Seatmate C.23

861 18 6
                                    

*****
Mark's POV

Kakauwi ko lang galing sa pagkakahatid kay Samantha sa  kanila. Hindi ko enexpect na mabait naman pala talaga siya. Sweet. Pagokey ka mas okey siya. Pero hindi ko lang maintindihan, I can't look at her and treat her like how I do to Jasmine. Hindi ko alam pero ang hirap. Jasmine and I are really close, but I know Samantha and I were getting there also. Maybe Samantha is really different from Jasmine. Ibang-iba social life palang at sa appearance at attitude, makikita na agad ang pinagkaiba. Sa buong araw naming pagsasama ni Samantha, I found out that she's not bad after all. Hindi siya katulad ni Jasmine na makikipag-asaran sayo at makikipagbangayan sayo. Cute and very girly. Mayumi na parang pabebe siya. Ganun, ewan  ko ba  bakit parang sa tuwing magjojowk ako, tumatawa lang siya samantalang si Jasmine pag ako nagjowk she gonna say literally na 'Ayy nakakatawa. Last mo na yan pwede' with a very unpredictable expression. Nakakainis but okey lang sakin. I like her presence the way she is and I hate to say this but m ay point na hinahanap-hanap ko ung presence na un kay Samantha. Pero I'm sure naman kung ganito lagi kami, hindi ko masasabing mahirap siyang pakitunguhan. At parang madali naring gumagaan  ung loob ko sakanya. Di man katulad nung kay Jasmine but I know it's a process.

Hindi ko alam, pero lahat ng naiisip ko sa kanya noon natatakluban na kahit na napakasakit at sobra ko siyang maisumpa noon. Parang may nagsasabi sakin  na mabuti parin siya dahil nagawa niyang tulungan  ang isang batang hindi naman niya kilala. At kung sakali man na maging okey na okey na talaga kami ni  Samantha. Makakatulong na ako kay Jasmine, I know magiging masaya pa si Jasmine kung malalaman  niya na okey kami. Plano ko noon na gawin lang to para makatulong pero parang nagbabago ang plano dahil  na rin sa magandang samahan na nabubuo samin ni Samantha. I know sooner or later this would take to the best ever result. Naging sobra lang akong jugdemental kay Samantha. Hindi ko alam pero parang magic na nakalimutan ko ung asar sakanya. Nabalutan ng hapiness sa pagiging adorable at cute niya. Minsan iniisip ko meron din si Samantha na wala si Jasmine na kahit konti ikinatutuwa ko.

Pagkapalit ko ng damit naalala ko si Jasmine. Maghapon din kaming walang matinong usapanng Manang na un. I kinda missed her presence, kaya naman naisipan kong itext siya.

To: Jasminang Mananakit

Hey!
Sent 6:45 pm

Ilang minuto din akong nagintay ng text niya. Maybe I should go and surprise her. Im sure pag hindi un tinamad magreply. Hindi niya hawak ang cellphone niya o kaya wala siya sa mood para magpipindot. Kakaiba un e. Kilang kilala ko na ang ugali niya,walang katulad. Hindi marunong mang-entertain, wala man lang kahistohistory ang love life. In short, boring pero like I said, even she's boring and unhistorical women. I really like h er affection. Alam ko naman ang dahilan kasi ang buhay niya itinuon lang niya kay Samantha. Dakila un e. Dakila sa kabaitan. And take note pag naalala ko un, hindi ako naiinis kay Samantha. I really dont know why. Diba? Unexpected? Siguro dahil nakapagget together na kami.

Nagdrive ako papunta sa bahay nila at nang makarating I decided that I should text her muna before akong magpakita.

To: Jasminang Mananakit

Hey manang what are you doi'n?
Sent 7:13 pm

Medyo gabi na but it's fine, walang namang kaso sa Mama niya at sa kahit sino. They know that were only friends kaya kahit magpalabas masok ako sa bahay nila kahit anong desperas ng gabi, okey na okey lang basta wag lang ilalabas si  Jasmine. Ilang minuto pa ang inintay ko sa reply niya but still wala parin. Napakatamad talaga ng babaeng un. I decide to call her but it just ringed and she didnt even answer voicemail niya lang ang sumasagot. I choose to text her again. Napapano na naman ung babaeng un? Tinawagan ko na nga, i-slide na lang ung screen. Tinatamad pa.

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now