Chapter 3

11 1 0
                                    


It's already past 4 in the afernoon when Alexa, wake up. , she hurriedly went up to the kitchen.

"mom, where's Andrei". Napatigil  ang nanay niya sa pagluluto, at tinitigan ang anak.

"mom, where is he"  isinubo ni Alexa ang bacon na nakapalaman sa sandwich na ginawa ng ina, at dahil sa halos tatlong araw siyang hindi nakain, nakaramdam na siya ng gutom, kaya't naubos niya ang 2 sandwich at uminom ng pineapple juice. At napakamot sa ulo niya, dahil, nabingi na ata ang maganda niyang nanay, hindi pa siya sinasagot sa tanong.

"honey, I"m home, where are you"tanong ng kadadating  na si Armand Light.

"were here in the kitchen, hon" masuyong sagot ni Gng. Regina.

Napangisi ang ama ng makitang kumain ang anak, at niyakap niya ang mag-ina miya. Napatigil siya ng tanungin ng anak kung asan si Andrei, kahit siya hindi makasagot. Nahampas na lang ni Alexa ang kanyang noo, ano bang nangyayari sa parents niya, pareho na bang bingi. Pumunta siya sa kanyang kwarto at kinuha ang cellphone, tatawagan na lang niya ang nobyo. Ilang beses niyang dinayal ang numero, ring lang ito ng ring, marahil  ay may ginagawa ito, kayat naligo na lang muna siya.

On the 15th call, sa wakas sinagot na rin ang cp.

"hello, be, busy ka ba, kanina pa ako natawag, ang daya mo naman, umalis ka agad, sabi mo babantayan mo ako, hello be are you there ba"

" hello, Alexa, si daddy niya ito"  gumagaralgal na sagot ni Congressman  sa dalaga.

"hi po, si  Andrei po"

"iha, ipapasundo na lang kita diyan, pwede ko ba makausap parents mo".    At napagkasunduan nga  ng magulang niya at ni Congressman na ihahatid nila ang dalaga kay Andrei.

Pagdating nila sa funeraria, ayaw pumasok ni Alexa, iling siya ng iling, patuloy naman sinasabi ng parents niya at ng mag-asawang Santiago na kailangang tanggapin na niya ang katotohanang wala na ang binata. Hindi totoo ang mga ito, dahil kagabi kasama pa niya ang binata, Naghysterical na si Alexa, kaya't hinila siya ng bestfriend niyang si Cindy sa harap ng binata

"ayan, Alexa, ayan si Andrei, tanggapin mo na , na wala na siya, malulungkot siya, pag nakita ka niyang ganyan"   pag dididin ni Cindy at ilan pa niyang mga kaibigan. Nagcollapse si Alexa,buti nasambot siya ni Mark, bestfriend ni Andrei.

 At nang matauhan ang dalaga, tulala lang itong nakaupo., Tulala lang siya hanggang sa huling gabi ng burol.  Lahat ay nagsalita ng pamamaalam kay Andrei. Bawat isa ay may kwentong maganda tungkol sa binata, sa edad na 19,  madami na itong nagawa, madalas kasi siyang tumutulong sa ama't ina sa gawaing pansibiko, likas sa kanya ang pagiging matulungin.

Kwento ng mga kaklase at kaibigan, isang bully si Andrei noong elementary days, pero naging mabuting tao ng mag highschool, dahil sabi nga nila, love ang nagpabago dito, ng mainlove ito kay Alexa, noong second year high school pa lang sila. Naging honor student at captain ng basketball team nila, matangkad, gwapo at maputi ito, kaya habulin ng babae, pero isang babae lang nagpatibok ng puso  niya.

Habang nagsasalita ang lahat, nakita ni Alexa si Andrei  nakatayo sa unahan, nakangiti at tinatawag siya, sinisenyasan siya"  go on be, you're next, come, I wanna hear what will you say"  saba'y thumbs up.  Tumayo si Alexa at kinuha microphone, nilingon muna niya ang binata , na nakangiti pa rin.

Ngumiti si Alexa at nagsalita" hi be, ang saya saya ko, kasi...... andiyan ka, ngayon, smiling, urging me to go on and tell something about you. be, ako na yata ang  pinaka masayang babae ng niligawan mo ako, kasi crush kita noon pa man, kahit binubully mo ako dati, alam ko naman, ginagawa mo lang yun para magpacute sa akin, hehehe, di ba."  at nilingon niya ang binata na nakangiti.

"those days with you, are the best days in my life, minsan may away, tampuhan, kasi naman daming babae ang handang magpakamatay, maging kanila ka lang, pero pinatunayan mo na ako lang talaga ang mahal mo at ikaw lang din ang nag-iisang narito sa puso ko. Sabi nga nila, kinukuha agad ni Lord lahat ng mabait, sabi mo naman, hindi ka agad kukunin kasi bad boy ka, pero kita mo, kinuha ka na niya agad sa akin, it means mabuti ka, sana nagpakasama ka na lang para andito ka pa"

"how can I live each day, kung wala ka dito sa tabi ko?  Ang hirap noon be, sinong magprotect sa akin, wala na di ba,sinong tatawag sa akin everyday para gisingin ako  at sabihing sleepy head wake up, you're gonna be late, sinong gagawa ng math assignment ko, sinong kasama ko sa pagkain ng lunch, merienda, kahit pa andiyan mga friends natin, iba syempre yung ikaw, dahil nag-iisang ikaw sa puso ko, mahal na mhal kita be, "  at di na nakaya ni Alexa ang bigat ng dibdib,nilapitan na siya nina Mark at Alfred.

"mahal na mahal din kita be"  bulong ni Andrei sa tenga ni Alexa , humagulgol na siAlexa, niyakap siya ng mag=asawang Santiago.


Kailangan Ko'y IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon