Seatmate C.26

422 13 1
                                    

**********
Mark's POV

{"Ou nga Mark. Let me do the job. Gaya nga sinabi ko, ako ng bahala. Don' worry, siguro naman ung rehearsal magagawan ko ng paraan. Natapos nga namin lahat ng kailangan ng wala ka. Yun pa kaya. I can hadle this. 'We' can handle this. Just use the remaining break-time to entertain my Beasty. With you or without you. Makakakuha ako ng passing score. Makukuha ko din ang class card ko. Makukuha namin ang passing grade."}

{"Kung iniisip mo ung cooperation and participation Mark. Wag kang mag-alala. May konsiderasyon din naman ako at alam kong pera mo ung itinapong para sa ilang materyals. Kaya wag kang mag-isip sa grade mo. Magperform ka man o hindi. Kung ano ung grade na lalabas sa class card ko sa subject na to, wag kang mag-alala ganun din ang sayo."}

Parang nakarecord ang mga sinabi ni Jasmine samin kanina dahil paulit-ulit na itong umiikot sa utak ko . Hindi ko maimagine na ako ang vice ng group naming un pero kahit magsulat ng isang letra sa  sasabihin ko wala manlang akong nagawa. Hayys nakakainis lang kasi I tried--- I mean I really wanted to help. But everytime I'm trying, Samantha always block the way. Ou napapansin ko naman ang pagiging ewan niya tuwing magkasama kami nina Jasmine. Parang siyang Great wall of China kong makapangbakod samin ni Jasmine at ang nakakainis pa nito, ito namang si Jasminang Mananakit na to umaandar na naman ang pagiging patay malisya. Katulad na lang nito, sa halip na ipaglaban niya ung project namin kay Samantha. Nagpakabayani na naman at hinayaan na niyang kunin ni Samantha oras ko. Alam ko namang na  sakin naman un kung gusto kung sumama pero hindi man lang niya ipinaglalaban sa kaibgan niya na kailangang kailangan ako dun. Kahit na mababait ung mga kagrupo ko alam kong naghihinakit na din ung mga un dahil kahit isa ako sa Dj dun wala parin akong naitulong.

"Mark okey ka lang ba?" Parang nagising ako sa katinuan ko ng magsalita si Samantha na kasalukuyang katabi ko parin sa upuan.

"A-ah. Ou. Iniisip ko lang kasi si Jasmine. Natapos na pala nila ung presentation ng hindi ko nalalaman." may lumbay na sabi ko at tumingin na lang sa malayo. Ou tama kayo, wala akong  kaalam alam sa nangyayari na sa project naming un. Kung ano ng nagawa at di pa nagagawa namin at ngayon ko lang nalaman na airing na pala ang prinapractice nila. At ako? Ito nauubos lang ang oras pakikipagusap kay Samantha. Nakakaguilty tuloy.

"Mark ano ka ba. Wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Kasalanan ni Jasmine un kasi alam niyang busy ka. Hindi na lang siya nag-isip na bigyan ka ng gagawin mo. Ung bang itatake home mo. At isa pa alam naman niyang di ka nakakasama sa meetings ee bakit na lang di niya irecord ung pinagmeetingan o sabihin sayo by e-mail. Alam mo Mark---" hindi ko alam pero medyo nainis ako sa mga sinabi niya. Hindi nakakatulong ang mga payo na sinasatsat niya, un lang masasabi ko.

"Samantha hindi basta ang radio presentation na nagagawin na namin. Hindi pwedeng magkanya-kanyang gawa dun lalo na ako, isa ako sa taga pagpadaloy ng programa at ang gagawin ko dun ee magsasalita. At kung iniisip mo bakit ako namromroblema, kasi kahit isang letra man lang nasasabihin ko sa script ko wala akong naiambag. Tsaka bakit ba kailangan ko pang pahirapan si Jasmine na magrecord at mag-email sakin kung pwede naman akong umatend sa mga meetings na yun  at sino ding nagsabi na busy ako. Siguro nga dapat busy ako. Ngayon! Sa paggagawa ng radio presentation namin na yun dahil grade ko un. Para sakin un para sa kinabukasan ko un." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin lahat ng iyon sa  kanya. Ngayon ko na lang ulit siya napagsalitaan ng ganito simula nung una naming pagkikita. Alam ko madalas niyang ginagawa ito, ung pagsalitaan si Jasmine ng kung ano ano pag kaming dalawa lang. Pero sa sitwasyon na to sumusobra na siya, ibang usapan na. Hindi deserve ni Jasmine un dahil alam kong nagpakahirap siyang gawin lahat ng iyon kahit wala ako sa tabi niya. Nakakakonsensya.

"A-Ah s-sor-ry. Akala ko lang naman---" at magsasalita pa sana siya ng bigla ko ng pinutol.

"Wala tayong alam sa mga ginawa at pinaghirapan ni Jasmine. Kaya pwede ba? Stop making negative things about her. Alam kong alam mo kung gaano kaaggresibo ang kaibigan mo pagdating sa isang bagay. Kaya sigurado akong talagang pinaghirapan niya un." Nasabi ko na lang at agad siyang iniwasan ng tingin.

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now