Sabado ngayon, kaya napagkasunduan ng barkada na after lunch kami pupunta sa bahay nila Andre.Dito ang tagpuan sa bahay namin. at habang papunta doon, hindi ako tinigilan ng mga kaibigan kong babae kung ano itsura ni PJ, kasi di nga din nila ito napagkikita simula ng naggraduate. Sabi ko, mataas kaysa kay Andrei, matipuno, hot papa, gwapo at oozing with sex appeal.
"lagot ka kay Andrei, isususumbong ka namin" pang-aasar nila Alfred.
Nagtawanan lang ang grupo. Napakaganda talaga ng bahay ng mga Santiago, mansion, at puno ng bulaklak ang paligid, mahilig kasi maghalaman si Mrs. Santiago, libangan na niya ito.
Lubos ang tuwa ni tita Marina ng makita kami, masaya niya kaming niyakap, at ng makita ako,tila baga may inaantay pa sa likudan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
"Alexa, welcome home, glad to see you back, pasensya na , natigilan ako kanina, kasi alam mo na, nasanay ako na kapag napunta kayong lahat dito, nasa kahulihan si bunso, ewan ba ang puso ng isang ina , nalulungkot pa rin" nangngilid ang luha niya. Nagpatawa na lang si D exter para hindi malungkot si tita. Nasa meeting si tito sabi niya, pero padating na ito.
Nagpahanda ng meryenda si tita Marina, kumustahan, hindi niya binibitiwan ang kamay ko
"anak, masaya ako at nandito ka, nararamdaman ko andito na rin si bunso" niyakap ko siya.
" tita , asan nga pala si kuya PJ' sabat ni Paulo.
" nasa Pakistan siya, mga tatlong buwan na ata yun"
"Pakistan" sabay sabay naming naimik
"oo, noong nakita ninyo siya dito noon na umuwi, dinalaw lang niya ang kapatid niya, alam ninyo naman Mark, na mahal na mahal ni PJ si Andrei di ba, kaya masakit sa kanya, na hindi man lang sila nagkita ni Andrei, alam ko pagkagaling dito dumiretso siya ng Amerika para umattend ng conference"
At lahat ay sa akin bumaling ng tingin.
"tumawag nga siya noong nasa Amerika na, sabi, may nakilala siyang babae, filipina daw, ang pag kakasabi pa nga niya ay, mom, dad, I finally meet the one na ipapakilala ko sa inyo, excited na excited siya"
"ehem, ehem," pasaring ni Mark.
" bakit Mark"
"wala po, tita, nasamid lang po
"kaso pagdating sa base, agad silang pinadala sa Pakistan at may gyera doon"
" oh,my gosh" I exclaimed.
"iha, bakit"
"wala po, tita"
"nag-aalala na nga kaming mag-asawa, wala pang balita sa kanila, kaya nga nakipag meeting mr ko, sa embahador ng Pakistan"
Biglang dumating si Congressman, tawag tawag si tita Marina at bigla niya itong niyakap, hindi kami napansin. May natanggap silang balita, na matinding bakbakan sa Pakistan, madami na ang namatay, iilan lang ang nakaligtas, mamaya iuuwi na sa Amerika ang labi ng mga nasawing Navy.
Nagsisisikip ang dibdib ko,,,
Nagpaalam na kami kina tito at tita, sabi naman nila itxt kami kung may balita na tungkol kay PJ. Dumiretso kami sa sementeryo, kay Andrei.
" tol, tulungan mo kami, sana ligtas kuya mo, dahil may isang tao dito, magiging famous na sa pagkakaroon ng dyowang namamatay agad" pagbibiro ni Dexter.
" hindi nakakatuwa Dexter" asar na asar si Gwen " be sensitive with what you say"
"sorry" "ok lang Dexter " sabi ko.
Hatinggabi na , kaya nagsiuwi na kami.

BINABASA MO ANG
Kailangan Ko'y Ikaw
NouvellesIt's hard to live without you by my side, how can I face each day without you, ansakit, ansakit-sakit,, di ko na kaya, kailangan koy ikaw........matinding pagsusumamo ni Alexa sa puntod ng lalaking pinakamamahal niya.