Chapter 37: Her Side (Part 1)

426 4 1
                                    

Chapter 37: Her Side

A/N: Kay michelle po ang chapter na ito para malaman niyo din po ang nararamdaman niya and sadly po matatapos na po ang She Changed :( Mga 3 Chapters nalang po siguro ang itatagal ng SC :) at ako po ay nagagalak sa mga lahat ng mga nagmessage, nag vote, nag comment at nag fan po sa akin ng dahil po sa SC answered prayer po talaga ang lahat.. with Him (GOD) Nothing is Impossible :) Dedicated to my new friend :))

Reminder po may PART 2 po ito :))) i'll UD po by next week or kapag sinipag this week.. :D

<Michelle’s POV>

Nandito ako ngayon sa tabi ni mama at tinitignan ko ang mala anghel kong ina.

Napapangiti ako kamukha ko nga talaga si mama.. tumingin naman ako sa likod ko na nakahiga rin ang isa sa mga mahal kong tao ang daddy ko.

He is sleeping peacefully parang hindi man sila naaksidente..

Nangingilid nanaman ang luha ko ng maalala ko na pareho silang naaksidente..

It’s my first time na magkaroon ng ganitong experience, masakit pala nakikita mo palang silang naghihirap parang nasasaktan na din ako para sa kanila.

Ay hindi nap ala nangingilid ang mga luha ko tumutulo na sila sa mga mapupulang pisngi ko..

Ohh come on! I always cry every night. Hindi ko naman maiwasan ehh..

Mas doble nito ang sakit na ginawa sa akin ni mika.

Speaking of her hindi ko naituloy ang pagrerevenge ko sa kanya.

Tsk!! Baka kinarma na ako sa mga ginawa ko sa kanya and wala akong pakialam kailangan kong makaganti sa kanya.

<Flashback> (Whe She was 2nd year to 3rd year po siya)

“Hey Panget!!! Pulutin mo nga tong kalat dito”

“hey! Gawin mo nga ang assignment ko!

“Hoy! Ikaw nanaman ang umuupo sa lugar ko ha?? Dun ka nga!”

I was being bullied when I was in 2nd year high school.

Walang nagtangkang tumulong sakin dahil alam nila kapag may tumulong sa akin ay pati sila madadamay sa kamalasan ko.

Masaklap pa noon ay hindi kami magkaklase ni Mika Austin. Opo, best friend ko po siya matagal na kaming 3 nina Rain.

Si rain kasi nasa Canada na at hindi na nagparamdam pa.

Si mika naman super busy na tao nun, lagi siyang nasa SSG (Supreme Student Govenment) room tapos top 1 kasi syia sa klase nila at may training pa siya ng volleyball every afternoon kaya wala narin siyang time para sa akin.

Lagi akong binubully sa school noon at ang nambubully sa akin kung sino, si Rioma..

Rioma Richwood ang B*tch kong kaklase..

Ginagawa niya akong alila dahil alam niya na wala akong laban sa kanya dahil na rin siguro kamag anak iya ang principal ng school na ito.

Pero nagbago ang lahat ng iyon ng dumating si mika.

Ang savior ko. Ang best friend ko at tinuring kong kapatid.

Nakaupo ako sa cafeteria at kumakain akong mag isa. Nandito ako sa may pangdalawahang upuan at nasa pinakadulo ang pwesto nito. Walang gustong mga estudyante ang pumupunta dito dahil na rin sa sulok na ito ng cafeteria at pangdalawahan lang ang upuan. Hindi ko na hinintay pa si mika na dumating ng dahil na rin sa gutom na ako ay nauna na akong kumain.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon