Likeself Reputation Episode 51

36 1 0
                                    

"We are here to witness the opening of the second branch of the Ming's Noodle House!" ang mabuhay na sinabi ni Kang.

Nagsipalakpakan ang mga tao. Nagpatuloy si Kang sa pagsasalita para sa pagkukwento kung paano sinimulan ang Ming's Noodle House lalu na ang ikalawang branch nito. Nagkwento rin siya tungkol sa negosyo at maging rin sa kanyang pamilya. Sikreto pa rin sa lahat ng mga kasamahan nina Jiao at Kang na mayroon silang kambal na anak na ang isa ay wala sa kanila sapagkat hindi nila ito alam kung nasaan at sila ang naging simuno ng pangyayari.

"Hindi pwede, hindi pwede! Hindi tamang oras na sabihin ko ang aking alam. Ang lalaking kamukha ko. Hindi pala dapat siya maging kakampi, kailangan pa rin akong makaganti sa kanya at mukhang nakukuha na niya ang gusto niya. Humanda ka, kung sino ka man. Makikilala rin kita." sabi ni Kaoru sa sarili.

Pumasok ang kanyang ugali na inggit kaya nagbago ang pananaw niya sa kamukha niyang lalaki na pinaniniwalaan niyang kakambal niya at ito ang kanyang kapatid.

Sa seremonya, nagkaroon ng mga patikim ang Ming's Noodle House sa menu ng ikalawang branch. May mga bago ring mga recipes na inabangan. Marami ang mga positibo ang sagot sa ikalawang branch ng Ming's Noodle House.

"Wow, congrats Ms. Jiao and Mr. Kang. Nakadalawang branch na kayo ng Ming's Noodle House." sabi ng isang babaeng negosyante.

"Salamat po" sagot ni Jiao.

"Uy, Jiao at Kang, kamusta na? Hanga ako sa inyo dahil ang inyong sariling negosyo sa restaurant ay umuunlad na." sabi ng tatay ni Kang.

"Oh ayos lang po. Mukhang ayos ang negosyo niyo rin doon. Kayo ang namamahala sa mga TV network." sabi ni Jiao.

"Ah, mabuti iyon." sabi ng nanay ni Kang.

Dumating rin ang magulang ni Kang.

"Jiao at Kang, hanga ako sa inyo. Umuunlad ang inyong sariling negosoy at napakabilis nito." sabi ng mommy ni Jiao.

"Congrats sa inyo, hindi na ako magugulat kung may mga kasunod pang branches." sai ng daddy ni Jiao.

"Mukhang may mga susunod na po. May ikatlo, ika-apat, at marami pang iba. Malapit na buksan ang ikatlo at ika-apat na nasa mga malls. Maraming mga lugar ang nagrerekomenda na magkaroon sila ng restaurant na Ming's Noodle House at iyon ang aming binibigyan importansya." sabi ni Kang.

"Galingan lang ninyo, at sana umunlad pa ang inyong negosyo." sabi nig mommy ni Jiao.

"Salamat po" sabi ni Jiao.

"Dapat magpatuloy sa pag-aartista ang inyong anak, gwapo at mukhang mabait pa. Tama lamang na siya ang modelo sa Ming's Noodle House na makakatulong sa dami ng taong pupunta." sabi ng lalaking negosyante.

"Hahahaha natawa naman po ako dun na nasa itsura pala ng modelo ng isang bagay ang lakas ng tangkilik nito." sabi ni Xiang.

"Oo naman, kaya bagay na bagay sa iyo." sabi ng lalaking negosyante.

"Salamat po" sabi ni Xiang.

Hindi makapaniwala si Xiang na ito na ang kanyang pangarap, mula pa sa kanyang naituring na ina. Sa simpleng pagpapalit ng reputasyon ng kanyang kamukha ay masaya na siya sa kanyang buhay.

Nagpatuloy pa ang mga programa sa pagbubukas ng ikalawang branch ng Ming's Noodle House. 

Si Kaoru naman ay nagsimula na sa kanyang pagtatrabaho.

"Ikaw pala ang bago dito, ano ang full name mo?" sabi ng lalaki.

"Shuang Ming" sagot ni Kaoru.

Iniba ni Kaoru ang kanyang identity sa publiko para hindi makita ang kanyang pagkakilanlan. 

"Ming?" sabi ng lalaki.

"Opo" sabi ni Kaoru.

"Sa ating bansa, ang lahat ng magkaka-apelyido ay magkakamag-anak. Bihira lang ang hindi, ka-ano ano mo ang mga Ming?" sabi ng lalaki.

"Ang dami naman na tanong" sa isip ni Kaoru na may takot, inis, at kaba.

"Ah, eh, Ka-apelyido lang siguro nila ako. Hindi ko po sila kaano-ano." sabi ni Kaoru.

"Ah, dito kasi sa pinasukan mong trabaho, mahigpit na kalaban namin ang Co-Ming sa negosyo kaya syempre hindi maiiwasan ang mga alitan." sabi ng lalaki.

"Ah." sabi ni Kaoru.

"Simulan na natin ang iyong pagtatrabaho dito. bilang assistant ng manager dito sa business area ng Guangdong." sabi ng lalaki.

Nagsimula na si Kaoru sa kanyang trabaho at sa kabutihang palad ay walang problema sa kanya. Walang puna ang kanyang manager bilang assistant. Matalino rin si Kaoru.

Natapos na ang programa at umuwi na ang lahat ng mga tao. Nahuli naman sina Jiao, Kang at si Xiang.

"Kaoru, mahihiwalay tayo ng sasakyan. May pupuntahan pa kami ni Jiao." sabi ni Kang.

"Sige po" sabi ni Xiang.

Umalis na sila at dalawang sasakyan ang umalis. Isa dito ang kina Jiao at Kang at ang isa dito ay si Xiang. Pareho sila ng kalsadang dadaanan, magbabago nga lang sa huling parte. Mabilis ang naging takbo ng sasakyan nina Jiao at Kang, dahil na rin sa pagmamadali. Ang masamang pangyayari ay nangyari. Nabangga ang sinasakyang kotse nina Jiao at Kang sa isang truck na dumaan sa intersection dahil nawalan sila ng preno. Hindi naaksidente ang sasakyan ni Xiang ngunit nakita niya ng aksidente.

Abangan: Episode 52

Likeself Reputation Chapter 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon