Chapter 19: Revelation

272 5 1
                                    

Chapter 19: Revelation

<Rain’s POV>

“Ohh Rain sa wakas pumasok ka na rin! Tagal mong absent 3 araw..” Sabay akbay sa akin ni Ralph.

Buti na lamang at ok na ulit itong si Ralph nang huli ko siyang Makita. tatlong akong hindi pumasok dahil sa nagtraining ako sa isang bakbakan. Parang boxing kumbaga.

“Eto masakit parin katawan ko tol ng dahil sa training sa boxing..”

“Halata nga sa mukha mo pero tol. Sa totoo lang tatlong ka lang nawala pero ang laki na ng  pinagbago ng katawan mo.” Sabay suntok ni Ralph sa may braso ko. Pero hindi ako nasaktan. Manhid na ata ako sa sobrang sakit ng pinag daanan ko ng isang linggo ehh..

“Ehh ikaw tol musta ka na?” pagtatanong ko sa kanya alam na naman niya kung ano ang tinutukoy ko ehh.

“Eto. Nasa stage na nang pag momove on pero tol di ko kaya t*ngina..” Nagulat ako sa pagmumura niya. Hindi naman siya ang taong palamura.

“Chill tol. Ganyan talaga ako kinaya ko yan pagdating kay mika pero hanggang ngayon bumabalik at bumabalik parin ang pagmamahal ko sa kanya.” Nakangiti kong sabi. Ewan ko rin kasi sa puso kong ito kung bakit nag mahal pa sa taong hindi naman ako mahal.

Dumating si Cyril at nagulat ng Makita ako.

“Tol, Anyare sa katawan mo parang naging bouncer ka!” Natatawang sabi niya sa akin at tinapik ang balikat ko.

“Tatlong araw lang yan ahh paano pa kaya kung isang buwan.” Tumawa sila sa sinabi ko.

“Baka maging pating kana..” halakhak ni Cyril.

Natigil kami sa pagtatawa ng biglang may babaeng nasa harapan namin at hingal na hingal sa pagtatakbo siguro.

“Ohh Rioma anong problema bat pagod na pagod ka?” Curious na tanong ko sa kanya.

Lunch break na at hinila kaming tatlo nitong si Rioma dito sa may garden at parang may isa siyang sekreto na kailangan niyang ibulgar.

Tumingin tingin muna siya sa paligid at kinuha niya ang phone niya. Kaming tatlo ay taking taka sa ginagawa niya.

Sabay sabay na nag ring ang mga phone namin at nakatanggap kami ng dalawang litrato ng galing kay Rioma.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Sabay nito ang pagdidilim ng aura ko.

“Wag muna kayong magreact pleaseee.. Nakita namin yan ni Micah sa may Strabucks  kaya ko sinend sa inyo yan para malaman niyo ang mga pinag gagawa ni Ralph kapag hindi niya kasama si Mika.” Pabulong na sabi sa amin ni Rioma.

Tinignan ko ang mga ekspresyon ng mga kasama ko. Si Ralph na tulala at nakatingin parin sa phone niya at si Cyril naman ay binagsak niya ang phone niya sa sahig at kinuyom ang mga kamay.

Iisa lamang ang aura naming lahat dito ito ay ang galit.

Tinalikuran kaming lahat ni Cyril at nagumpisa ng umalis at alam ko kung saan ito patungo ngunit pinigilan siya ni Ralph.

“Cyril, Wag padalos dalos alam kong galit ka at galit din kami sa nakita natin pero mas maganda na pagplanuhin natin ito.” Kalmadong sabi ni Ralph sa kanyang matalik na kaibigan.

“Hindi ko mapapatawad ang ginagawa ng hayop na iyon sa Ate ko.” Matalim at mababang sabi ni Cyril sa amin habang nakayuko ito.

Hindi ko alam pero may naisip ko ng isang magandang ideya para malaman ito ni mika.

“May plano ako at alam kong magiging perpekto ito.”Nakangising sabi ko sa kanila na ikinatingin nilang lahat sa akin.

“Cyril. Tawagan mo ang kakambal mo. Rioma tawagan mo si Micah”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon