Likeself Reputation Episode 58

29 1 0
                                    

Sa panibagong araw, inaasahan na si Xiang ay pupunta na sa Beijing para sa business seminar and trainings. Sumama rin si Lyn.

"Mag-ingat ka anak." sabi ni Jiao.

"Sige po." sabi ni Xiang

Dumiretso na ang mga estudyante sa airport para sa mas mabilis na navigation papuntang Beijing. Pagkarating nila ay sabik na sabik ang lahat lalu na si Xiang na unang pagkakataon pa lang rito.

May tatlong araw sila sa Beijing, maraming mga business areas dito at iyon ang mga gagamitin nila sa mga business seminar and trainings gayundin ang ilang mga activities sa unang dalawang araw. Sa huling araw ay bibigyan rin ng pagkakataon ang mga estudyante na magkaroon ng field trip sa paligid ng Beijing.

Sa unang araw ay pumunta ang mga estudyante sa iba't-ibang business areas na dinepende sa resulta ng kanilang exam noon. Magkahiwalay sina Xiang at Lyn. Kay Xiang ay itinuro ang mga roles sa business na napuntang kategorya sa kanya na mahilig sa franchise. Nagpangako siya sa kanyang sarili na pagpapatuloy ang negosyo nina Jiao at Kang.

Marami ring mga unique business seminar and trainings na ginanap. lahat ng mga estudyante ay nakisama sa lahat ng gawain. Pursigido ang lahat na matuto dahil ito na ang huling 3 araw nang kanilang business seminar and trainings na pagkatapos nito ay ang nalalapit at kaantay-antay na graduation.

Sa pangalawang araw ay mas marami pang mga activities ang pinagawa. Nagkaroon pa nga ng mga projects ang mga estudyante na umaangkop sa negosyo. Nasubok sila sa negosyo kung saan binigyan sila ng isang activity na ang mga tao ay hindi nila kilala. Mas marami pa silang natutunan.

Ibinida rin ng mga estudyante ang mga kanilang pangarap na negosyo at binibigyan suporta naman ito ng mga proctors sa bawat business areas. Hanggang sa binigyan sila ng mga huling scores sa mga activities. Lahat naman ay pasado at mataas ang nakuha ni Xiang. 

"Wow! Nakaka-proud!" sabi ni Xiang sa sarili.

Tama lang ang naging score ni Lyn ngunit pasado siya. Kinabukasan, ang huling araw ng mga estudyante sa Beijing. Nag-ikot sila sa iba't-ibang mga tourist spots sa Beijing. Tanda nito ang pagsimula ng kanilang pahinga sa lahat ng business seminar and trainings.

"Next week, ang inyong Final Exam at goodluck sa inyong lahat. Congrats din pala sa lahat na nakapasado sa lahat ng mga activities." sabi ng prof.

Bumalik na ang lahat ng mga esdyante na ligtas at may natutunan sa business seminar and trainings mula Beijing pauwi ng Hong Kong.

Abangan: Episode 59

Likeself Reputation Chapter 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon