Chapter 37: Her Side (Part 2)

382 4 0
                                    

Chapte 37: Her Side (Part 2)

<A/N: ayan po yung katuloy po nung Part 1. Konti lang po ito kaya pagpasensyahan niyo nap o ako. :) talagang konti lang po ito haha. Anyway salamat po s  mga nagfan po sa akin at sa mga nagmessage I love you guys :)) God bless *love love* >

<Michelle’s POV>

(Continuation of the FLASHBACK)

Simula nung ipagpalit ako ni Ralph sa mga kaibigan niya ay hindi ko na siya kinaya pang Makita.

Kapag nakatalikod palamang siya ay agad na akong iiwas at lalayo palayo sa kanya para hindi niya ako Makita.

Alam kong hindi siya nasasaktan sa pag break up naming, actually wala kaming official break up basta nalang ganito iwasan at walang kibuan.

Parang we’re a total stranger.

Masakit pero eto ang mas nakakabuti.

Pumasok ako sa room at konti palamang ang tao ditto andito na rin si rioma na nagbabasa ng libro.

Laki ng pinagbago niya ngayon, hindi na siya yung so called b*tch dito sa campus and it turns out na nagging nerd siya.

Nilabas ko na ang aking notebook para makapagreview sa unang subject namin nang marinig ko na ang hiyawan at ingay sa labas ng room.

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko habang palakas na ng palakas ang tono ng ingay na nanggagaling sa labas hanggang sa may nagbukas ng pintuan at inilabas nito ay si Ralph na kasama ang mga kabarkada niya.

Ang saya niya a parang wala mang sumagi sa isip niya na nagbreak na kami.

Isa isa silang nagsipasukan at kasama sa pumasok ay si mika na kasabay maglakad nito ang hapon na tumulong sa akin nung isang araw.

Napatingin sa akin sina mika pero agad din akong umiwas ng tingin, nasa may likuran kasi ako nakapwesto at ang masaklap pa magkakatabi lang ang mga upuan namin.

Hindi ko alam pero kuasa nalang gumalaw ang kamay ko na inililigpit na ang mga gamit ko at patayo nang lumabas ng room bago pa nila ak maabutan.

Paglabas ko ng room ay hinawakan ko ang dibdib ko. Napakabilis ng tibok nito na para bang nakikipagkarera sa isang kabayo.

Hindi ko alam kung paano ko papakalmahin ang sarili ko kaya pumunta ako sa rooftop para magpahangin.

Umupo ako sa may pinakadulo ng rooftop at tumingin sa kalangitan.

At nagisip ng malalim.

Ganito nalang ba ang magiging highschool life ko? Ang maging isang loner?

Hindi na kinaya ng luha ko kaya bigla nalang itong tumangos sa aking mga pisngi.

Hinahayaan ko lang itong tumulo dahil alam ko na hindi naman ito titigil kahit na punasan ko pa ito ehh..

Masaklap pa ay malapit na ang kaarawan ko.

Itong week na ito ay magbibirthday na ko ehh.. at ito pa ang mangyayare sa akin akala ko ga magiging maganda ang birthday ko na kasama si Ralph pero hindi ehh sa isang iglap nawala nalang siya bigla.

Habang nagpapalipas ako ng oras dito sa rofftop ay biglang nagvibrate ang bulsa ko, hinigit ko ang laman nito at may tumatawag sa cellphone ko.

Si Mika,

Hindi ko alam kung  sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi.

Kaya lang may sariling pwersa nanaman ang kamay ko kaya nagawa nitong pindutin ang “answer” kaya nilapit ko na ito sa aking tenga.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon