Chapter 8: A Deal is a Deal.

197 2 0
                                    

Chapter 8: A Deal is a Deal

<Rioma's POV>

"darating daw si cole tol."

"hala. patay nanaman panigurado ang makakalaban niya."

"badtrip siguro siya kaya sasabak nanaman siya mamaya."

"babae raw ang kalaban niya ehh."

Napa TSK-ed ang katabi ko.

Pumasok kami sa magulong buhay ng mga gangster..

At eto kaming 7 at dahil sa nakarecover na raw si mika (sabi niya) sa sugat sa kanyang ulo ay lalaban na daw siya ulit.

Sabi ko sa inyo eh. Matigas ang ulo talaga ng babaeng ito.

"soo, parang may paparating atang magaling ha?"-sigaw ni jm sa amin dahil nagsisigawan na ang mga iba't ibang klase ng tao dito sa loob ng Battle ground.

Tumigil kami sa usual spot namin sa may itaas at dahil sa mga VIP kami ay umuupo kami sa upuan ng mga fighters sa itaas at kitang kita namin ang laban na nagaganap.

Medyo nag improve na ang battleground ngayon ng dahil narin sa marami na ring mga iba't ibang grupo ng mga gangster na nandirito.

At may mga so called "FIGHTERS" na rin sila na ang ibig sabihin ay sila ang mga laging sumasabak sa laban at parang sila na rin ang mga active at malalakas na grupo sa Battle ground.

At isa na ang grupo namin nila mika doon..

Natawa nga ako nung minsan tinanong sa amin nung parang coordinator ng battle ground kung anong pangaan ng grupo namin dahil isa raw kami sa mga magagaling na gangsters sa bayan na ito.

At ang sagot ni mika...

"THE GRUDGE."-in a very very ghostful voice..

Kaya simula noon hindi na lumapit yung coordinator kay mika ng dahil sa takot.

"sooo, i've heard a news.. bumalik daw ata yung pinakabasagulero rito sa battleground."-and then shane take a sip of her iced tea.

Yesss, sineserve nila kami rito ng free haha..

Kaya nga gustong gusto ni mika ang nandito dahil lahat ay libre ehh. :D

"sabi nga ng mga malalajot na babae sa baba kanina papabels daw siya atey!"-masiglang sabi ni micah habang kumukuha ng litrato sa ibaba specifically sa mga lumalaban.

"hayan nanaman ang pagka harot mo micah,"-bawal ni miguel sa kanya na seryosong nanonood sa mga naglalaban..

"hayaan mo siya ngayon na nga lang nagsasalita ehh."-mababang sabi naman ni liza na kumakain ng cake.

Nagsigawan na ang mga tayo ng dahil sa tapos na ang laban.

"WHHOAHH!! ang weak niyo!"-mayabang na sigaw ni jm.

Nagdeath glare si mika sa kanya na ikinatahimik niya at ikinatuwa naming lahat.

Ganito ang seating arrangement namin.

Miguel-Liza-Micah-Shane-Ako-Jm-Mika

Gustong gusto niya sa dulo ewan ko ba sa kanya kung bakit. :D

"and the winner is rockie!"-sigaw ng announcer.

Nagsigawan nanaman ang mga tao pero bigla silang napatigil ng may biglang sumigaw sa di kalayuan ng "Anjan na sila!"

Napatingin kaming lahat kung sino ang parating.

"ayan na si cole.. Cute yan friend!"-kinikilig na bulong sa akin ni shane..

Nagroll eyes ako. as if naman magkakagusto ako agad dun sa kung sino mang oh-so-called Almighty nila.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon