It's been lonely ng umalis si PJ, ng bumalik na siya sa base. Sa ilang araw naming nagkasama, I begin to like him. And it's been three months already, wala akong balita tungkol sa kanya. Hindi rin niya sinasagot tawag o txt ko. Ano bang nangyari sa taong yun, pinaasa lang ba niya ako, pero hindi naman siguro... hindi ganuon si Andrei, pag nagbitiw siya ng salita ginagawa niya, pero hindi siya si Andrei, siya si PJ at ngayon ko lang siya nakilala.
Erase, erase wag na nga isipin, kung ayaw pakita di wag, sino ba siya.
Pero bat ganuon, naiinis ako, bat di siya nasagot sabi niya babalik siya, hmmmp ewan.
Wala na siguro talagang pwedeng pumalit kay Andrei, nag-iisa talaga siya. Bakit naman ganito, nasasaktan na naman ako, Andrei kailangan kita, help me.
Napapansin na ng magulang ko ang sobrang pagkalungkot ko at pangangayat, at naisipan nila magbakasyon kami sa Pilipinas. Pumayag ako, kasi matagal na rin naman, hindi kami nakakauwi.
At heto kami sa airport, kadadating lang namin, si manamg Gloria na katiwala namin at asawa niya ang sumundo sa amin. Maayos at malinis pa rin ang aming bahay, ganuon pa rin ang itsura ng aking kwarto, ang mga stuff toys na bigay ni Andrei nasa kama ko, mga pictures naming dalawa, ng mga friends, hay kay sarap alalahanin, pero this time wala ng luha napatak sa mata ko, nakakangiti na ako habang tinitingnan si Andrei " hi be, miss u, muzta ka na diyan sa heaven,miss mo rin ba ako, o baka naman may nakilala ka na diyang iba" at biglang nalaglag picture niya.
"sorry be, joke lang".
Hahaha, Alexa, kung ano pinagsasabi mo diyan, kung alam mo lang andiyan sa kalapit mo si Andrei ,nakangiti at pinagmamasdan ko, he terribly miss you.

BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw
Short StoryIt's hard to live without you by my side, how can I face each day without you, ansakit, ansakit-sakit,, di ko na kaya, kailangan koy ikaw........matinding pagsusumamo ni Alexa sa puntod ng lalaking pinakamamahal niya.