Chapter 4: I will never let you go.

264 4 1
                                    

Chapter 4: I will never let you go.

<Rain’s POV>

Nasa may elevator na ako papunta sa condo ko ng biglang mag ring ang phone ko.

“ohh tol? Problema?”-pagsasagot ko sa tawag ni Cyril

“tol san ka? Puntahan ka namin jan ni Ralph..”-narinig ko ang pagbell ng elevator na naghuhudyat na nasa 32nd floor na ako.

“nasa may condo na ako punta nalang kayo dito..”-pagkatapos ay binuksan ko ang pintuan ng condo ko at pumasok

“ok tol, papunta na kami jan.” ibaba ko na sana ang tawag niya kaso narinig ko bigla ang pagsigaw ni Ralph sa kabilang linya.

“maghanda ka ng maraming pagkain!!”-sigaw niya..

Natawa naman ako ng malakas..

“opo! Itay! Magluluto po ako ng maraming pagkain para po sa inyo..”-pakikiride ko sa kanya at pinatay na rin ang tawag.

Naligo muna ako at pagkatapos kong maligo ay nagluto na ako ng makakain ni Ralph.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng marinig ko ang doorbell ng condo ko.

Kinuha ko yung tuyong bimpo sa may taas ng mesa at pinunasan ang basa kong mga kamay [agkatapos ay binuksan ko na ang pintuan ng condo at si Ralph na walang modo daretso lang siyang pumasok..

Tsk! feel at home lang..

“pagpasensyahan mo na rain, sawi siya ngayon ehh.”-pagkatapos ay tinap niya ang balikat ko at tumuloy na rin siya sa pagkasok.

Lumapit ako kay Ralph na kasalukuyang nakahiga na sa sopa at nanonood ng tv.

“hoy ulan!”-nagulat ako sa pagsigaw niya.. mukhang badtrip nga ata talaga ito.

“may alak ka ba jan? inom tayo!”-pag aayaya niya sa akin..

Nanlaki ang mga mabibilog kong mga mata at tumingin ako ng may pagtataka kay Cyril na nakangiti naman ang loko.

Sinagutan lang niya ako ng tingin na may hindi-ko-alam-look

“tol anyare bah?”-pabulong kong tanong kay Cyril..

Syempre kayo naman curious din ako sa utol na ito. Hindi mag aayaya magi nom yan dahil sa una, hindi kami umiinom ng alak at pangalawa talaga may dinadala siyang mabigat na suliranin sa kanya puso..

“nag break sila ni michelle..”-pabalik na bulong ni Cyril..

Nag “AH” ako at tumingin kay Cyril at tumango tango.

“nga pala kala ko ba nagdate kayo ni ate mika?”-pag iiba ng topic ni Cyril.

Bigla nanaman gumalaw ng kusa ang bibig ko na nagform ng ngiti sa aking mapupulang mga labi.

“para kang tanga tol, ngingiti ngiti bigla.. pftt!”-inis na sabi ni Ralph.

Tsk! panira naman ng ngiti tong sawing lalaking to.

“OO! Nagdate kami sobrang saya nga ehh..”-tapos tumingin ao ng mapanukso kay Ralph para mas lalo siyang maasar..

Nagkamot ng ulo si Cyril at nagsalita..

“ehh, pero sabi ni ate mika hindi naman daw natuloy ang date ninyo..”-pagsasalungat ni Cyril sa sinabi ko kanina.

Ano bayan, nalungkot naman ako bigla.. ikinahiya niya ba ang matagalan naming pagholding hands kanina at ang kasweetan namin sa complex.. :(

“ehhh, sinabi niya yun?”-disappointed kong sabi.

<FLASHBACK (2 HOURS AGO)>

Lunch break na ng inaya kong kumain si mika.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon