

"Nakasabay ko lang galing sa parking lot. Oo nga pala, hihiramin daw ako saglit ni Renz. Mamayang break. Okay lang naman hindi ba?"

"Ah Oo naman. Mag-ingat kayo ha!" Owy

"Oo. Tahimik na. Andyan na si Maam oh!"

*FF

"Elaine, tara na? Gutom na Sweetheart ko!" Ranz

"Oo nga Elaine. Wala kabang balak kumain?" Ceejay

"Eh may kakausapin ako. Di muna ko sasabay sa inyo ha! Jude, ikaw na magsabi kila Ria. Abe parati kang tahimik."

"Tss. Oo na!" Jude

"Di ka talaga kakain?" Owy

"Kakain Syempre. Di lang ako sasabay."

"Tara na Elaine?" Someone. Paglingon ko si Renz pala

"Oh paano Guys? GTG na. Babush!"

Pumunta kami park ni Renz. Ang awkward nga eh. Kaming dalawa lang.

"Bakit mo pala ako gusto kausapin?"

"Kasi.. Ano.." Renz

"Ano?"

"I want you to be my girl. Elaine, gusto kitang ligawan." Renz. Huh? Ano daw?

"Seryoso?"

"Oo naman no." Renz

"Yung totoo? Nagkabungguan lang, manliligaw na agad? Bigla-bigla?"

"Elaine. Totoo sinasabi ko. Gusto kitang ligawan. Matagal ko tong pinag-isipan. 2nd Year palang tayo gusto na kita. Humahanap lang ako ng Tyempo." Renz

Me. --> O_O speechless. Tatanggapin ko ba? Pero mahal ko si Owy. Pero di niya ako mahal. Siguro, this is the right time para makamove-on. Para di na ako masaktan.

"Ah eh kung gusto mo talaga. Okay lang naman sakin. Pero This! Makinig ka. Wala akong mapanghahawakang sagot at kung ano maging result nito."

Ang sama ko ba? Di ko naman siya gagawing panakip butas eh. Di naman siguro masama. Gusto ko lang makamove on. Para di na talaga ako masaktan.

"Salamat Elaine. Tara, kain na tayo!" Renz

"Sige."

Pumunta lang kami sa Cafeteria, kaso wala dito barkada. Baka nasa room na or na kila Kuya Oliver. Si Renz nalang nag-order. After namin kumain. Pumunta na kami ng Room. Pagdating ko si Owy nakakabit pa yung headphone. Sa back door ako dumaan kaya hindi pa ako nakikita neto.

Nilapitan ko siya tapos tinakpan ko yung dalawang mata. Syempre hinawakan niya din para tanggalin.

"Sino to?!" Owy

"Hulaan mo." Lumapit ako sa tenga niya tapos binulong ko

"Kilala na kita!" Bigla ba naman inikot kamay ko. Tumayo siya then humarap sakin.

Imagine that. Nagkalapit mga mukha namin. Gosh! Baka Pink na ko dito. Si Owy naman kasi, makatitig. Parehas siguro kaming nashocked kaya tulala kami sa isa't isa. Hawak pa niya dalawang kamay ko habang magkatitigan kame. Kainin mo na ako Lupa!

"HOY! Ano yan?! Love Story?!" Someone

Okay. Ang Epal niya. Pero di padin namin pinansin. As in, parang wala kaming nadinig.

"GUYS! Tama na Yan! Padating na si Maam!" Someone at Niyugyog kami parehas

"Sorry! Sorry!" Sabay pa kami ni Owy tapos nagBow ako at nagbow din siya

"Ouch!" tapos hinawakan ko noo ko

"Ay sorry Parey! Ok ka lang?" Owy

"Ah oo. Okay na ko. Maupo na tayo. Andyan na si Maam."

"Sorry Ulit ha!" Owy

"Okay na yun Sige!"

Pumunta na ko sa Upuan ko at hanggang ngayon hindi ko pa din maalis sa isip ko yung position namin kanina. Kinikilig ako and I admit it. Mahimatay pa ako dito. Buti dumating na si Maam.

BOYS Over GIRLS ♥ (Chicser Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon