Kabanata VI
Kahit na makitid at masukal ang dinadaanan ay mabilis kong nahabol si Aaron. Nag-aagaw na ang araw at dilim kaya naman minabuti kong sumunod sa kanya. Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na ito baka mamaya ay may kapre rito o kaya naman ay tikbalang. Probinsya pa naman ito.
Pumipito pa si Aaron habang prenteng naglalakad pabalik sa may mansyon. Paminsan-minsan ay nililingon niya ako kaya naman yumuyuko na lang ako. Ang awkward lang kasi! Kamukhang-kamukha niya si Allen! Maski iyong nunal ni Allen sa may sentido ay mayroon din siya. Paano kaya sila nakikilala ni Rowena kung sino si Allen at kung sino naman si Aaron? Kung pagtatabihin silang dalawa ay hindi ko na siguro makikilala kung sino ang boyfriend ko.
Napapailing pa ako dahil pilit kong hinahanapan ng pagkakaiba itong si Aaron. Well, kung sa ugali naman ay mukhang manloloko, presko at arogante ang isang ito. Jusko! Kahit yata nakatalikod ay parang iisang tao sila ni Allen!
"Ano ba?!" Hindi ko namalayang huminto pala si Aaron kaya naman nang humarap siya sa akin ay tumama ang noo ko sa kanyang dibdib. Mabilis kong hinawakan ang noo ko. Aray ko!
"Are you attracted to me? Ganoon ba ako kagwapo? Kung hagurin mo ng tingin ang likod ko." mayabang nitong saad at hinawi pa ang buhok nito. Imbes na sagutin siya ay tumingkayad ako upang mahawakan ang baba niya. Napangisi ako nang para bang nagulat siya sa ginawa ko. Naningkit ang mga mata ko.
"Allen Reyes?! Ikaw ba yan?!" pang-aakusa ko sa kanya at nabigla pa ako nang itulak niya ako palayo. Napairap na lamang ako nang pinagpag pa niya ang mukha niya.
"Ang kulit! Mas gwapo ako kay Allen kaya huwag mo akong ipagkakamali sa kanya." As usual ay tinalikuran na naman niya ako at hindi ko na siya sinundan pa. Tama, hindi nga siya si Allen. Dahil kung mangungulit man ako ng ganito ay paniguradong sasaktan na naman niya ako. Tahimik lang si Allen, ayaw niyang kinukulit siya kaya naman kung minsan ay nakatahimik lang ako sa tabi niya. Magsasalita kung kakausapin niya. Para akong laruan ni Allen na susunod lang kapag gusto niyang makipaglaro. Humugot na muna ako ng malalim na hininga bago sumunod kay Aaron.
"Wait!!" Huminto ako nang nilingon ako ni Aaron. Bumaba ang tingin niya sa aking braso at napahinto siya sa dapat ay sasabihin niya. Tinignan ko ang braso ko na may manilaw-nilaw pang pasa. Pagaling na iyon mula sa suntok ni Allen noong nakaraang nag-sex kami. Kung minsan ay nasasaktan na muna niya ako bago magtalik. Tinakpan ko ang braso ko at ngayon ay ako naman ang nagpatiunang maglakad.
Kaunting metro na lamang ay naroon na kami sa may mansyon. May daanan sa likod patungong kusina kaya doon na lang siguro ako maglalakad. Gusto kong maligo at nagdadalawang-isip kung sasama ba ako sa hapunan o hindi. Paano akong iniwan ni Allen ng mag-isa rito. Para akong isinabak sa giyera na tinidor lang ang dala ko. I need an escape. Gusto ko ng umalis rito. Bakit ba kailangan ko pang magtiyaga rito kung may balak rin naman akong makipag-break kay Allen.
Baliw na baliw sa akin si Allen. Paniguradong papatayin niya ako kapag nakipag-break ako. Kailangan kong mag-planong mabuti. Hindi ko isasakdal ang sarili ko sa panghabambuhay na impyerno kasama si Allen. Nilingon ko si Aaron na kanina pa pala huminto sa paglalakad at tinititigan lamang ako. Medyo malayo na ang agwat naming pareho. Anong problema niya?
"Sinasaktan ka niya?" It was a statement. Ngumisi lang ako at tumango.
"Sampal, suntok, tadyak. Name it." kibit-balikat ko pa na para bang balewala lang iyon lahat sa akin. Sa bawat sampal, suntok at tadyak na ibinibigay ni Allen ay nagiging lamat iyon sa puso ko hanggang sa nabasag na ito ng tuluyan. Nginitian kong muli si Aaron subalit seryoso lamang siyang nakakatitig sa akin at umiling.
"Tanga." mariin ang pagkakasabi niya niyon kaya naman napatigagal ako. Madalas akong sabihan nang ganoon ni Allen pero nang si Aaron ang nagbitaw niyon ay para bang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig. Ginising niya ako sa bangungot na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/24766807-288-k839070.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Lover Special Story: Victoria
RomanceMasaya ang buhay ni Victoria sa piling ng kanyang nobyong si Allen. Kahit na hindi naman siya nakaka-angat sa buhay ay minahal pa rin siya nito at madalas ipagtanggol sa matapobre nitong ina. Perpekto na sana ang relasyon nila nang yanigin ng pagdat...