Kabanata X

1.7K 39 2
                                    


Kabanata X

Muntik na akong mapatili nang may nagtakip sa bibig ko at hinila ako palayo sa may teresa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Allen na maingat na nagmamasid sa paligid namin. Is he going to save me? Matapos ang pagtrato ko sa kanya kanina ay hindi niya kaya ako ilalaglag?

Walang kaingay-ingay kaming nakababa ni Allen mula sa ikalawang palapag at dinala niya ako sa kanyang silid. Napaluhod ako sa sahig nang binitawan ako ni Allen. Kung hindi lang niya ako inaalalayan kanina ay baka kanina pa bumigay ang mga tuhod ko. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot. What am I going to do? Hindi ako sigurado kung may nakakita man sa pagtatalo namin ni Arzela. Ayokong makulong! Nanginginig ang mga kamay sa sobrang takot. Hindi ko 'yon sinadya! It was an accident!

"H-hindi ko siya p-pinatay." bulong ko sa sarili ko. Para bang pinapaniwala ko rin ang sarili ko na hindi ko nga pinatay si Arzela. Paalis na ako pero hinila pa niya ako kaya siya nawalan ng balanse.

"I know." seryoso at walang emosyon lang na sagot ni Allen. Nakatitig lang siya sa akin habang hindi ko naman maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan at mga kalamnan ko.

Mas lalo akong nilukob ng sindak nang marinig ko ang tili ng isa sa mga katulong nina Allen. Siguradong may nakakita na sa bangkay ni Arzela. Panic ang mas nanaig sa akin. Nanginginig ang mga kamay kong napatakip sa aking bibig. Anong gagawin ko?! Paano ko lulusutan 'to?! Napaangat ang tingin ko kay Allen nang lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ng mariin ang aking magkabilang balikat. Kalmado lamang siya at tinitigan ako sa mga mata ko habang ako naman ay umiiyak na.

"Get a grip, Victoria. Calm yourself. Walang makakaalam sa nangyari, tayong dalawa lang at si Arzela ang nakaalaam. Wala ng iba pa. Hindi ako makakapayag na ikaw ang madiin dito. It was an accident. Walang may kasalanan sa nangyari." kahit gaano pa kakalma si Allen ay hindi niya ako mapahinuhod.

"A-anong g-gagawin ko, Allen?" wala na akong kakayahan pang makapag-isip kung paano makakalusot. Bigla na lang na-blanko ang isip ko dahil sa biglaang pangyayari ng lahat.

"Do what I say." kahit na nanghihina pa ay hinila ako patayo ni Allen at dinala sa may banyo. Nang hindi ko pa rin alam ang gagawin ko ay si Allen na mismo ang naghubad ko ng damit ko sa akin. Pinaandar niya ang shower at itinapat niya ako roon. Ang mainit na tubig ay nakapagpakalma sa akin kahit papaano. Nanlaki ang mga mata ko nang maghubad rin siya at nakisalo sa akin mula sa ilalim ng shower.

"W-what are you doing?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Isa o dalawang minuto lang siyang nanatili sa may ilalim ng shower at umalis na. Kumuha siya ng towel at nagsuot ng roba.

"This is our alibi." Sinundan ko siya palabas ng banyo dahil patakbo siyang lumabas ng silid namin. Mas rinig na rinig ang tilian mula sa labas kaya dali-dali rin akong kumuha ng roba at lumabas. Palalabasin ba niyang magkasama kami sa silid noong malaglag si Arzela mula sa teresa?

Bumungad sa akin ang kumpol ng mga tauhan sa bukid nina Allen na pinalilibutan ang bangkay ni Arzela na ngayon ay nakadilat pa rin. Pilit kong kinakalma ang ekspresyon ng aking mukha at wala sa sariling hinawakan ang kamay ni Allen. Saglit na pinasadaan ni Allen ang magkasiklop naming mga kamay bago ito hinawakan ng mahigpit. Tinanguan niya ako, bahagya akong nakaramdam ng relief dahil kung wala si Allen ay baka kanina pa ako nabuko.

Wala sina Rowena at Aaron dahil nagpasama daw ito sa may bayan kaya naman si Allen pa ang tumawag sa mga pulis. Taimtim kong pinakinggan ang mga haka-haka at chismis ng mga tauhan sa bahay at sa bukid. Sa tingin ko ay wala naman nakakita sa nangyari at wala ring nakakita na nag-usap kami ni Arzela. Anila ay baka daw nagpakamatay si Arzela o kaya ay lasing ito dahil sa tabi nito ay may basag na wineglass. Damn! It was mine! Buti na lang at nabasag ito, malabo na sigurong may makuhang DNA roon. Pinagmasdan kong mabuti ang katawan ni Arzela at inusisa kung may mga kalmot ko ba ang balat niya. Mas nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman akong napansin.

Midnight Lover Special Story: VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon