Chapter 9

6 1 0
                                    


PETER JOSHUA POV

" tol, ano yan, bakit mo ibinibigay sa akin yan"

"kuya, o kunin mo to"  kukunin ko na sana ang iniaabot ng kapatid ko, nang magring ang cellphone ko, dali dali akong bumangon,nanaginip na naman ako. nakuyumos ko ang mukha ko, madalas kasing kinakausap ako ni Andrei sa panaginip, iniaabot nya sa akin ang picture frame ng isang babae,walang mukha, ano kayang ibig sabihin nito.

Dalawa lang kaming magkapatid, tatlong taon ang tanda ko sa kanya, close kami, makulit ang bunso naming yun, siya ang party goer, maingay sa bahay at pilyo, ako naman ang serious type. Nag-aaway din kami, lalo na pag kinukuha niya gamit ko ng walang paalam, pero nagbabati rin. Minsan may suntukan, sapakan, binigyan nga kami ni ermats ng kutsilyo magpatayan daw kami. Ganun talaga siguro ang magkapatid, in the end sila nagtutuluungan, nagsasabwatan.

Madaming babae ang talagang gustong kami ang mapangasawa nila, pero mas hearttrob si bunso. N i minsan , hindi kami nagtalo tungkol sa babae, dahil madalas iisa ang type namin na qualities sa isang babae, ang kagaya dapat ni mama. Maganda, malambing, masayahin , funny at maasikaso. Madami akong fling, pero 3 ang serious relationship, ang huli ay nito nga bago ako maaksidente sa military training.

Hindi ako nakauwi nang mamatay si  Andrei, dahil hindi ko kayang makita  na wala nang buhay ang kapatid ko.  Sobrang depressed ko kaya noong training namin aksidenteng nabaril ang balikat ko, mild lang tama, pero months din bago ako muling nakabalik sa navy, dahil doon iniwan ako ng syota ko at sumama sa tingin niyay maibibigay lahat ng luho niya sa buhay. Buti naman, dahil hanggat maaga , nakilala ko  ang tunay na ugali ng bitch na yun.

Ibinuhos ko sa trabaho lahat ng oras ko, at madalas nga kinakausap ako ni Andrei sa panaginip, na hindi ko naman magets  ang ibig sabihin.

Bumangon ako , at nagtawag ng room service for breakfast. Excellent ang service sa hotel na ito. At maganda ang supervisor nila na si Alexa Light. May lungkot nga lang ang kanyang mga mata, kahit siyay ngumingiti.

Kailangan Ko'y IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon