Chapter 1

24 0 0
                                    


'condolence" yan ang maya't mayang naririnig ni Alexa sa burol ng kanyang boyfriend.   Buhos ang mga tao sa pakikiramay sa nag-iisang anak nina  Congressman Jose at Marina Santiago . Mga kapwa pulitiko, taongbayan, kaibigan at mga kaklase. Lahat sila'y nakikidalamhati, dahil napakabait ng mag-asawa,matulungin at mapagkumbaba. Kaya di sila makapaniwala na ang bunso nilang anak na si Andrei ay maagang nawala. 

"sir, the investigators are here already, they want to talk to you"  bulong ng tauhan ni Congressman, kaya't nagmadali itong tumayo at hinarap ang mga iyon.  Tumayo rin si Mrs Santiago at bago siya umalis, hinawakan niya ang balikat ni Alexa, na tulalang nakaupo, kalapit ang mga kaibigan nito.

Nakatingin lang ang dalaga sa kabaong sa harap niya, pero , kung titigan ang kanyang mata, makikita itong blangko, kagaya ng nararamdaman niya, numbless  ,ilang araw na siyang ganyan simula ng makita niya at masaksihan kung paano namatay ang boyfriend nya, kung paano , iniharang nito ang sarili niya sa balang dapat tatama sa ama. Ganyan si Andrei, mas nanaisin niya siya ang masaktan kaysa sino man sa mahal niya sa buhay.

"Alexa, halika na, umuwi na tayo, para makapagpahinga ka"  sumamo ng  mommy at daddy niya. Umiling lang ito. Nagprisinta ang mga kaibigan na sila na ang bahala sa dalaga, kaya't umalis na ang magulang ng dalaga.

Makalipas ang ilang oras, tumayo si Alexa at lumabas.,  Sinundan na lang siya ng mga kaibigan.

Ang hindi nila nakita ay ang mga ngiti sa labi nito.....

Dahil, dumating si Andrei at niyakap siya nito, at hinawakan ang kamay niya at nakayakap ito habang naglalakad sila pauwi.

Kailangan Ko'y IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon