Chapter 2

10 1 0
                                    


" be, dito ka lang ha, wag ka aalis sa tabi ko, please, please" bulong ni Alexa sa botfriend niya, habang mahigpit siyang yakap nito.

"oo naman be, andito lang aako, babantayan kita habang natutulog ka" tugon ng binata at hinalikan niya ito sa noo.

"sige na, sleep kana"

"ayoko, baka, maya umalis ka na naman, ang lungkot lungkot kaya pag wala ka, dito o ( sabay turo sa dibdib niya) ang sakit-sakit" pinipilit niyang ibuka ang mata na kanina pa parang pipikit na sa kaantukan.

"hindi ako aalis, get some rest, you really need it be"

"promise, bantayan mo ako"

"promise be, ito ang lagi mong tatandaan, hindi ako aalis sa tabi mo, lagi kitang babantayan, mahal na mahal kita, Alexa, sayang nga lang, physically, I will not be at your side anymore, , but I will always be here" at pumatak ang luha ni Andrei, habang pinagmamasdan ang girlfriend niya, at hinalikan niya ito sa pisngi.

"alam kong mahihirapan ka mahal ko, sa pag-alis ko, pero sana kayanin mo, dahil, dinudurog ang puso ko, pag nakikita kitang naluha, wala tayong magagawa, kinuha na ako ni Lord"  Niyakap ni Andrei ng mahigpit si Alexa at umalis na ito.

Nakaramdam ng matinding lamig si Alexa ng yumakap si Andrei, pero dahil sa sobrang pagod nakatulog siya ng mahimbing.

Kailangan Ko'y IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon