Nakakabaliw ang mag -antay ng balita, at ayoko na rin manuod ng news, grabe ang gyera na nangyayari doon, bakit kasi hindi na lang bayaan mga yoon magpatayan, bakit kailangan pa sila tulungan, hmmmp, nagiging bad na ako, syempre, trabaho niya yun, to save people, eh paano kung siya ang tamaan ng bala, missiles, wag naman sana. Naligo na ako, at nagpaalam kina mom and dad na lalabas saglit para mamasyal. Nope, hindi ko tinawagan kahit sino sa mga friends ko, may mga work sila,alam ko naman , isang aya lang sasama mga yun, pero gusto ko mag-isa, sulitin natitirang days ng bakasyon namin.
Nagpunta ako sa mall,kumain, nag-uli uli, pero balisa pa rin ako .Then I go to the church, stay there for an hour, at bumili ng flowers. ' be, kumusta ka na, ang gaganda ng flowers , para sayo yan, wish ko lang, sana ikaw magbigay sakin nito, hayy, miss you be, alam mo, ang bilis ng mga araw, isang taon ka na palang wala dito, malungkot pa rin ako, miss ko na mga yakap mo, paglalambing mo, yung smile mo,yung presence mo."
"kung may time machine lang talaga, ako unang bibili noon, at ibabalik ko ang panahon na nandito ka, at magiging forever na magkasama tayo, sana nga meron noon, saan kaya nakakabili noon"
"help me naman o, hindi ko alam ano na ang nangyari sa kapatid mo, nag-aalala ako. .. be, galit ka ba, kasi Im falling na sa kuya mo, siya kasi e sobrang cute, opps sorry, mas cute ka pa rin syempre. Niloloko nga ako ni Trixie, wala daw ako patawad, kasi magkapatid pa ang ginusto ko. Give me a sign be, na approve ka, na okay lang sayo kung may feelings man ako sa kanya., pero help mo siya, san man siya naroroon, youre my knight shining armor pero ngayon youre my guardian love angel."
"payakap naman be, nalulungkot talaga ako"
ANDREI POV
Nalulungkot na naman ang love ko, malamlam na naman ang mga mata niya, ayaw ko siyang nakikita ng ganyan, masaya na siya ng dumating si kuya sa buhay niya, pero ngayon.. OO naman be, I'm giving my blessings sa inyo ni kuya, mahal ko kayo pareho , kaya nga pinaglalapit ko kayo, dahil kayo ang nakatadhana, wala na ako physically diyan, pero si kuya ay manantili kasama mo. Yakap-yakap kita be ngayon, sobrang higpit na nga, ayan tuloy nilalamig ka na, ramdam mo na ang yakap at halik ko. Wag ka na malungkot, wala man tayong forever diyan, pero my love for you is beyond eternally.
ALEXA POV
Nnapakalamig ng paligid, 'Andrei, andito ka ano, mahal kita, mahal na mahal"
Pagdating ko sa bahay, nanunuod sina mom ng old movies. Dumiretso ako sa room, at napasigaw dahil yung flowers na dinala ko kay Andrei nakapatong sa dresser sa harap ng picture namin ni Andrei.
Andrei, Andrei........ " is this the sign that youre giving your blessings, ang swerte ko naman na may Andrei ako na nagmamahal sa akin, I LOVE YOU BE"
Nakangiti sa tabi ni Alexa ang lalaking hanggang sa kabilang buhay ay nagmamahal sa kanya.

BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw
Short StoryIt's hard to live without you by my side, how can I face each day without you, ansakit, ansakit-sakit,, di ko na kaya, kailangan koy ikaw........matinding pagsusumamo ni Alexa sa puntod ng lalaking pinakamamahal niya.