Likeself Reputation Episode 55

20 1 0
                                    

Sa promotion ni Kaoru ay nagdiwang siya at si Lyn. 

"Oh Lyn andito ka pala." sabi ni Kaoru.

"Oo, nabalitaan ko kasi na may magaganap na ganito. Syempre inabangan ko. Suportado ako sa iyo Kaoru Ming." sabi ni Lyn.

"Wow! Sige nga, labas tayo at kumain sa restaurant." sabi ni Kaoru.

Pumunta sila sa restaurant at parang isang date na ang mangyayari ngunit ito'y pagbubunyi.

"Cheers!" sabi ni Kaoru.

"Cheers din!" sabi ni Lyn.

"Congrats sa akin! Buti na lang at promoted na ako. Pagbubutihin ko pa ang aking trabaho."

"Tama lang iyon Kaoru." sabi ni Lyn.

"Planado na." sabi ni Kaoru.

"Ha? Ang ano?" tanong ni Lyn.

"Sisimulan ko sa aking pagbuti sa trabaho, pag ako'y nasa taas na posisyon na. Ito na ang pagkakataon  na makakaganti ako sa taong umagaw sa aking posisyon sa aking pamilya. Ang kamukha ko, ang kakambal ko." sabi ni Kaoru.

"Naniniwala ako sa'yo Kaoru. Ipaglalaban kita." sabi ni Lyn.

"Salamat Lyn,." sabi ni Kaoru.

Sa pagkikita naman nina Xiang at Yan. Napunta sila sa restaurant para makapag-usap.

"Yan, sabik akong makita na ulit at nakakatuwang iba ang transpormasyon na ginawa mo." sabi ni Xiang.

"Parang sobra naman ata ang kasabikan mo, bakit sobra ba?" sabi ni Yan.

"Ah, eh, kasi, kasi yung syempre diba naging teacher kita. Alam mo naman na ikaw lang ang aking kaagapay kaya kaibigan na kita at ganoon ako kasabik na makita ka ulit." sabi ni Xiang.

"Ah yun naman pala. Sige ano bang pag-uusapan natin?" sabi ni Yan.

"Nang umalis ka papuntang America, maraming nangyari sa akin. Minsan ay nakikita ko si Kaoru, ang aking kamukha. Ang tunay na Kaoru ay namamalik mata sa akin at napapaginipan ko pa. Si Lyn nga ay minsan ko rin naging close ngunit hindi na ito nasundan dahil napapansin kong lumalayo siya sa akin, hindi ko alam kung bakit. Dumaan rin ang mga business seminar at trainings at ang kasalukuyan ay sina Jiao at Kang ay naaksidente at nasa ospital sila." sabi ni Xiang.

"Hala, idi dapat nagbabantay ka sa kanila ngayon." sabi ni Yan.

"Nagbabantay naman ang kanilang mga magulang. Ayos na ang lagay nila ngayon." sabi ni Xiang

"Buti naman, sige na. Sa ibang araw muna ulit tayo mag-usap. Kailangan ka sa ospital." sabi ni Yan.

"Oo nga tama ka, sige Yan."

Nagkaroon ng oras na ang mga magulang nina Jiao at Kang ay pumunta sa police station.

"Ma'am, Sir, may balita na po tayo. Sa pinangyarihan ng aksidente ay may CCTV. Ito po at panoorin  niyo ang video." sabi ng isang pulis.

Pinanood nila ang video at nakita nila ang aksidente.

"Ngayon, may pananagot ang truck na ang simuno sa aksidente." sabi ng isang pulis.

"Dapat panagutin yan!" sabi ng ama ni Jiao.

"Oo nga! Dapat! Gawin niyo ang lahat para mahuli ang gumawa ng mali sa nangyaring aksidente sa mga aming anak.' sabi ng ama ni Kang.

Sa ospital naman ay patuloy na nagrerecover sina Jiao at Kang. Natigil muna si Xiang sa pagdalo sa mga business seminar at trainings para alagaan sina Jiao at Kang. Lumipas ang mga araw at may magandang balita ng doktor.

"Ayos na ang lahat. Pwede ng makalabas ng makalabas sina Ms. Jiao at Mr. Kang." sabi ng doktor.

"Maraming salamat dok!" sabi ni Xiang.

Nalaman na rin ito ng mga kamag-anak nina Jiao at Kang at sila'y natuwa rito. 

Bumalik na sa kanilang bahay sina Jiao at Kang.

"Buti naman po Mom and Dad ay ayos na kayo." sabi ni Xiang.

"Oo nga Kaoru, buti na lang at magagaling ang mga dasal, doktor at suporta ninyo." sabi ni Jiao.

"Opo naman." sabi ni Xiang.

"Salamat pala sa pag-alaga sa amin anak." sabi ni Jiao.

"Pwede na rin po kayo siguro makabalik sa negosyo." sabi ni Xiang.

"Pwede na siguro." sabi ni Kang.

Nagkatuwaan ang pamilya na mabalik ulit sa normal ngunit ang alam ni Xiang ay hindi niya pamilya sina Jiao at Kang ngunit ang totoo ay pamilya niya pala.

Nagkaroon na ng oras sina Xiang at Lyn na mag-usap. Nag-usap sila sa Ming's Noodle House, sa unang branch. Sa kanilang pag-uusap, may isang taong nagpicture sa kanilang dalawa habang nag-uusap. Ano kaya ang pakay nito?

Abangan: Episode 56

Likeself Reputation Chapter 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon