CHAPTER 39 : Part 2

340 6 1
                                    

OWY'S POV

Ano ba yan? Maaga ako pinauwi ni Mama. Kase naman eh. Dapat gagala pa kami ni Hannah ang kaso nga tinawagan ako at pinauwi. May dinner daw kaming pupuntahan.

"Tara na Owy." Mama

"Halika dito Baby." Ako tapos inakay ko si Onin

Eto na kami, on the way na sa Resto.

"Ma, sino ba kasi imimeet natin? Bakit di kasama si Kuya?" Ako

"Friend ko, katukayo ko yun." Mama, huh? Ano daw?

"Huh? Anong Katukayo?"

"Kapangalan ko. Parang si Elaine, ganun." Mama

Si Mama, kilala pala si Elaine. Haay. Miss ko na Parey ko.

At last, eto na kami. Hinihintay nalang namin yung friend ni Mama.

ELAINE'S POV

"Dito na tayo Elaine. Magpakabait ka sa Kumare ko ha." Mama

"Mama naman."

"Ayy, ayun na siya, yung nakatalikod." Mama

Lumapit na kami dun. Familiar nga eh. Di muna ko tumingin sa kanila siyempre nakakahiya pa.

"Mars! Long time no see." Mama

"Uy! Upo kayo oh!" Tita

Tapos naupo na ko. Pagkaharap ko sa kasama nung Mare ni Mama. OMYG!

"Ate Elaine!" Si Onin? Kasama si Tita Lizza at Owy?

Ano ba yan? Umiiwas nga ako eh diba? Haisst.

"Parey?" Owy

"Magkakilala kayo?" Mama

"Oh Elaine.. Mars? Siya ba yung anak mo?" Tita Lizza

"Ah Oo. Kilala mo din siya?" Mama

"Oo naman Mars! Nakapunta na nga sa bahay yan eh. May pinagmanahan naman pala itong batang ito." Tita Lizza

"Uh hello po Tita. Si Kuya Oliver po?" Ako

"Galing sa galaan eh. Pagod kaya di ko sinama. Kakauwi lang." Tita

"Ah grabe yun. Kanina pa kami nakauwi eh."

"Kasama mo pala ha. Oh Mars, si Onin pala, bunso ko. Tapos eto naman si Owy, sumunod kay Oliver. Teka, order na tayo. Waiter!" Tita

Ayun nag-order sila ng food. Kami ni Owy tahimik lang. Ang awkward no! Coincidence diba? Magkakilala pala si Mama at Tita Lizza.

"Mama, nawiwiwi po ako." Onin

"Owy, samahan mo nga si Onin sa rest room." Tita

"Okay po." Owy

"Wait, samahan mo na sila Elaine." Mama

"Ma? Sa men's room pupunta yan eh." Ako

"Adi intayin mo sila sa labas. Bilisan nyo nawiwiwi na si Onin oh." Mama

Tss. Nakakaasar si Mama. Pasamahin daw ba ko. Grrr!

"Hintayin mo nalang kami dito." Owy

"Okay!"

Ayun, pumasok silang men's room. Eto ko sa may Door. Hinihintay sila lumabas. Bawat lumalabas na lalaki tumitingin pa sakin. Nakakainis ha. Tapos may biglang lumapit saking Guy.

"Hi Miss!" Guy, close tayo? Syempre. Lumayo ako. Tapos kinuha ko phone ko

"Uy miss bakit ka lumalayo? Can I get your number?" Guy

BOYS Over GIRLS ♥ (Chicser Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon