"Hello Lyn." sabi ni Xiang.
"Hi Kaoru." sabi ni Lyn.
"Kamusta na?" tanong ni Xiang.
"Ayos lang." sabi ni Lyn.
Ayos lang kay Xiang na magtanong kay Lyn ngunit si Lyn ay naiilang dahil may nalalaman siya sa tunay na pagkatao ng nagpapanggap na Kaoru Ming na si Xiang.
Nagpatuloy ang business seminar at trainings sa iba't-ibang bahagi ng Hong Kong. Puno ng partisipasyon si Xiang at lahat din naman ng mga estudyante.
"Ito na ang huling araw ninyo sa business seminar and trainings sa Hong Kong. Huling parte na ng inyong programa ay pupunta kayo sa Beijing para sa mga business areas doon." sabi ng prof.
"Wow!" ang mga reaksyon ng mga estudyante.
"Makakapunta rin ako sa wakas sa Beijing!" sabi sa isip ni Xiang.
Sa opisina nina Jiao at Kang, mayroong magandang balita si Kang.
"Nakatakda ng magbukas ang ikatlong branch ng Ming's Noodle House!" sigaw ni Kang.
"Woooooooooooooh!" ang reaksyon ng mga employees.
"Malapit na iyon at dapat makahanap na ng mga bagong employees para sa ikatlong branch. Ang maganda pang balita ay parami ng parami ang kumukuha ng rights para magpatayo ng Ming's Noodle House." sabi ni Jiao.
"Wow naman po! Congrats sa ating lahat! Mabuhay ang Ming's Noodle House!" sabi ng isang employee.
"Mabuhay!" sigaw ng lahat.
Ibinalita naman ni Jiao ito sa kanilang anak na si Kaoru
"Anak, may ikatlong branch na ang Ming's Noodle House." sabi ni Jiao.
"Talaga po?" tanong ni Xiang.
"Oo, at maaaring ikaw ulit ang modelo." sabi ni Jiao.
"Wow! Salamat Mommy, congrats po sa atin!" sabi ni Xiang.
"Oo nga, tuwang-tuwa ang lahat ng mga kasali sa ating business." sabi ni Jiao.
"Ah, bukas po pala ay pupunta kami ng Beijing." sabi ni Xiang.
"Bakit?' tanong ni Jiao.
"May business trip po kami." sabi ni Xiang.
"Ah, sige mag-ingat ka bukas ha." sabi ni Jiao.
"Syempre po." sabi ni Xiang.
Nagkita ulit sina Xiang at Yan, hindi na sa Ming's Noodle House para makaiwas ulit sa gulo.
"Maayos dito, wala na sigurong makakakuha ng iskandalo." sabi ni Yan.
"Sa isang abandonadong lugar, hahahahaha" sabi ni Xiang.
"Oh ano palang pag-uusapan natin?" tanong ni Yan.
"Bukas pala ay nasa Beijing kami para sa business trip." sabi ni Xiang.
"Wow, talagang seryoso ko sa pag-aaral ha at tungkol sa negosyo." sabi ni Yan.
"Oo naman, iyon ang aking pangarap at ganoon rin siguro ang pangarap nina Jiao at Kang para sa kanilang anak." sabi ni Xiang.
"Paano na ang pangarap eh kung wala na ang tunay na Kaoru Ming?" sabi ni Yan.
"Reputasyon ko na iyon bilang kamukha niya." sabi ni Xiang.
"Idolo na kita Xiang." sabi ni Yan.
Kung sina Xiang at Yan nagkikita, si Lyn at Kaoru ay nagkita rin.
"Kaoru, alam mo ba kanina ay nakausap ko pa ang kamukha mo." sabi ni Lyn.
"Anong mga sinabi mo?" tanong ni Kaoru.
"Syempre peke ang aking emosyon sa kanya, peke rin naman siya." sabi ni Lyn.
"Grabe ka naman." sabi ni Kaoru.
"Oo, naniniwala ako sa'yo Kaoru kaya susuportuhan kita." sabi ni Lyn.
"Pangako yan?" tanong ni Kaoru.
"Oo, pangako. Para sa ating dalawa, lalaban tayo!" sabi ni Lyn.
Abangan: Episode 58
BINABASA MO ANG
Likeself Reputation Chapter 6
Non-FictionLikeself Reputation (Kagaya kong may Reputasyon) - Ang istorya na mula sa kambal na isinilang sa China ngunit may policy na ipinaiiral, ang One-Child Policy. Paano kaya ito masusolusyonan ng kanilang magulang na ang ama ay galing sa hirap at ang ina...