Kabanata V

4.1K 78 8
                                    




Kabanata V

Tahimik lamang kaming dalawa ni Allen habang binabaybay ang NLEX. Hindi man lang siya humingi ng tawad o pasensya sa ginawa niya sa akin kagabi. Kailangan kong magmataas dahil kung sa huli ay patatawarin ko lamang siya ng ganoon ay natatakot akong tuluyan ng mawalan ng respeto sa akin si Allen.

"Hindi ka ba nagugutom?" malamig na tanong ni Allen sa akin habang ako naman ay nakatutok lamang ang mga paningin sa kalsada.

"Nope. Sapat na sa akin ang kape." narinig ko ang pagbuntong hininga ni Allen at hinawakan ang kamay ko habang nakatuon pa rin ang atensyon niya sa pagmamaneho.

"Wala ka pang kinakain simula kanina. Pasensya ka na sa nangyari kahapon Vicky. Alam mo naman kung gaano kainit ang ulo kapag napag-uusapan si Aaron. Heto nga't nalaman kong nasa mansyon na pala noong isang araw pa." napailing na lamang ako at hindi pa rin kumibo. Hindi ko pa rin makuha kung ano ba ang dapat na ikagalit ni Allen sa kapatid niya. Dapat nga ay sila itong magkasundo dahil hindi lang sila magkapatid, magkakambal pa!

"Ano ba kasing kasalanan ng Aaron na iyon sa iyo? Bakit galit na galit ka sa kanya? Dahil ba sa isang babae?" pag-uusisa ko kay Allen.

"Magkasundo naman talaga kami ni Aaron noon pero napansin kong mas paborito siya ng Papa. Siya ang magaling, siya raw ang dapat na magmana ng kompanya pero sa huli ay binigo rin siya ni Aaron. Matagal na niyang pangarap ang maging isang jet fighter samantalang ako ay walang hinangad kundi ang pamahalaan ang kompanya." Iyon naman pala. Ano pang ikinakagalit niya? Pinigilan ko ang sarili kong mapairap dahil baka mamaya ay dapuan na naman ako ng sampal mula kay Allen.

"Kaya ikaw Vicky, wag kang masyadong maglalapit sa lalaking 'yon. Baka mamaya ay agawin ka rin niya sa akin. Akin ka lang." tumindig ang mga balahibo dahil sa pagkakariin ni Allen sa kanyang huling salita. Alam kong hindi madali ang kumawala sa relasyong ito lalo na kay Allen. He's obssessed at minsan nakakatakot na siya. Para bang maski ako ay kaya niyang patayin huwag lamang mapunta sa iba.

"Bakit mo naman naisip yan? Hindi ko nga kilala ang kapatid mo."

"Binabalaan lang kita Victoria. Dahil wala akong tiwala kay Aaron lalo pa't hindi naman kita maaasikaso. Kailangan kong bumalik ng Maynila mamayang gabi at baka sa makalawa pa ang balik ko." sukat doon ay mabilis akong napabaling kay Allen. What?! Iiwan niya ako sa ancestral house nila sa may probinsya at babalik siya ng Maynila? Paano ko naman pakikisamahan ang ina niya at iyong maldita niyang kinakapatid?!

"Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Bakit kailangan ko pang maiwan sa Bulacan? Sasama ako pabalik!" pagdedeklara ko subalit mabilis niyang sinampal ang pisngi ko.

"Huwag mo akong pagtaasan ng boses Victoria at baka masupalpal ko yang bibig mo." mabilis ang aking paghinga habang sapo ang aking pisnging namumula. Pakiramdam ko ay magpapasa iyon. Ni hindi pa nga tuluyang gumagaling ang mga pasang natatamo ko mula sa kanya ay dinadagdagan pa niya ng panibago. Para saan pa iyong paghingi niya ng pasensya kani-kanina lang?

"Iiwan kita roon para maasikaso mo na iyong engagement party natin sa susunod na buwan. May emergency sa airline kaya naman kailangan kong bumalik." Hindi na lamang ako kumibo bagkus ay tahimik na lamang na pinahid ang mga luhang walang pigil sa pag-alpas.

Nang mapagod sa pag-iyak ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako nagising na lamang ako ng maramdamang huminto ang sasakyan. Padabog na lumabas ng sasakyan si Allen at pumunta sa may likod ng sasakyan upang kunin ang mga gamit namin. Wala sa sariling lumabas na rin ako sa kotse at bumungad sa akin ang malaking bahay na nasa harapan ko. Luma na ito at halatang itinayo ito noong panahon ng mga Espanyol. Gawa sa tisa ang bubong nito at mayroong teresa sa ikalawang palapag. Hindi ko alam kung barnis ba ang nagpapapula sa buong bahay o ibang materyales iyon. Sa pagkapula ng bahay ay maihahantulad mo na ito sa kulay ng dugo. Kaya naman pala tinatawag itong Bahay na Pula.

Midnight Lover Special Story: VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon