*****
Mark's POVSa totoo lang alam ko naman na imposible talaga ung pinapagawa ko kay Jasmine. Siempre naman! Ayoko kayang makipag'get-to-know-each-other' dun sa GGSS nyang kaibigan. Naiinis lang ako, bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng kaibiganin ni Jasmine. Yun pang babaeng un na 1st day na 1st day ko kinasuka-suka ko na ang pag-uugali. Ewan ko ba. Gusto ko naman siyang maging kaclose dahil nga kaibigan siya ni Jasmine, pero ewan ko ba. Naiirita na agad ako makita o marinig ko pa lang boses niya at lalo na ang pangalan nya. Nakakasura! Nakakasira na agad ng mood. Alam ko namang mahihirapan si Jasmine, pero wala ee. Wala na akong maisip na paraan para lang hindi na nya ako kulet-kuletin para lang makipagkita dun sa kaibigan niyang un. At tsaka pabor din naman un sakanya ah! Di na siya mahihirapang italak ng italak ung kaibigan niyang un sakin. At feeling naman ni Sam na un. Papayag akong magdate kami. In her face! Dyosko matanaw ko pa nga lang siya sa malayo nababadtrip na ako. Makatabi at makasabay pa kayang kumaen? Tss! Hell no! Hays. Makikinig na lang ako sa boring naming remedial kesa makipag-date sa kanya!
Nang makabalik kami ni Jasmine sa room. Hindi muna ito umupo sa upuan niya. Himala! Lagi kasing pagkakadating namin magkwekwento na un tungkol sa kaibigan niyang GGSS. Hays, pero mas okey narin un. Wala muna akong maririnig na magpapakunot ng noo ko. Nakipagkwentuhan na lang muna ako sa mga kaklase kong lalaki. Hanggang sa napapunta ang usapan tungkol samin ni Jasmine. Mga chismoso mga kupal na to!
" Mark nililigawan mo ba si Jaja?" sabi ni Aj na bakas ang pagtataka.
" Huh? Agad? Hindi naman.." sagot ko na lang at iniwasan siya ng tingin. Talo pa si Drake kung makastraight to the point to. Tss! Akala ko nakalayo na ako sa pagiging prangka non. Meron palang papalit dito. Hay nakuh!
" Talaga? Ee bakit parang lagi kayong magkasama? Hatid sundo mo pa siya." sabi naman ni Jake na mukhang gusto talagang malaman. Hindi ko akalaing iniistalk niya kami. Tsk! Kalalaking tao!
" Haha at kelan ka pa naging detective sakin? Stalker ba kita?" natatawa kong sabi sa kanya. Ayoko ngang kalkalin nila personal life ko! Idaldal lang nila!
"Graveh siya. Detective agad. Di ba pwedeng nahalata lang!? Napansin lang naman kasi namin na kabago-bago mo palang naging malapit ka na agad kay Jasmine." Sabi ni Jake. Kunsabagay obvious nga naman ung pagiging malapit namen. Ikaw ba naman magkita ng isang kabago-bagong transferee na may inihahatid na agad na babae sa pangalawang araw palang nito sa school. Hindi naman pwedeng sabihing magpinsan, alam nilang hindi o kaya magkaibigan. Kilala nila si Jasmine, hindi un friendly sa lalaki. Sapat na dun ung kaibigan niyang kukak! Swerte ko nga lang at unang araw ko nagkaroon ako ng chance na mapalapit sa kanya kasi kung hindi. Malamang isa ako sa iniisnob nun ngayon. Ano nga namang iisipin mo!? Aksidente na madaanan ko araw araw si Jasmine sa daan!? At F.Y.I malayo ang bahay ko sa subdivission nila! Kaya imposible!
"Hahaha. May pinaplano ka ba kay Jaja?" sabi naman agad ni Troy na mukhang masama ang iniisip.
"Sira! Wala noh! Di mo naman ako katulad. At tsaka teka nga lang. Bakit Jaja?" Taka kong tanong at ituon ang usapan sa nickname nila kay Jasmina.
"Ah. Un ba. Nickname un ni Jasmine. Tawag un ni Sam bukod sa Beasty. Kay Sam naman Sasa." sagot naman ni Aj sakin. Malamang un ang tawag. Nickname nga diba. Ang tanong ko bakit un!?
"Ahh ganun ba. Gaano na ba katagal silang magkaibigan?" sabi ko na lang ng maalala ang pagkakaibigan nung dalawa.
"Nakuh sobrang tagal na. Since birth pa ata o since Day care. Ewan basta matagal na." sabi naman ni Jake na mukhang nag-iisp. Since birth!? Ano un pagkaanak sa kanila ng mga nanay nila, agad silang pinaglapit at pinagshake hands!? Tapos sabay sabi. "Your officially Best of friends!". Ano un!? Tange ding sumagot!
YOU ARE READING
He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?
De TodoIm Myla Jasmine Reyes, im a Personal Assistant of our CEO in Santos Company. And my Boss... was my seatmate and also my bestfriend's ultimate crush in high school. Im Mark Jhon Santos im the new CEO of our company. And my P.A...was my seat mate and...