Chapter 33:Friendship :)

510 7 0
                                    

Chapter 33:Friendship :)

<Cyril’s POV>

Masaya ako para kay rain..

Kahit na ligaw palang naman ay napakasaya na niya..

Kala mo naman sila na.. haha

Nandito na ako ngayon sa bahay at pupuntahan ko si ate mika sa kwarto niya..

Tinanggal ko muna ang takot kahit na natatakot pa rin ako..

Kumatok akong ilang beses pero hindi parin niya ako pinagbubuksan..

Hinawakan ko yung doorknob at pinihit ito..

Hindi siya nakalock kaya binuksan kong dahan dahan ang pintuan at sumilip ako..

May apoy sa mga kandila at nakalagay sila na parang chandelier sa may ceiling ng kwarto ni ate mika..

“a-ate?”- paghahanap ko sa kanya

Nakita ko sa may study table yung black roses na ibinigay ni rain sa kanya..

Salamat nalang at hindi niya ito tinapon..

Tumingin ako sa may kama at wala din siya doon..

Asan na ba yun??

Lalabas na sana ako dahil baka magalit pa si ate mika dahil pumasok ako ng walang pahintulot sa kwarto niya..

Pagharap ko sa may pintuan ay bigla akong napasigaw..

“AHHHH!!!”

Katapat ko si ate mika at ang lapit ng mukha niya sa mukha ko..

Napatalon pa ako sa sobrang gulat..

“a-ate!! Ayan kananaman sa pananakot mo!”-takot kong sabi sa kanya..

Tinignan lang niya ako at nilagpasan lang ako..

PSHH.. yan nanaman siya sa pagiging cold..

Humarap ako kung saan siya dumaan at nilapitan ko siya..

Nakaupo siya sa may sahig at hawak niya yung  bouquet ng black roses na binigay ni rain..

“ate bat pumayag ka na ligawan ka ni rain?”-pagtatakang tanong ko sa kanya..

 Umupo na rin ako sa sahig na nasa katapat ni ate mika..

Nakita ko na medyo nanggigigil siya habang hinahawakan ang bouquet.

Medyo natatanggal na din yung ibang petals nung roses..

Mas nagulat ako ng bigla niyang ibinato ng malakas yung bouquet..

Sinundan ko ng tingin yung bouquet kung paano ito gumulong-gulong sa sahig at nauubusan ng petals..

Tumingin ako kay ate mika at tinignan niya ako with a SCARY LOOK..

For protection” –nakakatakot na sabi ni ate mika..

Nagform naman ng V yung mga kilay ko..

Naghuhudyat na nagtataka..

“huh??”

Target siya ni michelle, inunahan ko na siya.”-cool na sabi ni ate mika

Target??

Si michelle?? Bakit naman si rain??

Nagtaka nanaman yung kilay ko..

Andami niyang mga tanong sa utak ko pero hindi ko na inilabas sa bibig ko baka magalit pa si ate mika.. sabihan pa niya akong chismoso..

Tinignan uli ako ni ate mika.,.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon