Likeself Reputation Episode 53

17 1 0
                                    

"Siya nga, ang aking kakambal, ang aking kapatid." sabi ni Kaoru sa kanyang sarili.

"Ngunit hindi ko pa rin ito tanggap, pagkatapos niyang agawin ang aking posisyon. Humanda ka, gaganti ako sa mga ginawa mo. Maghaharap din tayo, aking kapatid." dagdag na sinabi ni Kaoru.

Nagbigay pa rin si Kaoru ng dugo para sa dagdag tulong. Iba ang nirehistro niyang pangalan para matago ang kanyang pagkakilanlan. Umalis siya kaagad sa ospital pagkatapos niyang mag-donate at may bahid ng galit sa kanyang mukha.

Nadagdagan pa ang tulong para kay Jiao at Kang. Malaking tulong pa ang pag-donate ng dugo sa pagdodonate nang kanilang magulang at mga kakilala nilang mga tao na may kagayang uri ng dugo nina Jiao at Kang. 

"Maraming salamat po sa inyong tulong!" sabi ni Xiang sa mga nag-donate.

"Makakaligtas sila Jiao at Kang, makakaligtas sila." sabi ng ina ni Kang.

Sinimulan na ng mga doktor ang magaganap na operasyon. Sa mga nabawasan dugo sa katawan nina Jiao at Kang ay maayos na.

Patuloy na nagdasal si Xiang para sa kaligtasan nina Jiao at Kang. Sa pagbubukas nang lahat ng bagay, tama lang ang ginagawa ni Xiang, hindi niya alam na tunay niyang magulang ang kanyang dinadasalan para makaligtas.

Dumaan ang ilang oras na naghintay ang lahat ng pamilya nila para sa resulta. Lumabas na ang doktor at nagbalita.

"Good news! Ligtas na po sina Ms. Jiao and Mr. Kang. Kailangan lang po nila ng ilang oras na pahinga at mahihintay natin ang kanilang paggising." sabi ng doktor.

"Woooooooh! Salamat sa aking dasal at nakaligtas sila." sabi ni Xiang sa kanyang sarili.

Ganoon rin ang tuwa sa mga kapamilya nina Jiao at Kang. 

Sa trabaho naman ni Kaoru sa Guangdong, mas bumuti pa ang kanyang mga abilidad sa kanyang trabaho. Naglaon rin na ang kanyang manager ay nakapag-isip.

"Gusto kong i-promote si Mr. Ming" sabi ng manager ni Kaoru.

Balik sa eksena sa ospital, lumipas na ang ilang oras at nakapaghintay si Xiang. Pumasok siya ng kwarto kung saan pareho sina Jiao at Kang na nagpapahinga. Dito kinausap ni Xiang sina Jiao at Kang.

"Mabuti naman at ligtas na po kayo Jiao at Kang o ang mga tinatawag kong Mommy at Daddy. Sana maiwasan na ang aksidente sa inyong pamilya para mabalik ang saya. Maski ako, hindi ko man kayo tunay na pamilya, natutuwa ako sa inyo. Ikinagugulat ko lang na magkapareho tayo ng uri ng dugo, hindi ko na ito pinagtaka. Ang importante ay ligtas na po kayo. Masasabi ko na rin sa tagal ko sa Ming na pamilya, mahal ko po kayo bilang mga itinuturing na magulang." sabi ni Xiang.

Biglang gumalaw ang kamay ni Jiao, pahiwatig itong pagising na siya. Hindi takot ni Xiang ang pumasok sa kanya na baka narinig ni Jiao ang kanyang sinabi, kung hindi ay ibinalita niya ito kaagad sa mga doktor.

Bumisita ang mga doktor at tinignan ang lagay ni Jiao.

"Ayos na ang lagay niya." sabi ng doktor.

Kaagad na pumasok ang magulang ni Jiao.

"Mabuti naman anak at gising ka na." sabi ng ina ni Jiao.

"Mom, Dad, Anak" ang dahan dahan na sinabi ni Jiao habang nakikita silang tatlo.

Kaagad na nag-ring ang cellphone ni Xiang, para makaiwas sa ingay ay lumabas siya ng kwarto at sinagot ang tawag.

"Hello, sino to?"

"Mr. Xiang Wong, this is your teacher Yan Zhang, I called you to say the news that I'm here now at Hong Kong." sabi ni Yan.

Abangan: Episode 54

Likeself Reputation Chapter 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon