Kabanata XI

2.3K 42 4
                                    

Kabanata XI

Malapit ng sumapit ang alas dose ng hatinggabi. Namimiss ko na si Aaron, ang aming tagpuan at ang sayang ibinibigay niya sa akin. Ako lang ang natira sa mansyon dahil nagtungo ang mga Reyes sa San Rafael para sa unang gabi ng burol ni Arzela.

Hindi na ako ipinasama ni Allen at ini-rason na lamang niya na masyado akong nabigla sa mga pangyayari. Iniwan niya akong naninibugho sa matinding galit. Kapag naalala ko ang pananakot sa akin ni Allen ay nanginginig ang bawat laman ko sa galit.

Maaari pa lang umabot sa sukdulan ang pagkamuhi mo sa isang tao na gugustuhin mo na lang na mamatay kaysa masakatuparan niya ang lahat ng kanyang binabalak. Walang pag-asa na lang akong napatingin sa aking repleksyon habang pinapahid ang aking mga luha. Hindi ko akalaing kay Allen pa rin ako babagsak at hinayaan ko siyang talian niya ako sa aking leeg. Nasa ganoon akong pag-iisip nang mapansin ang isang papel na nasa ilalim ng pintuan. Kunot-noo akong tumayo at dinampot ito.

12 mn sa ating tagpuan.

I miss you, Vic.

Ang lalaking mahal mo,

Aaron

Bigla akong nilukob ng matinding kalungkutan nang mabasa ko ang huling pangungusap sa sulat ni Aaron. Ikaw lang ang mahal ko Aaron subalit paano ba ako makakatakas kay Allen? Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko kayang biguin si Aaron. Kung aminin ko na kaya sa kanya na ako talaga ang may kasalanan sa pagkamatay ni Arzela? Matatanggap naman niya ako, hindi ba? Mahal niya ako at hindi niya ako hahayaang makulong.

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa may bedside table at limang minuto na lang bago ang alas-dose kaya naman mabilis kong kinuha ang jacket ko at flashlight upang puntahan si Aaron. Isang araw ko pa lamang siyang hindi nakakasama ay para bang sampung taon na ang katumbas nito sa akin.

Kahit na madilim ay tinahak ko pa rin ang madilim at makitid na daan patungo sa may tagpuan namin ni Aaron. Ilang dipa na lamang ang pagitan namin ni Aaron at naabutan ko siyang nakaabang sa akin. Agad sumilay sa mga labi niya ang ngiti nang makita niya ang sinag mula sa hawak kong flashlight. Mukhang maaga siyang umalis sa burol upang makasama ako ngayong gabi dito sa aming tagpuan.

Mas lalo akong nanabik sa kanya at tinakbo ko na ang distansya naming dalawa upang salubungin siya ng mahigpit na yakap. Bahagyang napatawa si Aaron dahil hindi niya inasahan ang pagyakap ko sa kanya. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at sinamyo ang kanyang pabango. Nakakarelax ang amoy niya at ang init ng bisig niya ay nakakapagpagaan sa bigat na dinadala ko ngayon. Mahal na mahal ko si Aaron, ang isiping hindi siya magiging akin sa buhay na 'to ay hindi ko makakaya.

Kung obsessed sa akin si Allen ay gayon naman ako sa kanyang kakambal. Hindi matatanggap ng utak at puso ko kung hindi kami magiging malaya at masaya ni Aaron. Parang pinatay ko na rin ang sarili ko.

"Miss me?" nang-iinis na tanong ni Aaron at masuyong hinalikan ang ulo ko. Imbes na sumagot ay mas lalo ko lang isiniksik ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito.

"I love you, Aaron." tiningala ko si Aaron upang makita ang kanyang reaksyon at hindi naman ako nabigo dahil ngayon ay nakangiti siya at mabilis akong hinalikan sa aking labi.

"And I love you, too." nagbuntong hininga pa muna si Aaron at hinaplos ang aking pisngi.

"Are you okay? Sinaktan ka ba ulit ni Allen?" hinawakan ko ang kamay ni Aaron na marahan pa ring humahaplos sa aking pisngi. Hinalikan ko ito at mas lalong dinama ang init ng kanyang palad.

"Wala lang ang mga iyon sa akin. Hindi ko makakaya ang sakit kapag ikaw ang nawala sa akin." tugon ko kay Aaron.

