Likeself Reputation Episode 54

15 1 0
                                    

"Wow! Andito ka na sa Hong Kong?" tanong ni Xiang.

"Oo naman, tatawagan kita ulit para sabihin sa'yo kung kailan tayo magkikita." sabi ni Yan.

"Nasasabik na ako dyan teacher." sabi ni Xiang.

"Uy, huwag mo na akong tawaging teacher. Kahit Yan na lang." sabi ni Yan.

"Sige" sabi ni Xiang.

Natigil ang tawag at puno ng ngiti ang emosyon ni Xiang. Hindi niya masabi ang nararamdaman niya sa pagkarating ni Yan ngunit masaya siya. Si Yan naman ay dumating sa bansa na may bagong itsura na siguradong ikakagulat ni Xiang.

Bumalik si Xiang sa kwarto nina Jiao at Kang sa ospital. Kung saan si Jiao ay gising na at ikinakamusta ng mga kanilang magulang.

"Oh Kaoru, inaantay pa rin namin ang paggising ni Kang. Sana dumating na. Kailangan magkaroon na ng imbestigasyon sa nangyaring aksidente na ito." sabi ng ina ni Jiao.

"Lola, huwag muna ngayon. Nagpapahinga pa sina Mom at Dad. Huwag muna natin silang istorbohin. Makakarating rin tayo dyan." sabi ni Xiang.

Tama si Xiang kaya sumang-ayon na rin ang kanyang itinuturing na mga lolo at lola. 

Naghintay pa sila ng mga ilang oras. Si Kang naman ay nakagising na. Ayos na rin ang lagay ni Kang sa sinabi ng doktor.

"Sa wakas at gising ka na rin anak" sabi ng ina ni Kang.

"Daddy!" sigaw ni Xiang.

Kaagad na niyakap ni Xiang sina Jiao at Kang. Natuwa lang si Xiang sa kanyang ginawa at parang nasa realidad na siya ngunit iyon ang kanyang panig ngunit sa kabuuan ay hindi niya alam na realidad na pala ito.

Kinamusta nila si Kang ngunit umiiwas silang matanong ang aksidenteng nangyari na baka magkaroon ng trauma kina Jiao at Kang.

Umalis muna ang mga magulang nina Jiao at Kang, natutukso pa rin sila. Sumugod sila sa malapit na police station.

"Pwede bang magpaimbestiga sa inyo sa nangyari kay Jiao at Kang sa isang aksidente kung sino ang pwedeng managot?" sabi ng ina ni Jiao.

"Sige po, gagawa po kami. Hindi po namin hahayaan na walang magiging resulta ito." sabi ng isang pulis.

"Salamat" sabi ng ina ni Jiao.

Bumalik sila sa ospital para bantayan ang kanilang mga anak. Si Xiang naman ay lumiban muna dahil nasasabik na siyang makita ang pagbabalik ni Yan. Siya na ang naunang tumawag.

"Yan, gusto kitang makita. Pwede ba ngayon?" sabi ni Xiang.

"Sige ba Xiang. Hanapin mo muna ako sa paligid ng hilaga ng Hong Kong." sabi ni Yan.

"Waaaah! Ang hirap nun! pero hahanapin pa rin kita." sabi ni Xiang.

Hinanap nga ni Xiang si Yan at totoo naman ang sinasabi ni Yan. Nagtiyaga si Xiang na mahanap at nang patawid siya sa kalsada ay may nasalubong siyang magandang babae.

"Ang ganda naman nun." sabi ni Xiang.

Ngunit nang nasalubong niya ay tinawag ang kanyang pangalan.

"Xiang!" sigaw ng sinabihan niyang magandang babae.

"Yan? Ikaw na ba? Wow! Mula sa pagiging itsura mong nerd bilang teacher. Ibang-iba ka na ngayon! Transformation ba!" sabi ni Xiang.

Agad na lumapit si Xiang at sinamahan si Yan. Sabik na sabik si Xiang na makita si Yan at nakakabighani pa sa kanya dahil nagbago ang anyo ni Yan, mas gumanda pa.

"Ang ganda mo Yan." sabi ni Xiang.

"Ah salamat Xiang." sabi ni Yan.

"Walang anuman." sabi ni Xiang.

Sa trabaho naman ni Kaoru, inanunsyo na ng kanyang manager ang promotion.

"Congratulations Mr. Ming, promoted ka na dahil mas tataas na ang iyong position dito sa ating business." sabi ng manager niya.

"Wow! Thank You manager!" sabi ni Kaoru.

Natuwa si Kaoru sa kanyang nakuhang promotion. Sumabay pa ito ng nakita niya na nakikinood din si Lyn sa kanya.

Abangan: Episode 55

Likeself Reputation Chapter 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon