Nakabalik na ang mga estudyante sa Hong Kong. Marami silang natutunan at sigurado ito dahil ito na ang kanilang huling business seminar and trainings sa Hong Kong University bago sila dumating sa graduation.
“Sa susunod na araw, magaganap ang inyong The Final Exam, mag-review kayo dahil isa rin ito para maiproklama kung sino ang mga naging topnotchers. Goodluck sa inyo.” sabi ng prof.
Si Xiang ay umuwi na at sinalubong siya nina Jiao at Kang.
“Nak, kamusta ang business seminar and trainings ninyo?” tanong ni Jiao.
“Ok naman po, marami po akong natutunan. Excited na akong mag-business.” sabi ni Xiang.
“Aba, maganda yan.” sabi ni Kang.
“Sa susunod na araw na rin po ang final exam namin.” sabi ni Xiang.
“Mag-review ka ha.” sabi ni Jiao.
“Opo.” sabi ni Xiang.
“Kung sa susunod na araw pala ang exam mo, pwede ba kitang maistorbo sa oras mo. Alam ko na dapat napapahinga ka ngunit ngayong araw kasi ay may mga orientation ang mga employees sa opisina. Gusto ko sana i-tour ka ulit tutal malapit mo nang matungtong ang aking tinutungtungan.” sabi ni Kang.
“Ah, sige po! Payag ako, basta’t tungkol po dyan.” sabi ni Xiang.
Hindi na nakapagpahinga si Xiang subalit nasiyahan naman siya at nawalan ng pagod sa pagpunta sa opisina ng Co-Ming Business Corporation.
“Parang kalian lang ay dumating ako dito.” sabi ni Xiang.
“Oo nga Kaoru, pero mas maganda na balikan mo ulit.” sabi ni Kang.
Tinour ni Kang si Xiang sa buong opisina ng Co-Ming Business Corporation. Naulit man ito ngunit hindi nagsawa si Xiang. May mga nangyari na ring development sa building na mas dumami ang mga employees at business. Nagpapatunay ito na patuloy na tumataas ang ratings ang mga negosyo ng mga magulang nina Jiao at Kang.
“Ito ang pinaka-aantay sa lahat.” sabi ni Kang.
Dinala ulit ni Kang si Xiang sa ikalawang pagkakataon sa kanyang opisina. Itinuturing ito sa buong building na pinakamahalagang kwarto dahil dito nakaupo ang head ng Co-Ming Business Corporation.
“Wow!” ang paghanga ni Xiang.
“Malapit na, malapit na. Kaoru, dito ka rin uupo. Sa upuan na ito na karespe-respeto.” sabi ni Kang.
“Nasasabik na ako, matutupad na ang pangarap ko.” sabi ni Xiang sa kanyang isip.
Nag-kwentuhan ang ‘mag-ama’ sa opisina sa masasayang pangyayari sa negosyo. Hindi alam ni Xiang na ang nag-kukwento sa kanya ay ang kanyang tunay na ama. Hindi rin alam ni Kang na ang kinukwentuhan niya ay ang anak kanila ring anak na nawalay sa kanila nang matagal na taon.
Nang nakauwi na sila ay si Xiang ay diretso kaagad sa pag-review. Halos lahat na ata ng mga libro sa academics ay nabasa niya para lang makapasa sa final exam.
“Kakayanin ko ito, para matupad ang pangarap ni Jian, ang aking naituring na nanay at para rin kina Jiao at Kang.”
Sa bagong sikat ng araw, ito na ang final exam ng mga lahat ng estudyante sa Hong Kong University at nahahati lang sa iba’t-ibang kurso.
“Ako si Xiang Wong, kaya ko to!” sabi ni Xiang sa kanyang sarili.
Abangan: Episode 60
BINABASA MO ANG
Likeself Reputation Chapter 6
Literatura faktuLikeself Reputation (Kagaya kong may Reputasyon) - Ang istorya na mula sa kambal na isinilang sa China ngunit may policy na ipinaiiral, ang One-Child Policy. Paano kaya ito masusolusyonan ng kanilang magulang na ang ama ay galing sa hirap at ang ina...