Extra Chapter: Valentine's Day Special

154 3 0
                                    

<A/N: Happy Valentine's Day Guys! <3 >

<Mika's POV>

"Ate mika Hindi ka ba papasok ngayon? Malalate na tayo!" Nagtalukbong lang ako ng kumot.

Ayokong pumasok ngayon panigurado may makikita nanaman akong mga weird na mga rosas kahit saan..

Argh! I hate Valentines's! Naiimbyerna ako kapag Feb. 14..

Never akong lumabas ng kwarto kapag Feb. 14.

I hate Flowers.. Ewan ko kung bakit. May Trauma ata ako sa mga pulang rosas ehh.

Kung chocolate nalang mas ok pa.

"Ate!" Nasinagan ako sa liwanag sa may bandang pintuan.

Tsk! Inis naman tong cyril na ito.

Narinig ko ang mga hakbang ni Cyril papunta sa napakadilim ko kwarto at tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko.

"Argh!" Inis kong sigaw at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan ko.

"Ate! hindi na tayo high school. Kailangan nating pumasok. May mga exams ka pa naman ngayon." Sabi ni Cyril habang sapilitan niyang tinatanggal  sa mukha ko ang unan.

"OO na!" Inis kong binitawan ang unan at nawalan ng balanse si cyril kaya nahulog siya sa sahig.

Tumayo ako at agad na pumasok sa madilim kong C.R.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Bahala na.

<Cyril's POV>

Tagong tago si Ate mika sa likuran ko.

Napailing nalang ako. Kung sa iba mas gusto nila ang Valentine's Day kesa sa Halloween baligtad kay ate mika. Mas prefer niya ang Halloween kesa sa Valentines ayaw na ayaw niya sa pulang rosas kaya nga nung nanligaw si Rain kay mika Black roses ang ibinigay niya dahil alam niya na ayaw na ayaw ni ate mika sa Red Roses. 

"Argh! I hate this." Bulong niya.

Natatawa ako sa kanya na para bang may Phobia siya sa mga couples.. hahaha

"Yow!" Sabay nito ang pagakbay sa akin ni Ralph na ikinagulat naming dalawa ni ate mika.

"Aye Black sorry nadaganan kita.. Bakit naman kasi nagtatago ka jan?" Natatawa pa niyang sabi.. 

Paano naman kaya nakakatawa talaga ang posisyon ni ate mika.

Nakayuko siya at nakahawak sa damit ko na para bang mawawala siya.

"Ahh.. Alam ko na takot sa Valentine's di ba? Ohh sige para di kana matakot ohh eto!" Pagkatapos ay may kinuha si Ralph sa bulsa niya at bulaga!

Nanlaki ang mga makikinang na mata ni ate mika at agad na sinunggaban ang Cadbury na hawak hawak ni Ralph..

"Woah! Easy! hahaha" Tapos ay tumawa kami ng malakas.

Ang kaninang inis na si ate mika ay ngayon ay sobrang saya ng dahil lang sa isang chocolate bar.

Tumigil kami sa pagtawa ng mag death glare na sa amin si ate mika.

Baka bigla niya kaming suntukin ehh..

Nang makarating na kami sa School ay ang daming mga lalaking may mga hawak na pulang rosas pagkatapos ay ibibigay nila ito sa taong gusto nila.

"Hi kuya! Happy Valentine's po!" sabi ng isang babae na lumapit sa amin specifically sa akin.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon