Likeself Reputation Episode 60

20 1 0
                                    

Nagsimula na ang exam, kung saan ang mga estudyante ay seryoso para sa huling exam nila sa kanilang kurso at maging rin sa kolehiyo. Dito rin maaaring maiproklama ang mga nangungunang mga estudyante sa final ranking ng mga academics result ng bawat isa. Ang layunin ni Xiang dito ay makapasa lang, dahil yun ang pangarap niya para kay Jian at sa kanyang sarili na mabura ang masalimuot na buhay sa mga nakaraan.

May limang exam ang mga estudyante na sa iisang araw lamang nila sasagutin, hindi naman gaano karami ang mga items ngunit hindi masasabi kung mahirap ito o madali.

Dumaan ang ilang oras ay natapos din ang final exam. Masaya ang mga estudyante na tapos na ito, ang kanilang inihihiling na lang ay makapasa sila, gayundin si Xiang.

“Sana makapasa ako, sana!” sa isip ni Xiang.

“Students, sa susunod na araw ninyo malalaman ang resulta ng exam ninyo, at sa susunod na linggo naman ang pinakaantay ninyong Graduation Day.” sabi ng prof.

“Yes, sir!” sagot ng mga estudyante.

Sa susunod na araw pa ang resulta, kaya ang mga susunod na oras ay para magpahinga ngunit ang dalawang magkapatid ay hindi magpaaawat.

“Ito na siguro ang tamang araw na dapat maging kami ni Lyn, sana sagutin niya ako.” sabi ni Kaoru.

“Iimbitahan ko si Yan sa isang date, ito na ang tamang panahon na ihayag ang tinitibok ng puso ko.” sabi ni Xiang.

Magkahiwalay na bumili sina Kaoru at Xiang sa mga bilihan ng mga bulaklak, nagkataon na mga roses ang kanilang binili. Nagkataon rin na bumili sila ng mga chocolates at iba pang pwedeng regalo ngunit hindi sila nagkita.

Inosente sina Lyn at Yan sa mangyayari mamayang gabi. Nagkataon rin na parehong venue ang gaganapin na date ng dalawang pares. Ito na kaya ang gabi na magkikita sila?

Dumating na ang gabi at niyaya ni Kaoru at Xiang sa magkahiwalay na paraan sina Lyn at Yan. Sinorpresa ni Kaoru si Lyn sa itsura ng kanilang date. Pulang-pula ang tema ng kanilang mga table, chairs, at iba pa. Ibinigay na rin ni Kaoru ang flowers para kay Lyn.

“Wow! Salamat Kaoru, bakit ka naman nagyaya dito, ang mahal sa lugar na ito ah.” sabi ni Lyn.

“Syempre, para sa’yo, kailangan maganda kasi maganda ka.” sabi ni Kaoru.

“Ang gwapo mo ha.” sabi ni Lyn.

“Nagbibiro ka ba?” tanong ni Kaoru.

“Ay oo! Pero Kaoru ang gwapo mo ngayong araw na ito.” sabi ni Lyn.

“Ikaw rin naman.” sabi ni Kaoru.

“Uy, hindi ako handa dito kaya ikaw pormal ang suot at ako hindi dahil sinorpresa mo pa ako ngunit bakit ka nga ba dito nagyaya? May okasyon ba?” sabi ni Lyn.

“Oo Lyn” sabi ni Kaoru.

“Ano?” tanong ni Lyn.

“Pwede bang maging tayo na?” tanong ni Kaoru.

“Huh? Tinatanong pa ba yan?” sabi ni Lyn.

“Wow! Kung kaya, girlfriend na kita?” sabi ni Kaoru.

“Oo, alam mo, mukhang dati pa nga kitang itinuturing na kasintahan. Ngayon lang nagkaaminan.” sabi ni Lyn.

“I love you Lyn.” sabi ni Kaoru.

“Naks! I love you too Kaoru!” sabi ni Lyn.

“Wooooooooooooooooooohhhh!!! Girlfriend ko na si Lyn.” sigaw ni Kaoru.

“Uy! huwag ka nga mag-ingay, nakakaistorbo ka.” sabi ni Lyn.

Naghihiwalay sa dalawang pares ang isang bakod kung saan nakalagay ang area kung saan nanggagaling ang siniserve na pagkain.

“Xiang, parang kaboses mo yung sumigaw?” sabi ni Yan.

“Parang hindi naman.” sabi ni Xiang.

Binigay naman ni Xiang ang flowers kay Yan na nagulat pa.

“Uy, ano to? bakit tayo nandito?” tanong ni Yan.

“Sapagkat may okasyon.” sabi ni Xiang.

“Huh?” pagtataka ni Yan.

“Dito ka na lang at mag-usap tayo.” sabi ni Xiang.

Dinala ni Xiang si Yan sa pulang-pula ring kulay ng mga table, chairs, at iba pa.

“Kinakabahan ako Xiang, ano bang okasyon?” sabi ni Yan.

“Mas lalu akong kinakabahan.” sabi ni Xiang sa kanyang sarili.

“Ah, eh, waiters!” sigaw ni Xiang.

Dumating ang mga waiter na nagkaroon ng isang intermission sa harapan nina Yan at Xiang. Nagkaroon sila ng isang dula na binibigyang kilala ang naging pagkakaibigan nila. Bumalik ang mga alaala sa kanila. Nang natapos na ang dula.

“Salamat” sabi ni Xiang sa mga waiters.

“Napanood mo ba Yan ang dula?” tanong ni Xiang.

“Oo, grabe ha, parang tayo yun.” sabi ni Yan.

“Oo nga, tayo nga yun. Binabalik ko ang mga alaala na nagkilala tayo at naging magkaibigan. Tinuring kitang teacher ngunit parang hindi naman dapat kitang igalang dahil pareho lang tayo ng edad. Alam mo Yan, sasabihin ko na ang itinitibok ng aking puso. Gusto ko na itong ilabas.” sabi ni Xiang.

“Hala, ano ba yang sinasabi mo?” sabi ni Yan.

“Can you be my girlfriend?” tanong ni Xiang na pinagpapawisan.

“Oh my........” sabi ni Yan.

Naghintay din ang mga tao sa paligid nila sa magiging sagot ni Yan.

“Yes Xiang, yes.” sagot ni Yan.

“Yesss!!! Yan Zhang is my girlfriend!” ang pakalat na sinabi ni Xiang.

Kinilig ang mga taong nasa paligid nila na mas marami dahil malapit iyon sa inaabangang fireworks display. Nasa tabing dagat sila ng Hong Kong at nakasakay sa isang yate na isang restaurant.

Nagkwentuhan pa sina Kaoru at Lyn at sina Yan at Xiang. Dumating rin ang fireworks na nakapagdagdag saya sa kanila.

Abangan: Episode 61

Likeself Reputation Chapter 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon