Nagulat at nabigla si Xiang sa kanyang nakita. Agad tumigil ang kanyang sinasakyan na kotse at tumakbo sa pinangyarihan nang aksidente.
"Mr. Kang, Mr. Jiao!!!" sigaw ni Xiang na paulit-ulit
"Saklolo!" sigaw ni Xiang.
Bumangga ang sinasakyang kotse nina Jiao at Kang sa malaking truck. Nagkaroon ng eksena sa kalsada at kaagad na rumesponde ang ambulansya. Hindi alam ni Xiang ang kanyang gagawin lalu na ang kanyang emosyon. Kung wala lang o mapapaiyak.
Dinala kaagad sa ospital sina Jiao at Kang at tumitibok pa ang kanilang mga puso. Binantayan ni Xiang ang pagpapadala sa ospital kina Jiao at Kang. Bilang pangalan niya na Kaoru Ming, naranasan niya na rin na maging anak nina Jiao at Kang, lumabas ang kanyang emosyon at napaluha siya sa pangyayari at nag-iisip na.
"Sana makaligtas sila, sana" sabi ni Xiang sa sarili na lungkot ang kanyang emosyon.
Makalipas ang ilang oras, lumabas na ang doktor at sinabing.
"Kayo po ba si Kaoru Ming?" tanong ng doktor.
"Opo, ako po" sabi ni Xiang.
"May Good News at Bad News" sabi ng doktor.
"Unahin ko na ang Good News, ligtas na ang iyong magulang. Napapanatili nila kanilang mga kalusugan. Ang Bad News ay hindi sila isang daang porsyento sa dugo. Kailangan nila ng dugo, tutal ikaw ang kanilang anak. Kailangan nila ng donasyon." sabi ng doktor.
Naguluhan ang isip ni Xiang, hindi siya tunay na anak at iyon ang kanyang pagkakaalam.
"Paano na ito? hindi ko sila kapamilya, kaya baka magkaiba kami ng mga uri ng dugo." sabi ni Xiang.
"Wala akong magagawa, magdodonasyon pa rin ako." sabi ni Xiang.
Naglakas loob si Xiang kahit hindi niya alam mismo ang uri ng kanyang dugo. Siya'y nagbigay at buong puso itong inalay ni Xiang para sa mga taong naging malapit na sa kanya.
Si Kaoru Ming naman ay nagpabuti pa sa kanyang trabaho sa Guangdong. Isang eksena na ang kanyang manager ay muntik nang maaksidente sa kalsada, buti na lang at nailigtas siya ni Kaoru. Mas humanga ang manager kay Kaoru at mas bumuti pa ang trabaho niya.
Nang nanonood si Kaoru sa TV, nakuha niya ang balita na naaksidente sina Jiao at Kang. Agad siyang nag-alala sa kanyang mga magulang. Dumiretso siya sa ospital ngunit hindi siya makapasok sa kwarto dahil nakita niyang nakabantay ang kanyang kamukha.
"Nako naman, kamusta na kaya sina Mom at Dad. Sana'y ligtas sila." sabi ni Kaoru.
Nagtago lang si Kaoru at hindi nagpakita, nagtanong na lang siya sa mga nurse kung ano ang nangyari. Dito niya rin nalaman na kailangan ng dugo ng kanyang magulang at kaagad siyang nagvolunteer. Hindi na pinansin ni Kaoru ang mga taong may binubulong na.
"Kamukha niya si Kaoru Ming."
Nagdasal naman si Xiang na sana tuluyang makaligtas sina Jiao at Kang. Kahit man dito ay matupad ang kanyang dasal.
Napansin ni Xiang na hindi man lang nagreklamo ang mga doktor sa uri ng kanyang dugo. Nagtaka siya dito, at nabalita sa kanya na aprub ang kanyang dugo at kailangan pa.
SI Kaoru ay patagong nagdonate ng dugo at napansin niya na may listahan ng mga taong nagdonate ay ang kanyang pangalan, malamang ay ito ang kanyang kamukha ngunit.
"Bakit aprubado ang kanyang dugo? Magkapareho ang uri ng dugo ng aking kamukha sa aking mga magulang?" sabi ni Kaoru sa kanyang sarili.
Abangan: Episode 53
BINABASA MO ANG
Likeself Reputation Chapter 6
Non-FictionLikeself Reputation (Kagaya kong may Reputasyon) - Ang istorya na mula sa kambal na isinilang sa China ngunit may policy na ipinaiiral, ang One-Child Policy. Paano kaya ito masusolusyonan ng kanilang magulang na ang ama ay galing sa hirap at ang ina...