"Hindi ba't wala na kayo? Bukas ay babalik ka na sa Maynila. Everything will be alright, Vic." mabilis kumalabog ang puso ko nang makita ang pag-asa sa mga mata ni Aaron.

Aamin ba ako sa krimeng ginawa ko o pipiliin ko na lang na magdusa kasama si Allen? Hindi agad ako nakakibo lalo pa noong nagtanong muli si Aaron. Dahan-dahan akong bumitaw sa yakap ni Aaron at tumalikod sa kanya. Hindi ko kayang magsinungaling sa pinakamamahal ko.  

"Hawak ako sa leeg ni Allen." kinagat ko ang aking labi at takot na hinarap muli si Aaron. Hindi ko pala kayang aminin ang lahat kay Aaron. Ayaw kong kamuhian niya ako. Patawarin mo ako Aaron kung masasaktan kita subalit sisiguraduhin kong magiging tayo pa rin hanggang sa huli. Buhay ko man ang kapalit.

"What do you mean? Is he threatening you?" nag-aalalang hinawakan ni Aaron ang magkabilang balikat ko, sukat doon ay parang gatilyo ang mga luha kong bumuhos.

"Natatakot ako para sa pamilya ko Aaron. Ang totoo niyan ay matagal ko ng gustong kumalas kay Allen pero lagi niya akong tinatakot at ang pamilya ko. Nakakatakot siya. Kaya niyang pumatay para sa akin, Aaron. Natatakot din ako para sa iyo. He's obsessed with me. Isang mamahaling laruan ang turing sa akin ni Allen." sumbong ko kay Aaron at mukhang naniniwala naman siya sa akin.

"I can see that. Kaya ko kayong protektahan ng pamilya mo, Vic. Kung ano ang kaya ni Allen ay kaya ko rin. Don't be scared." hinawakan ko ang kamay ni Aaron at nilagay ito sa aking pisngi.

"Kaya nga dapat pag-isipan nating mabuti ang lahat. Alam nating pareho ang kapasidad ni Allen, kahit kakambal ka niya ay papatayin ka niya para sa akin. He is so possessive and a manipulative psychopath. . Kahit na kakambal mo siya ay mas kilala ko pa rin siya."

Allen is a total psychopath. Kung bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat ay bulag yata ako. Gustong-gusto niyang mag-manipula ng mga tao at kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya ay nananakit siya ng tao o kahit ano mang bagay ang mapulot niya. Masyado siyang dominante at mabilis siyang mawalan ng pasensya lalo na kapag hindi siya nasusunod.


"What do you want me to do? Panoorin na lang na nakakulong ka sa kanya habambuhay?" frustrated na tanong ni Aaron at sinabunutan ang kanyang buhok.

"Hindi ko naman yata 'yon hahayaan, Vic! Mahal natin ang isa't-isa. Hindi ang obsesyon ni Allen ang makakahadlang sa atin! Sumama ka sa akin sa US. Kahit saan pa tayo makarating." maagap kong hinawakan si Aaron sa kanyang braso at ikinalma.

"We will get through this, love. But not now." saad ko na mas lalo pang nakapagpagulo sa isip ni Aaron.

"Hindi ako magpapakasal kay Allen subalit kailangan mong maghintay. Hindi pa ngayon. Please? I'm so sorry. Hindi ko gustong biguin ka pero kailangan natin ng tamang tiempo kung hindi ay pareho tayong mamamatay sa kamay ni Allen. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin. Hindi ko magtitiis ng ganitong katagal kung madali lang makawala sa kanya." Nakahinga ako ng maluwag nang mapahinuhod ko na si Aaron at sinalubong niya na ako ng halik. Buong puso kong tinugon ang bawat halik ni Aaron.

"What's your plan?" tanong niya nang maghiwalay kami upang maghabol ng hininga.

"Sa ngayon ay mananatili pa rin ako rito at makakaisip rin ako ng paraan para makalaya kay Allen. Mapapakasalan lang ako ni Allen kapag patay na ako." natawa ako nang mabilis akong pinatahimik ni Aaron ng isang halik.

"Don't say that!"


Mas lalo akong natawa nang muli niya akong halikan sa aking labi upang patahimikin na ng tuluyan.



itutuloy....

Midnight Lover Special Story: VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon